Chapter 7

343 7 0
                                    

LYON OLIVER's POV
Malalim na rin ang gabi nang maka uwi sina Oliver at Lucaria sa kanila.

"Tulungan na kita." Ani ni Luca ng kunin nito ang katamtamang sukat ng painting. Saka magka sunod na pumasok ng bahay.

Huminto sya sa gitna ng living room. Sinisipat ang kabuoan ng lugar kung saan ilalagay ang painting na nabili.

"Sa tingin mo bagay kaya yan dito sa living room?" Binalingan nya ng tingin ang katabi.

"Ito?" Niyuko ni Luca ang hawak.
"Teka buksan ko na ahh... para malaman natin."

"Sige. Dalhin ko lang ito sa kwarto." Tinungo nya ang sariling silid at inilapag ang hawak sa safe na lugar. Hinubad lang nya ang suot na jacket saka binalikan ang babae.

"Anu? Alam mo na kung saan natin ilalagay yan?" Tanung nya ng maka lapit lay Luca na tila alumpihit.
"Bakit? May problema ba?"

"Ahm--" itinaas nito ang hawak na canvas at ipinakita sakin ang obra na gawa nito.
"Anung nakikita mo?"

Tinitigan nya yung larawan.

"A breath taking scene..." isa iyung larawan ng chocolate hills, maaliwalas ang sikat ng araw...

"Titigan mong maige!" Anito na may kasama pang pag padyak.

Tinitigan nga niya ang larawan.
"Oh tapos?"

Ibinaba nito ang hawak at masama ang tingin sa kanya.
"Oliver, anu bang mata ang meron ka?! Huwag mong aliwin yang mata mo sa kulay. Sa mga linya!!" Saka nito ipinasa sakin ang canvas at nag mamarchang umakyat ng hagdan.

Sa huli ay sa kwarto na lamang nya inilagay ang painting.

LUCARIA's POV
Pinalipas ni Lucaria ang mga oras sa pag pipinta o pag guhit sa kanyang kwarto. Minsan nama'y kausap ang kanyang Ama o di kaya ang mga lukaret nyang kaibigan sa phone.

Kung tutuusin ay pwede na syang bumalik sa kanila o mag paiwan nung araw ring umuwi sya. Ngunit hindi nya ginawa.

"Luca?"

Agad syang napa baling sa pinto.
Si Oliver!!
Dali dali nyang pinag tatago ang ilang mga sketch pad na nag kalat sa kama.
Saka tinungo ang pinto.

"Oy!!" Aniyang naka ngiti sa lalaki ng mapag buksan ito ng pinto.
"Andyan ka na pala."

"Oh!" Anito ng ilahad ang isang supot.
"Yung balot mo!"

Naka ngiting kinuha nya iyun sa lalaki.
"Salamat"
Sinundan nya ito hangang sa maka pasok sa sariling silid ang lalaki. Lihim talaga syang naiiling nang makitang ang painting sa silid ng lalaki.
"Bat ngayun kalang?" Pasado alas otso na eh.

"May ibinilin pa ako kay Carding." Sagot nito habang nag hahalungkat ng damit.
"Huwag kang kakain dyan sa kama!"

Napa ungos sya.
"Hindi naman! Teka kumain ka na rin ba dun?"

"Hindi pa." Tuloy tuloy ito hanggang pumasok ng banyo.

Tumayo sya.
"Ipag hahain kita ahh!" Malakas niyang wika upang marinig sya nito.

SA HAPAG ay kumakain ng late na hapunan si Oliver samantalang nilalantakan na ni Luca ang apat na balot na pasalubong nito.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon