Chapter 1

1K 13 4
                                    

Lucaria's POV

Maingat na binuksan nya ang bintana. Huminga sya ng malalim saka inayos ang pagkaka sukbit ng backpack nya.
This is it!!

Oras na para lumayas!!

Pasalamat talaga sya at hindi bakal na railings ang bintana nya, ang tagal kaya nilang pinlano ang sandaling ito.

Sumampa sya sa hamba ng bintana.
Sumenyas ng okey kay Milady na nasa ibaba ng tapat nyang bintana.
Sureball na itong paglalayas nya. Handa na ang lahat!! Salamat talaga at may mga bff syang katulad ng likaw ng utak at bituka nya.

Gamit ang pinag kabit kabit na kumot at kurtina, unti unti syang bumaba. Alalay lang ang kaibigan nya sa pag iilaw sakin gamit ang flashlight.

Kung bakit ba naman kasi ang kwarto nya nasa third floor, kainaman kasi ang kuya nyang Architech!

"Hala!!" Pigil ang impit kong tili nang madulas ako habang pababa. Fvkshit lang! Ang sakit mapa hampas sa pader. Bwisit!!

"Luca!! Okey ka lang!?"

Isa pa itong ulaga kong kaibigan. Sya kaya ihampas ko sa pader?

"Kerry lang, Milady." Sagot ko ritong pa bulong rin.

Sige tuloy lang sa pag baba. Kahit na kinakabahan ako ay katabi ko na ang bintana ng isa ko pang Kuya.

Nabangkit ko na bang may tatlo akong kapatid na lalaki, na bunso ako?

Anung lapad ng ngiti ko nang maka tapak ng tuluyan ang mga paa ko sa maputik na lupa.

"Best--"
"Oh, sya!!"-- pigil nya sakin "mamaya na ang chika! Malayu pa sina Trixy dito."

Si Trixy ang isa pa naming lukaret na tropa. Nag aabang sa kanto apat na bahay mula sa bahay niladala ang kotse nito.

Timango ako. Magka hawak kamay kaming tinungo ang gate...

"Taas ang kamay!!!"

Kasunod ng matigas na tinig ay ang pagkasa ng baril.

"Shit!!" Tila ako naging estatwa sa kinayatayuan ko. Napa pikit ako ng mariin at napa kagat labi. Ramdam ko rin ang hindi pag galaw ni Milady.

Alam na alam nya ang tunog ng armalite ni Tatay.

"Itay" si Kuya Lance. "Naka tawag na ako sa Barangay!"

"Kayung dalawa, unti unti kayung humarap. At wag nyung tangkaing tumakbo dahil patay kayu sakin! Asintado ako!!"

Dahil madilim ang paligid, takot ako syempre!! Baka mamaya maling kilos palang bigla na akong binaril ni Itay.

"Luca..."

"Hindi tayu pwedeng tumakbo, best. Yari tayu!!" Naiiyak na ring wika ko. Oo pasaway ako pero hindi ko pa gustong mamatay.

"Harap!!" Sigaw ni Itay.

"Itay!!" Si Kuya Lester "heto ho ang tali"

Napapa lunok, unti unti kaming humarap.

Maliwanag na ang buong kabahayan. Ang ilang kapit bahay namin, isa isa ng nag bubukas ng ilaw.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon