Opposites Attract - Episode 16 - Cold Treatment

2.2K 49 12
  • Dedicated kay sa lahat ng bagong fans :)
                                    

A/N Sana nagustuhan niyo yung Episode 15 kahit na natagalan masyado ang pag-post ko nun...

Sana din mabasa niyo yung bago kong gawa...yung side-story ng Opposites Attract entitled Wish... pati na rin yung Thoughts...

Thanks...have FUN!

P.S. Naiinis ako kasi hindi ko magawang i.change yung ratings ko sa wattpad dahil sa maling akala...akala ko kasi per episode yung ire-rate mo di pala..yung whole story pala..kainis...eh may isang ep ako na restricted kaya ayun..ang nangyari naging restricted tuloy yung buong story ko....di tuloy qualified yung story ko for what's hot...kainis lang...sana kasi per episode yung ire-rate dba?kaya nga every ep nag-re-rate dba? halerrr?!!!

Kaya sa mga writers jan na hindi pa naranasan to or bago palang dito..here's a lesson...kung may scenes kayo na kailangang naka-restrict..gawin niyo na lang siya as new story para nakahiwalay siya at di madamay yung ratings nung story niyo...

Anyways...ENJOY!

_________________________________________________________________

<XANDER's POV>

Galit man ako sa sitwasyon ng muling pagkikita namin ni Nathan...hindi ko naman mapigilan ang sarili kong sariwain yung ginawa ko sa ex ni Tin. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko kanina...ayon tuloy...bugbog sarado ang loko. Naaalala ko yung nangyari sa min ni Tin a few weeks ago...para ngang ang tagal na nun sa pakiramdam ko eh...para bang matagal ko nang kasama si Tin...

Anyway yun nga naaalala ko yung nangyari at yung muntikan na naming pagkalimot...ai ako lang pala yung muntikan ng makalimot since sobrang lasing yung babaeng yun kaya wala na marahil siya sa tamang pag-iisip nung inalok niya yung sarili niya sa'kin...yun nga naaalala ko kung hindi dahil sa Keith na yundi masasaktan ng ganun si Tin...I mean oo nagkakilala kami intimately ni Tin ng dahil sa ginawa niya pero sino namang nasa tamang pag-iisip ang magpapasalamat na nangyari yun kung hindi matatawarang sakit naman ang binigay nun sa isang espesyal na babaeng katulad ni Tin dba?

(A/N Ows??!! Espesyal talaga X?)

Aish huwag niyo na ng ako tanungin...basta special..yun na yun...

Sa mga babaeng kagaya niya...di dapat nila nararanasan yung ganun...Oo at babaero ako pero alam ng mga babaeng yun yung pinapasok nila...na I was not into relationships...na hanggang kama lang ang pwede naming maging relasyon...no strings attach kumbaga...

Ahhh..ano bah ba't ba iniisip ko siya? Ano ba pake ko sa kanya dba? I mean di ko naman siya girlfriend? Wala naman kaming relasyon..pero ba't ganito yung nararamdaman ko? A long time ago nagmahal na ko at pinangako ko sa kanyang siya lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay...kaya kung ano man 'tong nararamdaman ko para kay Tin...dapat matigil na...

Lalayuan ko na muna siya....

<TIN's POV>

Hindi ako halos nakatulog kagabi kakaisip sa mga nangyari...ganun pa man maaga pa rin akong pumuntang opisina...

Naabutan ko si Keisha na nakapangalumbaba na sa table niya. Kahit na wala akong ganang makipag-chismisan, nilapitan ko pa rin ito. Mukha kasi itong problemado. Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

"Hoy bruha, ang aga mo naman at ngayon ah...first time..." sabi ko sabay hampas sa balikat niya.

"Hay naku bru...bad trip lang talaga ko. Kasi nga nakipag-jamming-jamming ako kagabi with some friends dun sa bagong bukas na disco bar sa Malate...may naka-away lang ako." busangot na sagot nito. Mas lalo pang nanngkit ang mga mata ng bruha na para bang nagbabalik-tanaw sa nangyari kagabi.

(A/N Grabe lang ang words author...ang lalim....)

"First time mo rin yatang may naka-away sa bar ah...di ba peace loving citizen ka bru? Oo flirt ka..pero nadadaan mo naman sa charms mo ang lahat eh...teka babae ba yang naka-away mo? Insecure sa beauty mo?"

"Hindi noh...isang neanderthal na lalaki na ang kapal ng mukha na akala mo God's gift to women siya....ang yabang lang talaga....nakakagigil siya!!!" nanggagalaiting pahayg pa nito.

"Naku bru, kalimutan mo na iyong lalaking yun noh...for sure naman di mo na ulit makikita yun...and besides pag nalukot pa iyang mukha mo papangit ka cge ka..." sabi ko na lang sa kanya.

 Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko...hindi ko na lamang inisip yung mga gumugulo sa utak ko..tutal kahit ano namang isip ang gawin ko wala din naman akong mapapala...sa huli wala pa ring sagot yung mga katanungang gumugulo sa isip ko.

Inayos ko na lamang ang mga papeles na kakailanganin ko para sa sangkaterbang meeting na kailangang daluhan ni Xander.

 Matapos ang isang may kalahating minuto...dumating na rin sa wakas yung taong gumugulo sa tahimik kong mundo. Pero hindi gaya ng nakagawian na...hindi ako pinansin ng loko. Ni hindi nga ko tinapunan ng tingin na para bang hindi niya ko nakikita. Hindi din niya sinuklian ang good morning ko.

 Nakagawian na na pagpasok niya sa office ay tatawagin na niya ko kaagad para sa morning coffee niya at para na rin makipagkulitan...pero ang lahat ng nakasanayan na naming gawin sa loob ng ilang linggo naming pagkakakilala ay hindi nangyari sa araw na iyon. Instead he gave me cold treatment. Kinakausap lang ako kung may kailangan siya.

 Hanggang sa magsimula ang unang meeting niya...hindi niya pa rin ako pinapansin.

Xander ano na naman ba ito? Ano ba ang nagawa ko at tinatrato mo ko ng ganito?

__________________________________________________________________

A/N Ayan na po ang ud...sorry matagal na naman...naging busy lang talaga ko these past fews days...

Bukas yung Wish naman ang pagkakaabalahan ko...

Anyways salamat sa lahat ng mga sumusuporta...

Please recommend, vote, comment....

Para to sa lahat ng mga bagong fans...

Pasensya kung medyo lame yung update...di bale..babawi ako promise...

Abangan...malapit nang mabunyag ang lihim ng nakaraan ni X....

Ciao for now....

Love,

Princess_Yannie

Opposites Attract ~ Drunken Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon