Chapter 21

16 1 0
                                    


Dumating kami ng building nang nakasimangot sya dahil sa pinadala ko pa din sa Kanya yung mga pinamili ko pwera nalang sa singkamas na isang tali lang ang pinabitbit ko at pinaiwan ang tatlo sa sasakyan nya.

Sa elevator palang ay nangangamoy bagoong na kaya naman nag sumimangot sya.

" bakit amoy bagoong?" Takang tanong ni Neithan habang iniikot ang ulo samin .

"Tss asked your bestfriend , here can you hold this for me?" James command, dahil di pa man nakaka sagot si Neithan eh sinubsob na nya sa braso nito.

Kaya naman natawa kami ni Trish na inirapan lang ni Neithan.

"How do you feel? Pinagpapawisan ka pa rin oh?" James asked .

"Im better now than earlier. Baka ayos na ako mamaya. You can go to your  designated floor. Andito naman yung dalawa eh. I will call you nalang if I need something or feel something. " naka ngiti kong Sabi sa kanya para mabawasan ang pag aalala nya.

"Ok take it easy to ok wag masyado kumain ng singkamas baka malamigan sikmura mo.bye" sabi ni James saka ako hinalikan sa labi na ikina kilig ng mga kasabay namin.

Agad na bumaba si James sa next floor dahil may appointment pa sya sa floor na yun na nausog ng isang oras dahil sakin.

"Yun tayo eh.. mala Kathryn and Dj P. Eh ".Trish said na ikinatawa ng lahat.

"Naku sana magkasakit din ako baka halikan din ako ni papa James!" Nangangarap na sabi ni Neithan na binatukan naman ni Trish.

"Tss mangarap ka bakla.. wag tulog ah baka bangungutin ka Sana. agawan mo pa si Lyka.". Natatawang sabi ni Trish.

"Ewan ko sayo nega ka! Ayaw pang aminin na trip mo ko!dun ka nga
Ewww!" Nasusuka pang sabi ni Neithan.

"Mas eww ka bakla. Kabagan ka nga!" Sabi ni Trish saka ako hinawakan para lumabas ng elevator.

Mula pag pasok namin ng office ay wala akong ginawa kundi kumain ng kumain ng mga pinamili ko, kahit nga nagkakanda suka suka ako eh sige parin ako balik sa kaka kain.

"Alam mo pakiramdam ko buntis ka." Sabi ng isang senior sa trabaho namin.

"Oo nga mam eh, para Kasi syang losyang na maganda na ewan. Tapos jusko talo pa may anaconda sa tyan. Nag kanda suka suka na kain ulit." Si Neithan na makapag komento wagas may action pang kasama.

"Tss tingnan nyo nag singkamas na ngayon di nag paawat sa bagoong may suka pa. Kung ako siguro sa c.r na ang bagsak ko nyan eh." Isa pang ka officemate ko ang nagsabi.

"Hay naku! Tigilan nyo na yang ai buntis este si Lyka at baka bumuga ng apoy yan at sesantihin tayo. Baka bumalik sa pagiging fierce yan bahala kayo mag Oo.t tayo Araw Araw." Natatawang biro ni Trish .

"Sa bagay may point ka, oh sya princesa take your time sa pagkain. Mukhang tapos ka naman na para sa presentation natin mamaya. Mag hahayahay na din kami dahil sa sarap ng pa food trip mo. At may time pa naman sa siesta. ". Naka ngiting sabi ni Neithan at umupo sa gilid ko at tinaas ang mga paa na akala mo boss.

Nagligpit lang ako ng mga kalat sa lamesa at  saka din umupo sa swivel chair ko para umidlip .

Hindi ko man lang napansin na anong oras na pala  napasarap ako ng tulog, kung hindi pa ako ginising ni Trish ay hindi ko pa malalaman na isang oras nalang ay meeting na namin.

"Lyka gising we still have presentation to our investor. Lyka." Trish said while tapping my shoulder.

"Bakit anong oras oras na ba ? Mamaya pa yun ah?" Tanong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken VowWhere stories live. Discover now