Nicole's POVIt's been what, two, three weeks? I can't remember, since I hang out with the girls at yung napag usapan naming confess and let go ay hindi ko pa rin nagagawa hanggang ngayon.
Kinabukasan kasi, na-late ako sa trabaho kaya medyo pinagalitan ako ng boss ko. Medyo lang naman, tapos sumunod na araw hanggang natapos yung linggong yun, bumawi ako sa trabaho. Araw araw akong OT kaya naman kapag umuuwi ako tulog na si Earvin. Sa umaga naman, hindi na kami masyadong nagkakausap dahil maaga syang umaalis, sinusundo nya ang babaeng nililigawan nya sa bahay nito at inihahatid sa trabaho.
Ang sweet naman nya. Todo effort.
Nakakainggit yung babae.
At oo nga pala, may pangalan sya, her name is Annica. Ayoko mang malaman, hindi maiwasan marinig ko ito dahil sya din ang laman ng usapan nila Mark at Leo.
Mga lalaking yun, mga tsismoso.
At tong linggo ito, ganun pa rin ang nangyayari. Puro trabaho lang ako dahil ayoko silang maisip. Pero kahit na gaano karaming trabaho ang itambak ko sa sarili ko, magkikita at magkikita pa rin kami. Maiisip at maiisip ko pa rin sya. Hindi pa rin ako makakaiwas, lalo na para mamayang gabi.
Na- promote na si Loisa bilang head chef sa restaurant na pinagttrabuhuan nya kaya naman magce-celebrate kami. Ang akala ko pa naman makakabalik na kami sa Femme Haven pero magce-celebrate kaming lahat kasama na ang mga lalaki. At syempre kasama sya, at for sure isasama nya si Annica. Hindi naman ako makatanggi dahil magagalit sakin si Loisa.
Napabuntong hininga nalang ako.
Sana pala talaga dati ko na yun ginawa, para ngayon mas payapa na ang kalooban ko. At least kahit ano mang sabihin nya nagawa ko na yung part ko kahit ano pa man ang kalalabasan nito.
Nakasandal lang ako sa swivel chair ko habang nagiisip isip nang daanan ako ni Mikee.
"Bakit salubong na naman yang kilay mo? Napapansin ko na badtrip ka araw araw ah. Hindi pa tapos yang period mo?" Pabirong sabi nya sakin, matalik ko syang kaibigan dito sa office."Wala akong period, at hindi ako badtrip." Walang emosyon kong sabi.
"Talaga? Hindi ka badtrip sa lagay na yan? Nga pala, sino yung kausap mo kanina, mukhang artistahin ah."
"He's name is Colin, pamangkin ni Ma'am Grace." Walang gana kong sabi.
"Ang gwapo friend."
Hindi ko pinansin ang sinabi nya, "Anyway, patulong naman ako girl, anong bagay na lipstick sakin? Red or nude nalang? May date kami ni Macky mamaya eh."Tinignan ko sya at lalong nagsalubong ang kilay ko. Sige na oo na, badtrip na ko.
"Ede ikaw na may date, ikaw na may jowa. Bahala ka dyan sa lipstick mo." Tumayo ako at dumiretso sa comfort room.
Hinabol naman nya ko.
"Bitter teh?" Tanong nya sakin.
Humarap ako sa kanya, parang ang dami kong gustong sabihin pero ang nasabi ko lang ay;
"Whatever." Tinalikuran ko na sya.
Ayoko munang makipag usap sa kahit na sino.
Badtrip na nga ako ngayon tapos may strange feeling pa ko tungkol sa mangyayari mamayang gabi.
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako.
Ano to?!
...
Sa restaurant na pinagttrabuhuan ni Loisa ang dinner namin. At dahil wala na kong magawa sa office, pag out ko ay dumiretso na ko dito.

BINABASA MO ANG
The One For Me
RomansaNicole POV I found him, the love of my life, I'd like to believe that he's the one for me, but the question is does he love me too? Colin POV I found her, the love of my life, the one... yes; she's the one for me.