Chapter 1
Nicole's POV
"Do you Earvin Gonzales, take Nicole Medelin as your lawfully wedded wife..."
Tanong ni Father kay Earvin habang nakatingin kaming dalawa sa isa't isa na may mga ngiti sa labi."I do Father." Sagot nya.
"Do you Nicole Medelin, take Earvin Gonzales as your lawfully wedded husband..." Ako naman ang tinanong ni Father.
Sasagot na sana ako pero walang lumalabas na boses, parang may pumipigil din sakin sa pagsagot.
"Nicole?" Tawag sakin ni Earvin.
"Nicole Medelin?" This time si Father naman ang tumawag.
"Nicole?
Nicole?
Nicole! Gumising ka nga, sagutin mo ung tumatawag sayo, nakakaistorbo na eh kakauwi ko lang uy. Nicole!"
"Ay! I do father, I do." Sambit ko paggising ko.
"Hala sya, anong I do, uy! Please do answer your phone please Nicole. Magpatulog ka."
That was Charms, my friend and roomate. Kakauwi lang galing work, she badly needs to sleep. She works at a Call Center malapit lang din dito sa unit na tinitirhan namin. Karamihan sa mga call center companies night shift ang schedule dahil karamihan sa mga ito ay US based accounts.
"Sorry Charms, cge go tulog kana."
"Thanks girl, maya mo na kwento panaginip mo." She said at ipinikit na ang mata nya.
Lumabas na ko sa kwarto at sinagot ang tawag, it's my boss.
"Good morning Ma'am"
"Good morning Nicole, I'm sorry to call you this early but I'll be needing your help."
"Ano po yun Ma'am?"
"Hindi ako makakarating sa meeting ko today with the big bosses, something came up, can you represent me? Please?"
"Yun lang pala Ma'am, sure po."
"Thanks Nics, I know I can count on you. Anyway, the meeting is at 7 o'clock okay? Bye."
"Bye Ma'am."
Pagtapos namin magusap ay nag-stretching na muna ko. Grabe, antok na antok pa ko, pero okay lang, para sa boss ko na parang Nanay ko na sa opisina.
"Sipag talaga."
Napatingin agad ako sa nagsalita at nagulat ako nang nakita ko syang nakatingin sa kin habang sinasara ang pinto ng kwarto nila.
"Good morning." Bati sa akin ni Earvin.
"Good morning din."
Grabe, ang ganda talaga ng umaga ko araw araw. Batiin ba naman ako ng may ngiti sa labi nya, aba umaga palang buo na ang araw ko.
Anim kaming share-share dito sa condo na tinutuluyan namin. Three bedroom unit ito, isa para sa aming girls, ang isa naman ay para sa mga boys at ung isa ay para sa may-ari ng unit na kaibigan din namin, si Leo. Lahat kami ay magkakaibigan na mula pa nung college. Libre kami dito, ayaw na kasi kaming pagbayaran ng rent ni Leo, napakabuting kaibigan. Pero as a consideration share-share kaming lima sa bayarin sa kuryente, tubig at internet. Walking distance lang din ang mga kompanyang pinagttrabahuan namin kaya malaki ang natitipid namin.
Ako ay isang marketing manager. Si Charms naman ay team leader sa call center company, si Loisa naman ay isang Chef. At ang tatlong lalaki naman ay nagttrabaho sa iisang company. Hindi sila mapaghiwalay, palibhasa iisa ang course na natapos nila. Back in college, nagkakilala lang kami sa isang org at doon nagsimula ang friendship namin.
BINABASA MO ANG
The One For Me
RomanceNicole POV I found him, the love of my life, I'd like to believe that he's the one for me, but the question is does he love me too? Colin POV I found her, the love of my life, the one... yes; she's the one for me.