Nicole's POVNever ever ever in my life that I have imagined that I will do such a thing. Oh my goodness! Nanggigigil ako sa sarili ko. Naiinis ako!
Pero kahit ano pang gawin ko nangyari na ang nangyari.
Kanina pa ko nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame ng hotel room ko.
How can I be so careless?
Masyado naman yata akong nag-enjoy kagabi at pati yun nagawa ko.
My goodness.
Napapapikit ako pero nagmumulat din ako agad ng mata ko dahil kapag napipikit ako naalala ko ang kagagahang ginawa ko kagabi. Bumangon ako at kinuha ang unan at pinaghahampas ko sa mukha ko.
"Aaaargh Nicole!!!" Sigaw ko out of frustration.
Natigil ako sa ginagawa ko ng mag ring ang phone sa room ko. Hala sino kaya ito, si Ma'am Grace? Or baka si Colin.
Hinayaan ko nalang, hindi ko ito sasagutin. Iisipin nalang ng tumatawag na tulog pa ko.
Humiga ulit ako.
Nicole? Bakit??? Bakit nagawa mo yon?
Bulong ko.
Maya maya, tumunog ang door bell ng room ko at nagulat ako. Sino kaya ito. Please wag si Colin.
Sinilip ko sa peephole kung sino ito.
Si Ma'am Grace kasama si Cassie.
"Wala sya. Where is she?" Ang lakas ng boses ni Ma'am at nadinig ko ito. Nakita ko din na nakatingin sa phone nya si Ma'am nang magsalita si Cassie.
"Auntie baka andun sya sa room ni kuya, you know..." She said, "kasi nakita ko sila na nagpunta somewhere, ewan baka sa room ni kuya."
Hala, si Cassie masyado sya mag isip. Bakit kasi...
Bakit kasi nakita nya kami papunta kung saan pero dun yun kung saan kami nanuod ng fireworks eeeh!
Eh kasi naman Nicole after the fireworks display, isa lang din naman ang lugar na pinuntahan nyoo. Sabi ng isip ko. Napahilamos ako ng mukha.
Umalis na sila sa tapat ng pinto at narinig kong may nag text. Si Ma'am pala and she 's inviting me for breakfast. Nireplyan ko sya after 5 mins at sinabi na susunod na ko.
Okay Nicole so kung magigising nila si Colin dun makikita nila na wala ka sa room nya. So maybe, just maybe, mawala sa isip nila ang assumptions nila.
...
Hindi ko alam ang gagawin ko. Lalabas ba ko ng room? Mag stay dito hanggang bukas? Or uwi nalang?
Uwi na nga kaya ako? Magdadahilan na lang ako kay Ma'am Grace. Hindi ko talaga alam kung paano ako haharap kay Colin, naiilang akong makita sya.
Naisip ko tuloy sinadya nya bang kunin ang loob ko? Pero kasi nakakadala ung sitwasyon, uugh!
Eto na ba yun? One night stand? After that parang strangers na kami? Ganon ba yon?Oh no. I can't believe na naranasan ko to. I mean, crush ko lang sya pero umabot kami sa ganon? Grabe ka Nicole! Grabe ka!
Sumubsob na naman ako sa kama! Paulit ulit ang thought sa utak ko.
One night stand.
One night stand.
One. Night. Stand.
I just had a one night stand.
Napalunok ako.
Oh God, I'm sorry, naging careless ako.
I'm not into one night stand! Kung yung iba komportable sa ganun ako hindi!
So eto na nga, nasali ako ni Colin sa listahan nya ng mga babaeng nai-kama nya. I guess I was right that he is a playboy.
Napatulala ako saglit at humiga at tumitig sa kisame ng mga ilang minuto. At hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko.
Nangyari na ang nangyari.
Bumangon ako at dumiretso sa banyo.
Napatitig ako sa sarili ko at isang babaeng malungkot ang nakikita ko.
Huminga ako ng malalim, at nagtungo na sa shower para maligo na.
Nangyari na ang nangyari.
...
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ko ng room. Kakain na ko kahit anong nararamdaman ko hindi pa rin maitatanggi na gutom na din ako.
Pagbukas ng elevator, lulan pala nito si Colin, akmang lalabas sya pero hnd na rin sya kumilos at ako naman ay napako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung anong ire-react ko. Habang ako lito sya naman ay mukhang malungkot din.
Talaga ba? Diba dapat masaya sya? Nakuha nya gusto nya kagabi?
Nics wag ganyan, hindi lang naman sya, ikaw din naman ginusto mo.
"Ginusto?" ...
"Nics, kanina pa kita hinahanap." He said. Pumasok na ko ng elevator, tahimik lang ako. Sya din napatahimik.
Pagbaba, dumiretso ako sa restaurant, gutum ng gutom na ko. Si Colin nakasunod lang sa akin hanggang sa natapos na ko kumuha ng food at nagsimula ng kumain. I need energy to talk to him. Ganun din ang ginawa nya, kumain sya pero ramdam kong nakatingin sya sakin.
Nang matapos ako, tumingin na ko sa kanya. Magsasalita na sana ako nang lumapit sa amin si Lucas. Binuhat ko sya at inupo ko sya sa lap ko. Napangiti naman akong tumingin sa kanya.
"Hey there." I said to the child, pinunasan ko ang pawis sa noo sya. Mukhang kanina pa sya pa-takbo takbo dito.
"He likes you." Colin said.
"Well, I like him too." Sagot ko naman habang nakatingin sa bata.
"I like you." He suddenly said, as in straight to the point. Napalunok naman ako, ano ba isasagot ko?
Oo gusto ko sya pero kasi bat may pangyayaring ganun kagabi.
Agad agad nangyari ung ganon???
Nagpababa si Lucas sa lap ko at nagtatakbo na ulit, at nagpunta na sya sa Lola nya. Hindi ko magawang humarap kay Colin pero kailangan, yumuko at humugot ng lakas ng loob. Pero hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tinignan ko nalang sya. Maybe my eyes can say what I really feel? Ugh! What am I thinking?
"I'm sorry about last night." He said while looking at me. "I shouldn't have done that. Dapat mas pinigilan ko sarili ko, this time gusto ko nang magseryoso and I want to start it right... I'm sorry." He added.
"You know, I... I don't know exactly what to say, I don't even know if I'm going to believe you. Pero cguro, wag nalang nating pag usapan. This is too awkward for me, I mean, I am not into this kind of set up. Last night was a mistake, pareho tayong lasing, na-carried away... Let's just forget about it."
I feel disappointed on my self. Bakit naging careless ako.
"Maybe, I should act like the other girls that you've slept with. Act like it was nothing, like it never happened. Right?" I added.
"You are different Nicole." He said at napangiti ako, ngiting may lungkot.
"Of course you'll say that." I said as a breath deeply.
"Nics."
"What happens in Ilocos, stays in Ilocos, right?" I said at umalis na.
Yes, what happened here, stays here. Pagbalik ko ng Manila, kalimutan na ang lahat ng ito, back to reality.
...
AN: Sorry for the late update :(
BINABASA MO ANG
The One For Me
RomanceNicole POV I found him, the love of my life, I'd like to believe that he's the one for me, but the question is does he love me too? Colin POV I found her, the love of my life, the one... yes; she's the one for me.