iyanajane and JayMayola salamat sa pagfollow.. sorry kung now ko lang kayo namention. GODBLESS with the two of you!!
Her POV
Nakauwi kami after two days dahil sa mga vaccine pa na kailangan ni baby na icomply. Mahirap pa ring gumalaw dahil sa ilang stiches na ginawa sakin pero once na makita ko ang pag ngiti ni shein ay sobrang lumalakas ako na para bang wala akong iniindang sakit.
Hands on ako pag dating sa pag aalaga sa kanya kahit na may hired maid sila mama para sa pag aalaga kay Shein ay parang wala lang din dahil kahit mapuyat ay inaasikaso ko pa rin sya. Hindi naman mahirap alagaan si Shein dahil hindi sya katulad ng ibang bata na iyakin. Maririnig mo lang syang umiyak pag nagugutom o nagpupu na sa diapers nya pero sa totoo lang puro tulog at ngiti lang ang ginagawa nya pag gising nya. Aakalain mong anghel na bumaba sa lupa mula sa langit dahil sa maputi at maliit na mukha nya na may kasama pang dalwang dimples sa magkabilang pisngi na mamula mula na wari mo'y makopa dahil sa kulay nito.
Mula ng isilang ko si Shein ay unti unti nang bumalik ang sigla ng bahay. Muling naging maayos ang pagsasama namin ni James bilang mag asawa, ay mali.. Mas lalong tumindi ang paghahangad nyang maayos kaming mag asawa ,nandyan yung pa hardin sa loob ng bahay , yun bang nagpapa deliver sya ng napakaraming bulaklak na aakalain mong may hardin kami sa loob ng bahay. Meron ding pa fiesta yun bang kung magpaluto ay akala mo isang buong barangay ang kakain. He also give me chocolates and something na alam nyang gusto ko. At ang palagiang paglabas naming magpamilya kahit na maliit pa si Shein ay hindi ako pumapayag na hindi sya kasama.
Tulad nalang ngayon na aalis kami at mamasyal patungong ocean park sa maynila. Hindi naman kalayuan samin kaya naman alam kong hinsi mabibigla si shein sa byahe, at katulad ng mga pamahiin ay nilagyan ko sya ng pulang punselas at pulang pangontra sa usog. One time kasi ay lumabas kami upamg bilhan sya ng mga bagong damit ay halos di magkamayaw ang ga sales lady para kang tingnan at panggigilan si Shein tapos pag uwi namin at wala syang ginawa kundi umiyak. Buti na lamang at nasa bahay si mama kaya naman agad nyang kinuha ang pinagbihisan ni Shein at pinakuluan sa asin saka inilagay sa sahig para pausukan si Shein gamit ng pinakuluang damit nya at salamat sa dyos dahil nakatulog sya ng maayos pagkatapos nun, back to the story eto na nga pin-in ko ang pulang pangomtra usog sa damit nya at saka sya binuhat para sumakay sa sasakyan.
"ayos na ba ang lahat? Wala ka bang naiwan?" James asked.
"oo andito na lahat. Nagdala na din ako ng dalawang pamalit na damit." sagot ko sabay sara ng pintuan ng sasakyan.
"ok let's go" saka nya pinaandar ang sasakyan.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng madaanan namin ang isang simbahan.
" Kailan mo balak ipabinyag si Shein mahal?" tanong nya habang nagnanakaw tingin sakin dahil sa pagmamaneho nya.
"Bukas din ay may balak na kami ni mama na ayusin mga kakailanganin sa simbahan para makapag pareserve ng slot and schedule." sagot ko.
" sayang naman at wala ako bukas may meeting kasi ako with our new business partner kaya hindi ako maaring mag cancel ng appointment ko"
"it's ok don't you worry andyan naman si mama saka napag usapan na rin talaga yun. Alam mo naman si mama pag dating sa apo nya. Tinalo pa ako." nakatawang paliwanag ko na ikinangiti nya rin.
"hahaha alam ko naman yan. Natawa nga ako ng minsang pinagalitan ka nya dahil di mo man lang namalayan na nagpupu na si shein." pagbalik alaala nya nung unang linggo ni shein
"tss kesa naman sa sayo na ang ganda ganda pa ng pagkakanganga mo habang buhat mo si Shein nang lungadan ka nya sa mukha buti nalang at hindi na shoot sa bibig mo hahaha" saka kami tumawang dalawa.
YOU ARE READING
Broken Vow
Romancethis story is all about lust,affection and Mortal Sin of people who are married to someone. a story that tells us what will be the overcome by doing it. dapat pa nga bang mag hanap pa ng iba gayong nakatali kana? dapat pa bang mag mahal pa ng iba ga...