Chapter 3

396 6 0
                                    

LUCARIA's POV
Matapos ang mahabang ngawngawan namin ni Trixy, hetot tanghali na syang nagising kinabukasan. Ang over size t-shirt nya pina ilaliman nalang nya ng maiksing cotton shorts. Ang buhok nya itinali nalang nya basta.

Sya lang naman mag isa palagi dito sa buong bahay kaya hindi na sya nag abala pang mag suot ng bra. At nasisigurado nyang nasa trabaho na si Oliver. Anung oras na oh!? Pasado alas dyes na!

Kaya laking gulat talaga nya ng pag bukas sara ng pinto nya at pag pihit ay sya namang pag kita nya kay Oliver.

"Oh, bat nandito ka!?"

"Malamang, bahay ko ito." Matiim ang mga mata nito kung tumitig. Kayat bukod sa pagka pahiya ay nailang rin ako.

Ngumiti nalang sya na tyak na lumabas na pag ngiwi. Bakit ba nya nalimutang nakikitira lang sya?

"Hehe anyway. Anung gusto mo sa tanghalian? Teka dito ka ba kakain nang tanghalian?" Baka mamaya may lakad pala ito.

"Ikaw."

"Ha?" Napa kurap sya ng ilang ulit.
"Anung ako?"

"Bahala kana sa tanghalian." Saka nito tinungo ang katapat na silid.
"And by the way."

Maang na napa lingon ako sa naka talikod lalaki,
"Ganyan ba lagi ang itsura mo rito kapag wala ako?"

Ramdam nya ang pagkalat ng init sa buong mukha. Wala nga pala syang bra!! Naka limutan nya ng makita ang lalaki. Automatic na napag krus nya ang mga braso sa tapat ng dibdib.

"Hindi lang ikaw ang tao rito. At kapag may nangyaring masama sa iyo rito lalo nat lagi akong wala, hindi ko alam kung anung ipaliliwanag ko sa mga kamag anak mo." Saka ito pumasok at mabigat na isinara ang pinto.

Napa irap at napa nguso sya sa hangin.
"Sungit!!" Naiiritang bulong nya.
Gets naman nya ang punto nito eh. So kailangan talaga me ganung attitude?!

Padabog na bumalik sya ng kwarto at nag ayos nang matino.

"Malay ko namang nandito sya, diba!?"
Ibinato nya sa kama ang hinibad na t-shirt. Peste sya! Si Mang Jun din laging wala.

Agad nyang isinuot ang panluob ng walang anu anu'y napa tingin sya sa harap ng vanity table. Nakikita ruon ang taas na katawan nya.
Napa hawak sya sa dibdib nya.
"Anu naliliitan?" Baka!

Tsk! Badtrip pa ring nag handa ng pananghalian si Luca. Pritong isdang tilapya at ginisang petchay ang iniluluto nya.

"Hmm..." himig nya ng umakma sa kanyang panlasa ang ginisa. Agad na pinatay ang kalan.

Inihanda nya ang hapag saka tinungo ang kwarto ni Lyon Oliver.
"Anu, Oliver?" Tawag nya sa lalaki matapos kumatok.

"Bakit?"

"Kakain na."

"Mauna kana." Sigaw nito pabalik.

Muli, nairita na naman sya. Masama ang matang tiningnan ang pinto.

"Hmp! Magutom ka sana!" Akmang hahakbang na sya palayo ng biglang bumukas ang pinto.

"I've heard that." Agat ang isang kilay nito.

Sungit talaga!! Hindi nalang sya umimik at tinalikuran ito.

WALANG imikan sina Lucaria at Oliver habang kumakain. Ang mesa ay para sa anim na katao. Naka pwesto sa pina ka puno si Oliver, samantalang si Luca ay nasa gawing kanan nito.

Pakiramdaman. Bukod sa pag iingay ng kubyertos ay wala nang naririnig pa.

Napansin ni Luca na wala ng laman ang lalagyanan ng mankok ng gulay kayat tumayo sya upang lagyan iyun.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon