HER POV
From where and when it started...
Nasa isang taon na kaming kasal ni James ng malaman kong buntis ako sa panganay ko. At dahil sa hindi ko naman agad napuna na may laman na pala ang tyan ko ay nagpaka busy pa rin ako. Hindi naman busy sa kaka gala o kakaalis but busy sa pag hahanap ng ikaka busy ko, ako kasi yung babaeng ayaw na natetengga sa iisang lugar na walang ginagawa ang gusto ko ay yung mag eenjoy ako at hindi ako makaka pag isip ng kung ano mang problema sa araw araw.
Kaya naman nag enroll ako sa isang vocational course na maaari kong maging tulay sa isang pagkakakitaan kahit sa bahay lang. Naisipan kong mag enroll sa isang catering and baking class. Three times a week every monday , wednesday and Friday lang sya tag four hours every meeting so nalilibang ako at natututo ako at the same time.
Wala namang problema kay James na sya namang nag start ng mag manage ng ibang business ng family namin. Natutuwa pa nga sya pag umuuwi sya na maabutan akong nakangiting pina practise yung mga tinuro samin sa pinapasukan ko dahil nga sya ang una unang taga tikim at taga hatol ng mga yun.
Nag umpisa na kaming mag karoon ng mga groupings sa pag luluto at minsan nag pupunta kami sa kung kani- kanining bahay na maari naming pag practisan ng mga pinapagawa samin para sa kinabukasang actual performance namin.
Nung una natutuwa pa si James dahil nga may mga bago akong nakikilala at nakakasalamuha pero nung umabot sa kalahating term ng pag pasok ko. Nagiging mainit na lagi ang ulo nya.
Nagseselos na sya sa mga nakakasama ko at pinag hihinalaan na akong may kalaguyo. Hindi ko naman na pinapatulan dahil sa bukod sa wala namang katotohanan at hindi ko nalang pinapansin dahil kasalanan ko naman na palagi na rin akong pagod pag uwi at hindi na sya naasikaso tulad ng gusto nya.
One time umuwi akong pagod at nahihilo dahil may ingridients kaming ginamit na hindi ko alam kung bakit bahong baho ako.
Hindi naman ako nagisip ng masama dahil sabi ko baak dahil sa first time ko lang sya naamoy baka nanibago lang ako..Pero minsan naglalakad na ako papasok sa bahay ay nakaramdam ako ng pananakit ng balakang ko. Sabi ko pa
"nako mag kakaroon na ata ako kinabukasan."
Pero tumagal sya ng dalawang araw hindi parin ako dinatnan at sobrang sakit hanggang sa puson ko.
Bumaba ako sa sala kung saan alam kong nag aagahan si James. Sinabi ko sa kanya na tumitindi na ang sakit ng puson ko at nakita nya kung gaano akong maputla at pinag papawisan ng butil butil gayong naka centralize aircon naman kami.
hindi pa sya naniwala sakin at sinipa yung upuan sa harap ko. dahilan para masaktan ako. unti unting umiyak ako sa sakit hanggang tumindi ang sakit.
" Je- James!! Aa.. Ahhh! Ang sakit na ta- ang sakit na talaga!" Sigaw ko sa kanya habang madiing nakahawak sa upuan sa harap nya.
Agad syang tumayo at mali maling kumilos.
Natigilan sya ng sumigaw pa akong muli."Je- James!! May du- ma- may dugo!! James!!" Sigaw ko habang umiiyak . That time alam ko na sa sarili kong hindi na normal yun at hindi dugo ng as in menstration.
Agad na lumapit ang katulong na kasama namin at napa sign of the cross bago sinabihan si James na dalhin na ako sa ospital .
"Honey.. sandali nalang ok?! Malapit na tayo sa hospital! Konting tiis nalang ah.. please.. bare the pain for a while malapit na tayo.!" Natataranta nyang sabi habang nag pasulyap sulyap sa front mirror.
"Ahhh!! Sobrang sakit na!! Ahh.." hindi ko na nalaman ang sumunod pang nangyari dahil sa nawalan ako ng malay sa sobrang takot at nerbyos ko sa nararamdaman ko at sa dugong nalabas sakin.
YOU ARE READING
Broken Vow
Romancethis story is all about lust,affection and Mortal Sin of people who are married to someone. a story that tells us what will be the overcome by doing it. dapat pa nga bang mag hanap pa ng iba gayong nakatali kana? dapat pa bang mag mahal pa ng iba ga...