Chapter 10

343 6 0
                                    

Warning!! Parental Guidance!!!

LUCARIA's POV
"Mang Jun, miryenda!!" Tawag nya sa lalaking nag sisiga sa ilalaim ng Mangga.

"Sige lang, Hija." Ngunit hindi naman umalis ang lalaki sa ginagawa.

"Iwan ko nalang po dito." Ibinaba nya ang hawak sa sidepool area. Nilingon pa nya ang lalaki sa ginagawa bago bumalik sa loob ng bahay.

"Oh? Sino ito?" Napa bagal sya ng hakbang ng may kotseng puti ang pumasok. Umibis ang isang babae.

"Magandang araw." Bati nya pero pasimpleng hinagod nya ng tingin ang kabuoan nito.
Fitted na damit, as in fit talaga sa katawan ang suot nitong blusa at slacks. Kulang nalang pumutok na ang harapan nito.

"Hello. Ako si Maribel, assistant ako ni Mr. Nessa."

Oh, tapos?

"Ara." Ara ang binibigay nyang pangalan sa mga taong wala syang tiwala. Tulad ng kaharap ngayun.
"Wala sya rito."

"Pinapunta nya ako rito kasi pinakukiha nya ako ng ilang damit. Aalis kami."

Kami?

Kumunot ang nuo nya. Kinain ng pagka inis at asar ang sistema nya.

"Halika." Nauna na syang pumasok sa bahay.
"Saan daw kayu pupunta?"

"Sa Angeles--" binuksan nya ang t.v

"Upo ka muna rito. Teka lang ahh." Umalis sya saglit para ipag handa ito ng maiinom. Kahit gusto nyang lagyan ng betsin ang juice na ibibigay rito ay di nya ginawa. Tawag ng kagandahang asal.

"Ilang araw pala kayu?" Tanung nya ng maka balik.

"Salamat, Ara. Mga dalawa hanggang tatlong araw."

Pilit na ngumiti sya at nag pasintabi. Nag ngingitngit ang loob na inayos nya ang mga damit at gamit ni Oliver sa maleta na nahanap na sa itaas ng closert nito.

Nang matapos sa ginagawa ay kinuha nya ang cellphone na naka charge. May registered call at text doon si Oliver.

Luca, pasuyo naman nang gamit ko please. Tinatawagan kita pero hindi ka naman sumasagot kaya pinapunta ko nalang dyan ang assistant ko. Three days akong mawawala.

--Me Loves--

"Heto yung gamit ni Oliver." Aniya kay Maribel.

"Salamat. Lalakad na ako."

Plastik ang ngiting hinatid nya ang babae tungo sa kotse nito.

DALAWANG araw. Dalawang araw na tila kay tagal na para kay Lucaria. Isang araw nalang at uuwe na si Oliver pero tila kay tagal...

At nang makitang natawag ang lalaki habang kumakain sya ng hapunan ay mabilis pa sa alas kwatrong sinagot nya iyun.

"Hello!!"

"Luca."

"Oh, bakit?" Kumunot ang nyo nya ng maka rinig ng tinig ng babae.

"Hindi ako makaka uwe bukas--"

"Bakit!!?" Inis na tanung nya.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon