chapter 13

9 1 0
                                    

HER POV

Akala ko pag ang mag kasintahan ay nag pasyang magpakasal ay magiging maganda ang kanilang pagsasama. Lalo na ang pag uumpisa ng pamilya kasama ang isa't isa.

Ang saya pang alalahanin na halos ilang buwan kaming nag paikot ikot ng mga requirements at nag paikot ikot para sa pipiliing simbahan para sa aming kasal.

Naransan namin noong magutom kakahintay ng turn namin para sa pagpapasa lang ng finill up-an naming papel para sa cenomar
(Certification of no marriage) para sa katunayang hindi pa nakakasal isa man samin.

Naranasan din naming mag paikot ikot para sa marriage certificate namin dahil naligaw kami kung saan ba yung location kung saan kami mag seseminar ganun din yung sa marriage license namin dahil need pa din ang dalawang parents namin na pumirma sa papeles. Hindi naman magkatugmaan ang parents namin dahil nga sa mga bussiness tour at meetings.

Kung hindi pa kami nagpanggap na nadisgrasya hindi pa namin sila mapapapunta ng sabay sabay. Haysst. Nakakatawa talagang alalahanin yun.

Minsan pa nga kaka madali namin dahil sa seminar namin sa simbahan eh nabulunan pa si James at lumabas ang kanin sa ilong nya. Halos malaglag ako sa upuan ko kakatawa. Ganun naman ang pagkahiya ni James dahil sa nangyari halos gusto na nyang lumubog sa kinauupuan nya.

Andun din yung naghanap na kami ng cotour na gagawa ng mga damit ng mga abay namin at gown ko.
Hindi naman kami nahirapan dahil may nirefer samin ang pinsan nya. Na nahanap nya nung nagaasikaso din sila para sa kasal nila nun.

Kaya naman naka discount kami. At nagandahan talaga ako sa design. Simple yet beautiful ika nga. Kulay white lang ang motif na pinagpasyahan namin para hindi mahirapan ang mga aattend ng kasal.

Hanggang dumating ang dalawang araw bago ang kasal. Hindi kami pinayagan magkita dahil nga masama daw yun kaya naman puro tawag lang ang gawa namin.
Halos lahat ng bawal ay hindi namin ginawa dahil sa takot na rin namin sa mga paniniwala ng mga nakakatanda.

Yung pakiramdam na yun ay nakakatuwang alalahanin at nakakalungkot dahil sa lahat ng pinag hirapan namin ay nawalan rin ng saysay.

Tinago ko ang mga litrato namin ng kasal na puno ng kaligayahan at katotohanan pero sa iksi ng panahon ay nagbago na ang lahat.

narinig ko ang katok sa pinto kaya agad akong tumayo  at binuksan ito.

"Bakit pumasok ka sa company ng walang pasabi sakin?" James asked.

"Wow.. nice to see you to." Asar kong bati sa kanya.

"I'm not joking Lyka! Bakit mo naisipang pumasok sa office at guluhin ang lahat ng pamamalakad ko!" Sigaw nya .

"Wow hah! Ako pa nanggugulo sa pamamalakad mo ah! Saka teka! Ok ka lang may share ang parents ko sa company na yun kaya pwede akong pumasok dun anumang oras ko gustuhin!" Asar na sagot ko.

" Ang akin bakit ka pumasok dun hindi ka na ba makuntento sa sahod na binibigay ko sayo?!" Asar na sabinnya sabay hawi ng buhok nya sa noo.

"Bakit! May sinabi ba ko? Saka bakit ba galit na galit ka?! Dahil ba sa natatakot kang ipangalandakan ko kababuyan nyo ng secretary mo? Wag kang mag alala  may pinag aralan ako kaya hindi ko na kailangan pang ipangalandakan pa ang ka cheap-an nyong dalawa." Sagot ko sabay talikod para kunin ang ibang damit ko na kukunin ko sa kwarto.

"Wala akong paki alaman kung gawin mo yun! Maganda pa nga yun para matapos na yung pangungulit nya sakin eh." He said then sitdown to our couch.

"Tss.. wag ako James. Wag ako. " sabi ko sabay lakad papunta sa pintuan para lumabas.

Broken VowWhere stories live. Discover now