Chapter 13

316 4 0
                                    

LYON OLIVER's POV
Inilapag ni Lyon Oliver ang hawak na supot sa bedside table ni Luca. Wala sa ibaba ang babae kayat inakyat nya na ito sa kwarto.

Napa lingon sya ng bumukas ang pinto ng banyo. May twalya sa buhok si Luca.

"Ice cream?" Nung isang araw pa sya kibuin dili ng babae. Tinotoyo dahil marahil sa buwanang dalaw.

"Mamaya na. Pagkakain." Umupo ito sa harap ng vanity. Kinalikot ang cellphone.

Lumapit sya rito at kinuha ang suklay sa lalagyanan bago inalis ang twalya sa buhok nito.

"Sinong katext mo?" Hindi na sya naka tiis mag tanung nang mapansing pigil nito ang pag tawa.

"Hehe si Maria." Tumango tango sya.
"Saka si William."

"Si William?" Napa hinto sya sa ginagawang pag susuklay rito.
"Paano ka nagka number ni William?"

"Nung bumili sya ng paintings ko. Oh, dito daw sila kakain!"

"Sila? Sinong sila?"

IBINABA NI Lyon Oliver ang mga kamay na may kubyertos saka tiningnan ang mga hinayupak na mga kaibigan. Sina William, Lorcan at Morris. Galing swimming ang mga walangya at inabutan ng gutom kaya dito sa bahay nila nakilamon. Dapat kasama sya ng mga ito, pero dahil may trabaho sya hindi sya sumama.

"Heto, kanin pa." Si Luca ng mag labas ng panibagong bandehado ng kanin.
"Buti nag pahabol ako ng luto."

"Uhm! Sarap mu pala Luca" si Lorcan na sunod sunod ang subo. Aa sobrang kagutuman hindi na maiayos ang salita. Gayun din ang dalawa pang lalaki.

"Baka balak nyung huminga." Aniya sa tatlo.
"Parang hindi kayu kumain ah. At ikaw!" Turo nya kay Luca na walang tigil sa pag aasikaso dun sa tatlo.
"Umupo kana. Malalaki na iyang mga iyan!"

"Uhm!" Si Morris na ngumunguya ng buto "luko luko kasi itong si Lorcan! Sabi mag dadala daw ng pagkain."

"Oh, nag dala naman ako ah!!"

"Oo nga! Yung para sa iyo lang! Alam mo namang may malakas lumamon sa satin." Tukoy ni Morris kay William.

"Tigilan nyu nga ako!!" Si William na sumasandok na naman ng panibago.
"Sana talaga pre sumama ka kanina! Ang saya namin!!"

Inismiran ko lang ang lalaki. Muling kumain.

"Oo nga pre!" Si Morris.
"Ang sarap dun maligo! Ang lamig ng tubig, ang linaw pa!!"

At ang dami pa nilang kinuwento tingkol sa swimming nila.

"Next time Luca sama ka sa amin!" Si Lorcan "kahit wag na itong si Lyon."

"Oo nga!!" Si William "kahit yung mga kaibigang babae mo nalang ang isama mo. May Van naman itong si Lorcan eh."

"Ayus lang. Mas marami, mas masaya!!" Si Lorcan.

At pag tingin nya kay Luca, anu bang aasahan nya.

"Sige!! Sige!!" Tuwang tuwa pa talaga.

"Tsk!! Bakit? Sinung may sabing papayakan kita?" Ramdam nya ang apat na pares na mga mata na tumutok sa kanya.

"Uy, me loves!! Anjan ka pa pala!!" Si Luca na syang ikina ngisi at pigil ang tawa ng tatlong ugok.

"Ewan ko sa inyo!!" Naiinis at napapa hiyang iniwan ko ang apat sa hapag.

NAPA sulyap si Oliver sa pinto ng kanyang kwarto ng bumukas iyun at pumasok si Lucaria.

"Umalis na sila?" muling ipinag patuloy nya ang pag babasa.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon