Her POV
Ilang minuto na ba ang lumipas ngunit wala pa ding nagsasalita isa man sa amin ni James.
Masamang tingin lang ang nakikita ko sa mata ng mga magulang ko. Halos patayin nila sa tingin si James.
"Hindi ba't nangako ka na mahal na mahal mo ang aking anak at hindi mo sya sasaktan!" Matigas na sabi ni papa.
"Subalit ano nalamang ang ginagawa mo ngayon? Hindi lang physical kundi pati emotional. Tama ba yang pag iisip mo?" Dagdag pa nya.
"Mahal ko naman po ang anak nyo.." sagot ni James pero hindi na natapos ng sumabat si mama.
" mahal!? Paanong naging pag mamahal yang ginagawa mo?!" Sigaw ni mama.
Wala ni isa sa mga magulang ni James ang sumasabay alam naman kasi nila yung sakit na nararamdaman nila mama. Gatung may anak din silang babae na ayaw nilang may mangyari ring ganito tulad ng sa akin.
"Sorry ma. Aayusin po namin to mag asawa." Nahihiyang sagot ni James.
" ayaw sana naming maki alam pero pati mga apo namin nadadamay.hindi lang delikadesa ng pamilya namin ang nadadamay. Pati anak nyo!" Sabi ni mama na halos nanginginig na ang kamay sa inis.
" paanong pati mga bata? Kumare?" Takang tanong ng mommy ni James kay mama.
" Shein!Shean! "Sigaw ni mama.
Agad na lumapit ang mga bata.
"Eto tingnan nyo! Nakita ko to kahapon ng pumunta ako sa school ng mga bata." Tinupi ni mama ang sleeve ng damit ni Shean.
Nagulat ang tatlong matanda dahil sa nakita. Ngayon nakikita ko na kung paano mamula ang mukha ni papa sa galit.ganun din ang papa ni James.
" ayaw pa sana pasabi ng bata sa mga magulang nya pero alam kong makikita din eto ni Lyka dahil sa sya ang nagaalaga sa apo ko."paliwanag ni mama.
"James! Hindi kita pina laki ng maayos para maging pabaya kang magulang! Dahil sa katarantaduhan mo pati apo ko nasasaktan! Pag di mo pa tinigil yang kalokohan mo! Makikita mo! Aalisin kita sa kompanya at ipapa banned kita sa iba pang kompanya!" Saad ng papa nya.
" pero dad!" Sabat ni James.
"Ano ba ang nangyayari sayo anak.hindi ba't galit na galit ka pa noon sa mga magulang na nasisilaw pa sa iba gayung may asawa na? Pero ano tong nangyayari sayo?"tanong ni mommy Janine.
(A/N: pangalanan ko nalang dad and mom ni James. Hahaha.. baka mahilo kayo eh.
Mommy Janine-James mom
Daddy George- James dad
Yun lang salamat hehehehe.)"Hindi ko nais na tumagal pa ang bagay na to. Kaya binibigyan kitamg palugit na wakasan mo yang kataksilan nyo ng kabit mo. O sa ayaw at sa gusto ni Lyka ay magpa file kami ng kaso laban sayo at kukunin namin ang anak at apo namin sayo." Litanya ni papa.
"Pero pa paano ang mga bata?" Tanong ko agad.
"Hindi naman na kawalan sa kanila ang ama nila gayung alam na nila ang ginagawa sayo ni James. Ayokong lumaki ang mga bata na namumulat sa maling gawa ng asawa mo."sabi ni mama.
" sang ayon ako sayo kumpadre. Kahit na anak ko si James ay hindi ako sang-ayon sa ginagawa nya." Pag sang ayon ni daddy George.
"Sa ngayon gusto naming mag asawa na dalhin ang mag ina mo habang hindi pa naayos ang problema nyo.para makapag pahinga sa stress ang anak ko." Papa said.
"Kung yan ho ang desisyon nyo." James said.
"Ma, pa pwede ho bang mga bata muna ang mauunang sumama . May flight ho kasi bukas si James for the convention of their company. Ayoko naman pong iwan sya na hindi ayos ang mga gagamitin at dadalhin nya." Sabi ko.
Nagkatinginan sila mom and dad saka umiling si dad na hindi sya natutuwa sa sinabi ko.
"Napaka swerte ni James sayo Lyka. Kaya humihingi ako ng tawad sa mga ginagawa ng anak ko sayo. Hiyang hiya ako sayo Lyka pati sa inyo mare ,kumpare." Nahihiyang tugon ni mommy Janine.
"Parte pa din ho ito nang pagiging asawa ko kaya wala hong kaso." .magalang na paliwanag ko.
Nag excuse ako sa mga matatanda para asikasuhin ang mga gamit ng mga bata. Sumunod din si mama sa taas para tumulong.
Tahimik man alam kong may gustong sabihin si mama.
"Ma hindi ho masasagot ng pagsulyap sulyap nyo yang bumabagabag sa inyo." Sabi ko sabay tingin kay mama.
"Bakit ba nagtitiis ka pa sa bahay na ito kasama nyang asawa mo.?" Umupo si mama sa kama.
" ma alam nyo naman pong hindi ko pwedeng hiwalayan si James ma. Dahil pag nangyari yun mawawalan lalo ng pag galang ang mga bata sa kanya." Paliwanag ko.
" anak hindi naman tama na dahil lang sa mga bata lang kaya k mag titiis ng ganyan.uuwian ka lasing o di kaya ay hindi uuwi ng ilang araw tapos pag dating sasaktan ka. Hindi naman kami makakapayag ng papa mo!" May galit sa tono ni mama.
" Alam ko naman po ma pero umaasa ako sa pangakong binitawan nya sa harap ng altar sa harap ng dyos na mag mamahalan kami hanggang sa huli. At tutuparin ko rin ang pangako kong sasamahan ko sya sa lhat ng ups and downs nya.isa lang po itong malaking pag subok na malalagpasan namin ma." Malumanay na sabi ko saka hinawakan ang kamay ni mama.
" Napaka swerte ni James sayo anak. Wala ka namang ginawang masama para ganituhin ka. Maramig lalaki ang nag hahangad sayo mula pa noon pero sa malig tao ka pa napunta." Nanghihinayang na sabi ni mama.
"Alam ko naman yun ma pero para po sa akin si James lang ang gusto kong makasama habang buhay. Bilang asawa at tatay ng mga apo nyo. Hayaan lang ho muna natin syang maka pag isip ng tama para sa sarili nya. At kung maisip nya na mas gusto nyang makasama yung babae nya. Saka nalang ho ako bibitaw para naman ho sa mga anak ko." Umiiyak na sabi ko.
Niyakap ako ni mama ng mahigpit ganoon din ang mama ni James na hindi ko napansin na naka pasok na pala ng kwarto.
" I'm so thankful ,us na ikaw ang napiling pakasalan ni James iha. And We we're so sorry sa mga nangyayari ngayon. Sana mas patatagin mo pa ang loob mo." Mommy Janine cried also.
" salamt po."
" hindi ko naman kinukunsinti ang anak ko. Pero tulad nga ng sinabi mo mas magandang hayaan na muna natin sya. Ilayo na muna natin ang mga bata at ikaw. Para malaman nya ang malaking mawawala sa kanya pag pinag patuloy nya ang kahibangan nya. Hah?" Mommy Janine said.
I just nod and continued what I'm doing.
Hindi nag tagal ay pumasok ang mga bata na nakaayos na. Sinabayan ko silang bumaba para ihatid sila sa sasakyan ng mamie nila.
Umiyak na nag paalam sa akin ang mga bata. Para bang ang layo ng pupuntahan nila at hindi na makaka balik pa. Ang bigat bigat sa pakiramdam ng pag papa alam nila kahit na sa susunod na araw eh pupunta na rin naman ako doon.
Ayaw pa sana akong iwan ni Shein at sinabing sumama nalang din ako para hindi na ko malungkot dito. Pero hindi naman maaring iwan ang papa nila.
Kinagabihan ay pumunta ko sa kwarto nila at dito naisipang matulog. Tama sigurong lumayo ako kahit konti sa kanya para ma pag isip isip nya na. Gagawin ko pa rin ang tungkulin ko bilang asawa pero casual nalang.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng maalimpungatan ako ng lumubog ang ibang bahagi ng kama. Pero nag kunwari akong tulog.
Naramdaman ko ang dahan dahan nyang pag hawi ng buhok ko na kumalat sa mukha ko. Hinimas nya ang pisngi ko. Bago nagsabing.
" salamat sa pag papaaensya. Na hintayin ko lang at babalik din sya sa amin."Nang makaalis sya ay saka ako nag mulat ng mata at umiyak ng tahimik.
Sana nga.. sana nga bumalik ka agad habang maaga pa. Hwag sanang mangyari sa atin ang nangyari sa pag sasama ng iba. Para sa mga bata. Sana James kakapit ako sa pangako natin sa isa't isa..
Mahal ko..
YOU ARE READING
Broken Vow
Romancethis story is all about lust,affection and Mortal Sin of people who are married to someone. a story that tells us what will be the overcome by doing it. dapat pa nga bang mag hanap pa ng iba gayong nakatali kana? dapat pa bang mag mahal pa ng iba ga...