Chapter 2

22 1 0
                                    

Chapter 2


Nicole's POV

I just got promoted as a marketing manager last week, and as a celebration,I invited my friends to a dinner and it will be my treat.

Nauna kaming girls dito sa restaurant, mabuti na rin un para kahit papano makapag-girl talk kami.

"So Nicole, kwento mo na yung panaginip mo, ung kaninang paggising mo sabi mo "i do", dali, kwento mo na."
Sabi ni Charms na may halong excitement sa boses nya.

"Ayun, kinakasal kami ni Earvin sa panaginip ko, pero alam mo kung ano ung weird, hindi ako makapagsalita ng maayos, hindi ako makasagot ng I do."

Pabagsak na binaba ni Loisa ang baso sa mesa pagkatapos nyang uminom at nagsalita.

"Girl alam na, hindi talaga kayo magkakatuluyang dalawa. Tignan mo ah, nanaginip ka na kinakasal kayo, dba ang mga panaginip hindi nagkakatotoo? Yung I do mo? Baka hindi talaga sya ang sasabihan mo nun kaya hindi ka nakasagot." Sabi ni Loisa with hand gestures pa.

"Nega mo naman Chef, grabe ka..." - Charms

"Hindi ako nega, I'm just being realistic. Nicole, we're not getting any younger here, we're adults now. Alam ko gusto mong maramdaman ung mahalin ka din pero kasi baka hindi talaga si Earvin un." - Loisa

Napatahimik kaming dalawa ni Charms.

Back in college, silang dalawa na ang lagi kong ka-kwentuhan tungkol sa feelings ko para kay Earvin. Kinikilig din sila para sakin, tinutulungan pa nila ko noon na mas mapalapit pa sa kanya.

Pero sa paglipas ng panahon, nagiiba na ang timpla ni Loisa sa "lovestory" namin ni Earvin. Pagkatapos kasi ng break up nila ng boyfriend nya, naging bitter na ang isang to.

Si Charms naman, support lang, at patuloy pa rin akong kinokonsinte sa katangahan ko.

Aware naman ako sa sitwasyon ko.

Friendzone? It is actually an amazing and awful feeling at the same time.

Masayang nakakatanga.

Patuloy na umaasa sa wala at nangangarap ng gising sa idea na pwedeng maging kami.

Hanggat wala pa syang girlfriend, may chance pa na may maibaling syang pagtingin para sa kin, kaya patuloy pa rin akong maghihintay.

"Ano girls? Nicole? Wake up, date someone else, for sure ang daming nagkakandarapang manligaw sayo, give them a chance. Let go of the idea of him."

"Alam mo naman na sya pa rin talaga diba?" I said.

Napabuntong hininga si Loisa at nagsalita.

"It's been what? Four? Five years? Hindi ba parang nagsasayang ka ng panahon sa isang bagay na wala naman kasiguraduhan? You're killing yourself now Nicole."

"Teka nga Loisa, sakit mo nang magsalita ah, what's gotten into you?" - Charms

"Masakit ba? Nicole?" Humarap sya sa akin. " masakit ba? Well, truth hurts., I'm sorry friend"

"Hello ladies, sorry we're late." Bati sa amin ni Leo na kakarating lang. Buti nalang dumating na sila dahil medyo nag-iba na ang mood namin.

"Buti alam nyo at late kayo, asan si Earvin?" - Charms

"May kausap sa phone, mukhang nagbibinata na. Ulit" -Mark

"Haha, finally, good for him." Nakangising sabi ni Leo. "Kain na tayo, I'm starving."

Tumawag na sya ng waiter para makapag order na ng pagkain.

Nagkatinginan naman kaming tatlo. Nawala ang appetite ko sa pagkain dahil sa narinig ko. Well this will be the second time na narinig ko ito sa kanila, na may nililigawan na sya. Yung una nung college kami, hindi naman sya sinagot nung girl at ako na ang masama dahil natuwa ako nung time na yun. Broken hearted sya nun kaya naman kinomfort ko sya. Hindi ko sya hinayaang magmukmok nang dahil lang sa babaeng yun.


And after about four years, may nililigawan na naman pala sya. Well aabangan ko nalang ang isang to kung ano ang mangyayari.

At kapag naging sila na ng nililigawan nya? Saka ko na iisipin ang pagmumukmok, saka na ko iiyak at saka na ko magmu-move-on.

Yun ay kung magiging sila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Colin's POV

"Kuya, I told you, sayo muna ako tutuloy, hindi ko pa kayang harapin ulit si Mommy." Cassie said with a low voice dahil natutulog ang baby nya. We're on our way to Mom's house.

"Kailan ka naman magiging ready? Cassie, it's almost two years nang huli kayong magusap. Come on, for sure lalambot din ang puso ni Mommy once na makita nya ang cute nyang apo."

"Lalambot ang puso? Bastardo ang tingin ni Mommy sa anak ko kuya. Wag ka ng mangarap dyan. But I'm praying for it, na sana mapatawad na nya ko." - Cassie

"She will baby sis."

...

"Hello sir Colin, Welcome back po Ma'am Cassie." Bati sa amin ni yaya Mercy.

"Yaya Mercy, namiss kita!" Yumakap naman si Cassie sa yaya nya. "Namiss din kita Ma'am, ang cute cute ni baby, akin na, ako muna ang kakarga."

"Thanks yaya."

"Ang mommy nyo hinihintay kayo sa garden."

"Salamat po Manang Mercy, let's go sis?" I asked Cassie.

Huminga muna sya ng malalim bago naunang maglakad papuntang garden.

Naabutan namin na magkausap si Mommy at ang PA nya, for sure pinaguusapan nila ang sched ni Mom.

"Hi mom." Nahihiyang bati ni Cassie.

"Cassie, Colin" she stood up and walked towards us to hug and kiss us.

"I'll go ahead guys." I said.

"What?" -Cassie

"Yeah, I gotta go baby sis. May shooting ako today." I kissed her forehead. "Bye for now."

"Bye mom." I hugged mom.

"Bye son."

"You two have a lot of catching up to do." I said.

Umalis na ko ng bahay at umuwi na muna sa condo ko para makaligo. Isa akong film director. Dahil sa artista si mommy, palagi nya kaming sinasama ni Cassie sa mga shooting nya noong bata pa kami. Noong una, akala ng team ni mom na magaartista din ako, I mean, I got a lot of offers from different network, endorsements and modeling agencies pero tinanggihan ko dahil bata palang ako, alam ko na kung anong career ang tatahakin ko.

The moment na sinama ako ni mommy sa shooting nya sa isang pelikula nya, sinabi ko sa sarili ko na magiging Director ako.

Noong maka graduate ako, pinagsikapan kong tumayo sa sarili kong paa, dahil hanggat maari ayokong gamitin ang impluwensya ng mommy sa industry. Nag aral din ako sa New York para mas mapaghusay ko pa ang skills ko.

Nageenjoy ako sa ginagawa ko, kaya nawalan ako ng panahon para makipagrelasyon, lalo na dati. Wala akong sineseryosong babae. Pero ewan, nagbago ang pananaw ko at sana talaga kung sino yung babaeng mapusuan ko, ay sya na.

Ako na.

Ako na ang hopeless romantic bachelor in town.

The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon