Chapter 7

9 1 0
                                    



Colin's POV

Tanghali na nang magising ako sa ingay ng cellphone ko. Tinatamad pa naman ako today, sino kaya ito at ano ang kailangan nya.

Kinuha ko ito para tignan kung sino and it's my mom.

"Yes mom?"

"Bakit ang tagal mong sumagot? Where are you?" She said and I could feel that she is already iritated.

"Mom, I'm just at home. Why?"

"What are you doing? Kakagising mo lang bang bata ka?"

"Mom, I have nothing else to do so I guess I'll be taking this day as my lazy day."

"Pwes, may ipapagawa ako sayo, and you can't say no to this. Your Auntie Grace called me, she wants to talk to you, this is about your Grandparents' 50th wedding anniversary. Puntahan mo sya sa office nya doon kayo maguusap, take Cassie and Lucas with you, she wants to see them. Now get up, and move." She said and she hung up.

I thought I'm having a vacation, can't they just give me this day? Kahit ngayon lang?

Bumangon na ko at naligo then I called Cassie. Na- excite naman sya dahil namiss nya rin si Auntie Grace. Close kami kay Auntie dahil tinuring nya kaming mga anak nya. Hindi na kasi nag-asawa itong si Auntie dahil sa trabaho. Nakalimutan na ata nya ang pagaasawa dahil sobra syang nag-enjoy sa trabaho.

She is the VP for marketing in the company na pagmamay-ari ng Lolo at Lola namin.

Nagpunta muna ako sa bahay ni Mom, para dun nalang maghintay kay Cassie, dahil may pasok na sya.

Cassie passed the special examination. Kakaumpisa palang din naman ng school year kaya makakahabol pa sya sa mga na- missed nyang klase.

Habang naghihintay, tumawag naman ang kaibigan kong si Dylan. For sure, mag-aaya naman tong mag bar hopping.

"Dude! I missed you! We missed you pare. It's your vacation right? Sumama kana samin mamaya come on." He said on the other line. Sabi ko na nga ba.

"I can't dude." Tipid kong sagot.

"What? Why? May date kana ba ha? May nahanap kana? Pakilala mo naman samin." -Dylan

"May pinapagawa si Mom, wala akong date, wala pa kong nahanap at wala akong ipapakilala sa inyo."

"Grabe, seryoso ka talaga dyan sa woman of your dreams mo ha Colin?" Parang hindi boses ni Dylan ito ah at ito na naman ang usapan namin.

"Wait, am I on speaker? Is that you Peter?" Pag iwas ko sa tanong nya.

Oo na hopeless romantic ako pero wag naman itong ulit ulitin sa kin. Ako to eh, syempre alam ko yun.

"Yes you are on speaker, dude." Sagot ni Peter.  Napailing nalang ako.

"Guys, I can't, maybe some other time alright?"

"That's what you said before dude." -Dylan

"I promise. You know me, I always keep my promises. Wag nyo kong itulad sa inyo." I said at idiniin ko ang huli kong sinabi

"Yeah whatever. So how was the search for your woman of your dreams Colin?" Peter asked, here we go.

"Alam nyo, masyado nyong inuusisa yan sakin kaya tuloy hanggang ngayon wala pa. Kayo yata yung malas eh."

"Hey Pressman, don't blame us. Ikaw kasi puro ka trabaho." -Peter

"What do you want me to do? Dating with the women na sineset up ni Mommy sakin is too predictable, at ayoko na ng ganon. I'm looking for something that is unpredictable."

The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon