chapter 1

25 1 0
                                    

Someone' POV

Noon sumumpa kami sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa, sa saya at kalungkutan.
Pero bakit ngayon sya ang nagsasaya habang ako lang nag durusa?
Nasaan na ang sumpaang kami lang dalawa hanggang sa magpakailan man?

Ang sakit isipin na kahit anong pilit kong buohin ang pamilyang sabay naming inumpisahan.
Hindi na kayang ayusin.

Saan ba ko nagkamali?
Saan ba ko nagkulang?
Bakit nangyari to?
Paano na ang mga anak ko?
Paano na Tayo?

Isa sa mga katanungang paulit - ulit tumatakbo sa isip kobawat sandali.
Tuwing lasing at may bahid ng kataksilan sa suot nya pag uwi.

******************************************

    "Isang araw nanaman ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin sya umuuwi." Sabi ko sa aking sarili habang nagmumukmok sa sala.

Paano hindi nanaman sya umuwi kahapon at kung hindi sya darating ngayon ay ikalawang araw na ito.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kaya naman naalimpungatan ako ng may marinig akong malakas na katok.

"Punyeta! Hindi mo ba bubuksan tong pinto!!sisirain ko to!" Sigaw ng lalaki sa labas na alam kong aking asawa.

Sa wakas ay naisipan nyang umuwi.

"Andyan na sandali lang." Sabi ko habang halos mag tatatakbo lakad ang aking ginawa para mapag buksan agad sya ng pinto dahil baka magising ang mga anak namin at maka istorbo sa kapit bahay sa lakas ng pangangalampag nya.

"Bakit ang tagal mong buksan ang pinto!tandaan mo bahay ko to! Kaya wala kang karapatang pag intayin ako sa labas!nakuha mo!" Sabi nya habang dinuduro ang mukha ko.

Sa lapit ng mukha nya agad kong naamoy ang hininga nyang amoy alak. Pa liku-liko syang maglakad kaya naman naka alalay ako sa likod nya upang hindi sya matumba.

"Kumain ka na ba? Baka nagugutom kana  ipaghahain kita." Tanong ko sa kanya.

"Tss..t-tigilan mo ko s-sa pagkukunwari mo! Bwisit!" Lasing na pahayag nya.

"K-kape titmplahan kita saglit lang umupo ka muna." Inalalayan ko syang umupo sa sofa pero.

"Pwede ba!" Sigaw nya sabay tulak sakin dahilan para mapaupo ako sa sahig at tumama ang likod ko sa lamesita.

"A-aahh." Tanging sambit ko.
Agad kong pinigil na wag maka gawa ng ingay. Kahit na masakit ay aking ininda ang likod ko at tumayo.

Pumunta ako ng kusina at agad nagtimpla ng kape para naman mahimasmasan sya.

Pagbalik ko sa sala ay nakita ko syang hirap na hirap na tanggalin ang damit na suot nya.

"Ako na."

"H-hindi ako baldado para h-hindi matanggal ang suot ko!" Sigaw nya ulit.

Pero tinulungan ko parin sya.

Una kong tinanggal ang sapatos at medyas nya sa paa. Pagkatapos ay tinanggal ko ang tie sa polo.Kasunod nito ay ang pagbubukas  ko ng buttones ng polo.

Agad na bumungad sakin ang pulang lipstick sa colar ng damit nya. Kahit Nanginginig ay pinag patuloy ko ang pagbubukas ng damit nya.

But then again I stopped when I saw a kiss mark near his chest. My tears want to come out in my eyes pero pinigilan ko ayokong makita nya kong nasasaktan para mabigyan sya ng pagkakataong maging masaya lalo.

Nang matapos ako ay agad ko syang inihiga at kumuha ng bimpong gagamitin ko sa pagpupunas sa katawan nya. Nang makapasok na ko sa loob ay hindi ko na napigilan ang sakit at tuloy tuloy ng umagos ang luhang kanina ko pa pilit itinatago.

"B-bakit.. paano nya nagagawa samin to. " tanging sambit ko sa loob ng c.r.

Umiyak ako ng umiyak at ng medyo nawala na ang bigat sa dibdib ko ay lumbas na ko at bumalik sa sala para punasan sya. Pilit kong inaalis ang bahid ng lipstick sa kanyang katawan at sana  lang din pwedeng matanggal ng bimpo ang marka ng kahalayan ng babae nya ginawa ko na.

Pagkatapos ko syang punasan ay kumuha ako ng kumot sa kwarto namin at inilahad sa katawan nya. Noon lagi syang natutulog yakap yakap ako. Ngayon mas ginugusto nyang matulog at malamukan makalayo lang sa akin.

Umakyat ako sa taas para matulog pero bago ako makarating sa kwarto namin ay nadaanan ko ang kwarto ng mga bata. Pumasok ako para silipin sila.

Mahimbing ang tulog nila. Kaya lumapit ako sa kanila ng tahimik at hinalikan ko ang aking mga anak.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak. Lahat titiisin ko para makasama nyo ang papa nyo." Saad ko sa mga natutulog kong anak bago isara ang pinto.

Pumasok ako ng kwarto at agad na bumungad sakin ang malaking frame ng larawan namin noon sa kasal.

Isang larawang kakikitaan mo ng saya at pag mamahal.

" Bakit ba kailangang mangyari to.? Bakit kailangan mong mag bago?" Tanong ko sa litrato ng asawa ko na nakasabit sa  pader ng kwarto.

Umupo ako sa sahig para kunin ang mga photo album sa ilalim ng higaan. At humiga sa kama habang tinitingnan ang mga ito.

At binalikan lahat ng masasayang alaala ng aming pinag samahan.

Ang sakit isiping ganito ang nangyari samin pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa namin para lang kami humantong sa ganito.

Kailan ka ba babalik samin ng buo james?kelan?

Sambit ko bago ako makatulog .

Broken VowWhere stories live. Discover now