Chapter 12

305 6 0
                                    

LUCARIA's POV
Ang alam ni Lucaria "to reach your man's heart is through his stomach" at dahil hindi sila close ni Mang Jun, wala rin syang mapag tatanungang iba ma masasabing mas malapit pa kay Oliver kaya kay Google ang bagsak nya.

"Hello!"
Masayang bati ni Luca kay Oliver ng umagang iyun
"good morning me loves"
Ibinaba nya ang bandehado ng kanin sa mesa maging ang kape ng lalaki.
"Kain na."

Imiiling na naka ngiting kinuha ni Oliver ang tasa ng kape.

"Itigil mo na yang pinag gagagawa mo, Luca."

Mula ng matulog sila nang gabing iyun ng mag katabi--as in tulog lang talaga-- Lagi na silang magkatabing matulog, magkayakap. Minsan nag kukwentuhan muna at pag inantok kakantahan sya saglit ng lalaki at tuluyan ng matutulog.

Oh, diba? Sinong titigil dun? Tingin nyay 40% na ang pag asa nya sa lalaki.

"Tsk! Ayoko nga!"
Naka ngusong umupo sya sa pwesto nya. Sa tabi nito.
"Oo nga pala me loves may ka kilala kabang tao na pwedeng mabilhan ng lupa?"

"Tigilan mo na yang kaka tawag mo saking my love."

"Sus! Arte! Palagi kitang tinatawag na ganun, lagi kang kontra." Sikmat nya rito sabay subo ng kutsarang may pagkain.
"Bakit ba, ha?" Napa isip sya saglit. Ngunit maya mayay napa ngiti.
"Kinikilig ka no!!!--" bigla itong nasamid. Sinamaan sya ng tingin ng lalaki habang umiinum ng tubig.
"Tsk!! Di mo ko madadaan sa tingin!"

"Kumain ka na nga! Kung anu anung pinag sasabi mo dyan." Sumandok ito ng kanin at nilagay oyun sa plato ko.

Napa ngiti ako.
"Ayii!! Si me loves talaga--" bahagya syang umilag at humanda ng iamba nito ang panandok ng kanin.
"Oy masama iyan!"
"Ma balik tayo dun sa lupa."

"Sa hardware ka mag tanung, hindi lang mga bakal at pako ang tinitinda nila."

Kumunot ang nuo nya.
"Me loves, hindi pa kami mag tatayo ng gusali. Balak naming bumili ng lupang pag tatayuan palang."

"Ah, commercial lot... eh bat hindi pa yung mismong may naka tayo nang establishimento ang bilhin nyo?"

"Ayaw namin ng ganun! Saka iba ang plano ni Trixy eh."

Tumango tango ito, inilayo na ang plato.
"Alis na ako."

"Okey." Tumayo na rin sya at inihatid ito hanggang kotse.

"Oh, bakit?" Tanung ni Oliver ng huminto ito sa tabi ng kotse.

Nahihiyang pinaglaruan nya ang mga kamay sa likuran, pigil ang ngiti.

"May sasabihin kapa? Hayaan mo itetext kita agad kapag natanung ko yung mga kaibigan ko kung meron silang alam--" mabilis ko syang hinalikan sa pisnge.

Malawak ang ngiti--
"Ingat pag pasok."
Saka sya nag mamadaling bumalik sa loob ng bahay.

KASALUKUYANG nanunuod si Luca ng maka rinig ng tawag sa labas.

"Lyon? Men?"

"Oh, William?" Aniya sa lalaking pumasok.
"Upo! Upo!"

"Oy, Luca!"
Inilibot nito ang tingin sa bahay
"Hindi na. Saan si Lyon?"

Napa maang sya sa lalaking naka tayo.
"Nasa trabaho."

"Galing ako dun sa office nya. Wala daw sabi ng assistant nya."

"Sa farm?" Hindi pa sya nakaka punta sa farm ni Oliver pero lagi iyung ikinukwento ng lalaki.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon