LUCARIA's POV
Iginala ni Luca ang tingin sa paligid. Dapit hapon na ilang saglit nalang mag sisimula na ang kasal. Ito na siguro ang kakaibang kasalanang napuntahan nya. Sabagay ito palang naman ang unang kasalang inattendahan nya since birth.Sa harap ay naruon ang altar, magka bila ang set-up ng mga upuan at mesa na naka laan na talagang sa uupo.
May mga arko na naka lagay sa gitna na nadedekorasyunan ng ibat ibang bulaklak kung saan lalakad ang bride. At sa hindi kalayuan ang buffet table, naka tayo rin ang mga naka hawaiian attire na mga taga serve.
Malayo sa mga napapa nuod nya sa mga telenovela at koreanovela.Bumaling sya sa katabing lalaki.
Laking pasasalamat nya kay Oliver dahil binilhan sya nito ng damit at stripped sandals para sa okasyun."Ayus ka lang?"
"Oo."
Napa iling sya. Alam nyang masakit ang ulo nito gawa ng hang-over kagabi. Isa sa mga guess rooms sya pinatuloy ni Neptune, saglit lang nyang naka sama ang mga kaibigan ni Oliver dahil pinaakyat na sya nito.
Ayus na rin iyun, nakaka ilang rin naman dahil sya lang ang babae kagabi.
Napansin nya rin ang palagiang pag tawa ng lalaki na madalang pa sa patak ng ulan nyang makita.Maya maya pa ay inanonsyo ang pagsisimula ng kasal.
"Wow. Ang ganda nya..." naibulong ni Luca sa sarili habang humahanga sa bride na lumalakad.
Kulot ang mahabang buhok ng babae na pinatungan lang ng koronang bulaklak at ang damit nitong pangkasal ay tila damit ng taga sinaunang roma. Simple pero ang lakas ng dating.
Hindi nya tuloy maiwasang mag imagine.
"Kapag ako kinasal gusto ko sa malaking barko. Tapos Sunrise naman!! Tapos madaming petals sa dagat. Tapos--" napa tigil sya sa pag sasalita ng mapa sulyap sa katabi. Naka tingin ito sa kanya."Pinag sasabi mo dyan?"
Napa tayo sya ng tuwid.
"Ha? Wala no!" Napapa hiyang tinutok nya ang atensyon sa tatlong taong nasa unahan. Oo tatlo! May batang babae kasi dun sa katabi ng groom."Oliver..."
"Oh?"
"Bakit may bata dun?" Pero infairness, naka bridal gown din yung chikiting.
"Anak ni Tamara."
Nakaka unawang tumango tango nalang sya.
MATAPOS nang seremonya, nanatili sa pwesto sina Lucaria at Oliver. Pinag masdan ang mga bisitang batiin ang bagong kasal. Ang mga serbidora naman ay isinerve na ang mga pagkain.
Napa singhap sya at wala sa loob na napa kapit sa braso ni Oliver nang makarinig ng mahinang pag sabog. Nagkanda haba haba ang leeg nya sa pag tingin kung anu ba iyun. Sinindihan na pala ang dalawang malaking bonfire!!
"Di ka ba lalapit sa kanila?" Tanung ni Luca sa katabi ng matapos mag pasalamat sa waiter na nag bigay sa kanila ng pag kain.
"Mamaya na siguro."
Habang kumakain ay inaliw ni Luca ang sarili sa paligid. Natutuwa talaga sya sa mga kaibigan ni Oliver, magugulo at maiingay. Hindi lang sa bagong kasal pati narin sa bisita. Feeling close ika nga.
"Hello po." Bumaba ang tingin nya sa batang babae na naka bridal gown. May hawak na try na may cupcakes. Mukha itong manika!!
"Ay hello din!!" Sa tingin nya ay ito yung anak ng ikinasal.
"Cupcakes po..."
Naka ngiting kumuha sya ng dalawa.
"Salamat. Anung pangalan mo?"
BINABASA MO ANG
Circle of Friends 1; Lyon Oliver
General FictionSi Lucaria, isang nilalang na tila gustong maging ibon. Maging malaya. Maipakita ang tunay na nararamdaman. Hanggang sa hindi na sya kayang hawakan pa ng kanyang Ama at ipinadala sa isang taong hindi nya kailan nakilala. Lyon Oliver, ang taong tingi...