Chapter 4

380 7 0
                                    

LYON OLIVER's POV
Kumunot ang nuo nya ng makitang sarado pa ang ilaw ng buong bahay. Hawak ang payong, mabilis syang bumaba ng sasakyan dala ang mga inuwing trabaho.

Sarado rin ang main door pag pihit nya roon. Gamit ang sariling susi kayat naka pasok sya.

Umangat ang kilay nya nang sumalubong sa kanya ang madilim at tahimik na kabahayan. Sanay naman sya ng ganuon ang nadaratnan. Dati.

Pinag bubuksan nya lahat ng ilaw matapos itabi ang pauong saka tinungo ang second floor. Pinuntahan nya ang kwarto ni Luca at naruon naman ang mga gamit nito.

"Damn it!!" Tinungo nya ang sariling kwarto. Inilagay sa kama ang bag saka hinugot ang phone.
"Bwisit!!" Wala nga pala syang number nung babaing iyun.

Naiinis sya at kinakain ng pagka bahala. Tinatanung ang sarili kung saan nag punta ang babae kahit hindi rin naman nya alam.

Lumabas sya ng silid.
"Hello, Mang Jun." tinawagan nya ang hardinero nya. Tinungo ang hadgan.
"Oh, Hijo--"
"Si Lucaria po ba alam nyu kung saan nag punta?" Tumigil sya saglit sa gitna ng living room.
"Ay oo. Lumabas kaninang alas tres." Lihim syang napa mura. Alas tres pa umalis ang babae pero mag aala syete na wala pa ito!
"Sinabi ba kung saan pupunta?" Tunungo nya ang pinto. Dinampot ang payong.
"Sa mall--" pinatay nya ang tawag at binuksan ang pinto. Katatabi lang nya ng phone at kabubukas lang ng payong ng makita mula sa gate ang papasok na babae.

Isang malutong na mura ang kumawala sa bibig nya at patakbong sinalubong si Lucaria.

"O-Oliver!"
"Saan ka ba galing!" Singhal nya rito. Pinahawak nya rito ang payong. Agad nyang tinanggal ang coat at ibinalot sa nanginginig na katawan nito sa lamig.
"Tara!" Binawi nya rito ang payong at naka akap na umuwe.

"Dito ka muna. Ikukuha kita ng tuwalya mo." Inilagay nya ang payong sa lalagyanan habang ipinupwesto ang babae na tumapak sa basahang naA entrada ng pinto.

Patakbo syang tinungo ang kwarto nito at kumuha ng towel. Nang walang mahagilap sa aparador ay tinungo nya ang banyo. Dali dali syang bumaba ng makuha ang kailangan.

Sinamaan nya nang tingin ang babaeng nangangatog. Ipinatong sa ulo nito ang towel dahil alangan namang punasan nya ito.

"Akina nga iyan." Hindi pa ito nakaka sagot ay kinuha na nya ang supot na sira sira.
"Tara dun sa kwarto mo." Inalalayan nya ito hanggang sa makarating sa kwarto. Inilapag nya sa mesang naruon ang hawak.

"Mamaya na kita sesermunan. Maligo ka na muna." Pumasok sya ng banyo at binuksan ang tub. Tinansya ang tubig.
Nang ayus na ay saka nya binalikan ang babaeng bumabahing.

"Heto yung coat mo."

Masama ang tinging kinuha nya iyun.

"Bilisan mong maligo. Oorder nalang ako nang hapunan." Saka nya ito iniwanan.

Nitong naka raang linggo, kahit pa galing sa trabaho ay sa bahay na sya kumakain ng hapunan. Gayun din sa almusal.

Nasa sariling silid na sya ng tawagan ang isang fast food at nag pa deliver ng pag kain. Nang matapos ay agad syang nag palit ng bihisan, bago lumabas ay kinuha nya muna ang gamot sa sipon upng maibigay sa babae.

"Luca?" Tawag nya sa babae kasabay ng pagkatok ngunit walang sumagot.
Kumunot ang nuo nya. Dumating at naihanda na nya ang hapunan nila ay hindi pa bumababa ang babae.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon