Chapter 5

355 9 0
                                    

LYON OLIVER's POV
"Ahhh!" Aniya saka isinubo ang kutsarang may noodles sa bibig ng alaga nya.

Goodness!!
Dapat ay nasa trabaho na sya ngayun, dalawang araw na syang hindi pumapasok para lang alagaan itong alagain nya.

"Ayaw ku na..."

Sinamaan ko sya ng tingin habang naka umang sa bibig nya ang kutsarang may noodles.

Ngumuso ito saka hinipan ang kutsara ng pagkain bago isinubo. Muli akong sumandok ng noodles.

"Hipan mo naman!"

"Bilisan mo! Iinom ka pa ng gamot!" Inilapit ko ang kutsara ngunit iniatras nito ang ulo. Lumapat iyun ng husto sa headboard ng kama.

"Mainit nga!" Kumunot ang nuo nito.
"Ikaw kaya ang kumain nan! Umuusok pa oh!"

"Dami mong arte!!" Sikmat nya rito bago hinipan ang kutsara.
"Oh!!"

Hanggang sa wakas, natapos na syang kumain at naka inum na ng gamot.

"Oliver..."

Napa hinto ako at nilingon ito sa akmang pag labas ko.

"Bakit?"

"Good night. Salamat ahh..." anito bago pumikit.

Hindi ako umimik bagkos ay lumabas nalang ako ng silid. Hinayaan ko na ring bukas ang pinto.

Ang sabi nang Ninong nya, pasakit ang anak nitong si Lucaria. Wala itong trabaho buhat ng mag tapos sa pag aaral. Laging wala sa bahay. Minsan nadadawit pa sa gulo kasama ng mga kaibigan. At kaya ito nandito ngayun sa poder nya ay para tumino.

Napa iling sya. Kung sya nga, hirap maisa ayus ang sarili yung si Lucaria pa kaya?

KUMUNOT ang nuo ni Lyon Oliver nang makitang bakante ang kama ni Lucaria nang magising kinabukasan.

Nakita nya ang babae na nag hahanda nang almusal sa lamesa.

"Okey na ba pakiramdam mo?" Aniya na tila ikinagulat nito.

"Pambihira!!" Bulong nito na rinig naman nya.
"Good morning din! Oo kaya ko na naman. Maupo kana at kumain." Bumalik ito ng kusina. Umupo na sya. Sa pag balik ng babae ay nilapag nito ang kape sa tabi ko.

"Kumain kana din." Pigil ko sa kanya ng muling babalik ng kusina.

"Ilalagay ko lang sa lababo yung kawali at baka tumigas na yung sebo nung tocino."

Pinabayaan ko nalang sya.

"Pwede ka ng pumasok mamaya."
Ani ng babae sa pagitan ng pag nguya.

"Baka mamayang hapon nalang." Humigop ako ng kape.
"Sigurado ka bang kaya mo na?"
Nag aalangan syang iwan ito. Lalo pat kailangan na nyang bumili ng ireregalo lay Neptune. Sa Sabado na rin ang alis nya.

Lumabi ito.
"Sus! Oo naman! Hindi nalang ako mayadong mag papagod."

NASA Mall si Lyon Oliver at kasalukuyang namimili nang maireregalo para sa kaibigan. Pero wala syang mabili. Mayaman na naman ang kaibigan nya, anu pa bang iteregalo nya rito?

Dama nya ang mga pares ng mga mata na alam nyang tumitingin sa kanya.

"Sir.." saglit nyang tinapinan anang tingin ang sales lady na lumapit.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon