Chapter 2

497 11 0
                                    

LUCARIA's POV
"Sige na Hija."
Si Mang Jun dala ang maleta ko.
"Ako na ang bahala rito sa gamit mo. Madali mo namang makikita ang kwarto mo dahil dalawang kwarto lang ang bukas dito."

"Ho? Pero--"

Umiling si Manong.
"Sumunod kana kay Sir sa hapag. Mag tanghalian kana." At tinalikuran na nya ako.

Napilitan akong ihakbang ang mga paa sa dinning area. Malaki at maluwang ang bahay. At mukhang ang loob lang ang inaayus dahil sa labas halatang pinabayaan na.

"Hello, po." Alanganing bati ko sa Ginang.

"Uy, hija." Naka ngiting bati nito habang inilalapag ang malaking bowl ng ulam.
"Upo ka. Kumain kana."

"Salamat po." Umupo ako.
"Kain din po kayu."

"Sige lang." ipinag salin naman nya ako ng Juice. "Ako si Manang Isay. Asawa ko si Jun." naka ngiti nitong wika.

"Lucaria po. Luca nalang po. Salamat."

Tumango ito.
Pareho pa kaming napa lingon dahil sa paparating na yabag.

Muli akong napa lunok sa lalaking niluluwagan ang kurbata nito.
Tipikal na negosyante ang dating ng lalaki.

"Ahm, si Kuya ko po, sir?" Nag aalangan man ay kinausap nya ang lalaki.

Naka sunod lang ang tingin ko rito hanggang sa umupo at asikasuhin ang sarili.

"Umalis na."

"Ha?" Napa tanga naman ako.

Umalis na talaga si Kuya nang walang pasabi. Ni hindi manlang ako kinausap bago ako nilayasan!?

"Sige na Manang, pwede na po Kayung umuwe." Pag kausap ng lalaki sa Ginang.

"Ay, salamat talaga Sir!!" Si Manang naman kulang nalang umiyak.
"Nako! Hija!! Hulog ka talaga ng langit!!"

Naiwan akong naguguluhan.
Anong meron!?
Anung nangyayare!?
Hindi naman siguro ako ini arrange married ni Itay, o kaya ipinambayad utang. Sa laki ba naman ng kinikita sa trabaho ng mga kapatid ko...

"Ah, Sir--"

"Lyon."

"Sir Lyon--"

"Just.. Lyon."

Napa buntong hininga ako.
"Oliver nalang." Pagtatapus ko. Napansin kong huminto ang lalaki sa pagkain.
"Wala manlang ibinilin si Kuya o si Itay--"

"Ako na raw ang bahalang dumisiplina sa iyo." Uminom ito. Saka tumingin sakin.
"Lucaria right!?"

Nakagat ko ang ibabang labi, marahang tumango. Yung mga mata ko hindi ko maalis sa bilugang mga mata nya. Ang ganda pala ng kulay ng mga mata ng lalaki. Parang mta ng pusa! Light blue. Wow lang.

"Makinig ka. Wala akong paki alam sa iyo, wala kang paki alam sakin. Bahala kang gawin ang gusto mo. Basta wag ka lang gagawa ng anu mang kalokohan na dawit ang pangalan ko. Naiintindihan mo?"

Tumango ako.
Abay, ayos naman pala ako rito!!

"Wala akong katulong rito na stay-in. Puro sabado ang dating nila. Kaya bahala kang buhayin ang sarili mo rito, sa labas ako kumakain dahil sa trabaho."

Okey...

"Bahala ka na ring mag update sa sarili mo kina Ninong. Malaki kana."

At muli itong kumain na parang walang anu man.

Dahil gutom ako, at nagandahan ako sa rules and regulations nya, mabilis akong natapos.

"Ay teka, ako na dyan!" Awat ko kay Oliver nang dadalhin nito ang pinag kainan sa kusina.

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon