LUCARIA's POV
Magka hawak silang pumasok ni Oliver ng sinehan habang nasa mga bakante nilang kamay ang hawak na popcorn at drinks.Umungot sya ng date sa lalaki at akalain mo yun hindi sya nito tinanggihan.
Inihilig nya ang ulo habang nanunuod ng palabas. Nakaka kilig na nga ang palabas lalo pa syang kinikilig kay Oliver na naka akbay sa kanya. Ang popcorn ng lalaki ay inipit nalang sa pagitan ng mga hita nito.
"Bhe?"
"Hmm?"
"Pag katapos nating manuod, saan na tayu?" Saglit syang lumayo sa lalaki para uminom.
"Ikaw? Kung gusto mo kumain na lang tayo dito para hindi kana mag luluto mamaya pag uwe."
"Sige sige!!" Saka muling nag payakap sa lalaki.
Matapos manuod ay nag laro muna sila sa Arcaide. Masyado pang maaga para sa hapunan. Nang mapagod ay saka palang sila nag pasyang kumain.
"Ay bhe?" Aniya sa kay Oliver na kasalukuyang nag babasa ng Menu.
"Teka lang ahh. May bibilhin lang ako.""Sige."
Lumabas sya ng resto at agad na pumasok sa isang panlalaking tindahan na pinasukan nila ng kasama ngunit wala naman silang binili.
"Good evening Ma'm."
Nginitian nya lang ang sales lady saka nilapitan ang damit na natipuhan kanina para kay Oliver. Hindi nya iyun binili kanina dahil balak nya iyung isorpresa. Saka ito ang unang beses na bibilhan nya ang lalaki.
"Bibilhin ko po ito." Aniya at mabilis iyung binayaran.
Kumunot ang nuo nya at napa bagal ng lakad ng makitang may naka upong sexing babae sa kinauupuan nya kanina. Kausap si Oliver. Nang tumayo ang babae ay saka lang sya humakbang papasok.
"Hey!" Ani nito pag upo nya sa dating pwesto.
"Sensya na matagal yata ako."
"Hindi naman."
Dumating na ang order nila. Habang kumakain ay gusto nyang itanung sa lalaki ang babaing kausap lamang nito kanina lang.
"Ahm, bhe." Pigil nya sa lalaking papatayo na.
"Banyo lang ako."Pasalamat si Luca at hindi masyadong mahaba ang pila sa banyo kundi kanina pa pumutok ang panubigan nya.
Habang mag huhugas ng kamay ay may tumabing sexy sa kanya. Nakaka hiya naman sa rubber shoes, ripped jeans at grey shirt nyang suot.
Napa sulyap ako sa ginagawa nyang paglilips stick. Kung lalaki o tomboy ako mag kakagusto ako sa babaeng ito. Ang ganda na at ang sexy pa!
Ngumiti sa kanya ang babae kaya kiming ngumiti sya.
"Hey girl..." sa salamin ito naka tingin sa kanya.
"Eh? B-bakit?"
"Yung lalaking kasama mo..."
Si Oliver lang naman ang kasama nya...
"Bakit?"
Nag ningning ang mga mata ng babae. Nag blush pa nga eh. Samantalang nag aapply ito ng press powder sa mukha.
"Ang yummy nya ano?"
Natatanga sya sa sunod sunod na pinag sasasabi nito. Mahahalay.
"Kaanu anu mo pala sya?"
Nilunok nya ang kibig na namumuo sa lalamunan.
"K-kuya ko. Pero hindi kami mag kapatid--""Ah, mag pinsan kayo!! Talaga?! Pwede bang pahingi ng number nya. Hindi ko kasi nakuha matapos nya akong makasama."
BINABASA MO ANG
Circle of Friends 1; Lyon Oliver
General FictionSi Lucaria, isang nilalang na tila gustong maging ibon. Maging malaya. Maipakita ang tunay na nararamdaman. Hanggang sa hindi na sya kayang hawakan pa ng kanyang Ama at ipinadala sa isang taong hindi nya kailan nakilala. Lyon Oliver, ang taong tingi...