Nicole's POV
"Nicole, ingat ka. See you later." Sabi sa akin ni Earvin, ang housemate ko slash crush ko slash mahal ko, kung pwede nga lang maging boyfriend na rin pero hindi eh, hindi pa.
Sana nga may chance kaming dalawa. Matagal ko na syang mahal, noon pa, pero ewan. Natatakot naman akong umamin, baka mamaya mailang na sya sa akin or iwasan na ko at higit sa lahat, baka hindi rin pala nya ko mahal.
Yeah, I might be on a friendzone or I'm already in it but who cares, I'm inlove.
"See you later." Sagot ko sa kanya at umalis na sa condo na tinutuluyan namin.
Sana, sana lang talaga, sya na yung the one ko. Lahat kasi ng katangian na gusto ko sa lalaki nakita ko na sa kanya. Wala na kong hahanapin pang iba. Isa pa, we're good friends, marami na kong mga kakilala na nagsimula ang kanilang lovestory sa friendship muna, then nagka-developan at nagkatuluyan.
Kinilig ako sa thought na yun at napangiti at muli nagdasal ng tahimik na sana, sana talaga sya ang aking the one.
...
Colin's POV
" So Colin," sabi ni Perrie, wait Pearl yata ang pangalan nya, oo Pearl, " where do want to go after this? Your place? Or mine? " she asked at hinawakan ang kamay ko, at tumitig sa akin. Seriously? Ganitong klasing tanong na naman?
Bakit lahat nalang ng mga isine-set-up na date ni Mommy sakin ganito?
This is just a dinner date pero kung makadikit sya sa akin kala mo pagaari nya ko.
Okay, let's end this night already.
"Alright, let's go to your place then." I said at umalis na kami ng restaurant kahit hindi pa naubos ang kinakain namin. Sayang naman ang binayaran ko.
Oo pupunta kami sa "place" nya pero yun ay dahil sa ihahatid ko na sya. At hanggang dun nalang yun.
Pagkauwi ko, nagpalit na ko ng damit at kumuha ng isang bote ng beer at pagkatapos ay tumayo sa balcony ng unit ko at pinagmasdan lang ang syudad.
"Another failed date tonight." Sabi ko sa sarili ko at napailing ako.
Tama na sa mga blind dates, I know she's just out there, waiting for me too... at kapag nakita na kita aking the one, hindi na kita pakakawalan pa.
...
BINABASA MO ANG
The One For Me
RomanceNicole POV I found him, the love of my life, I'd like to believe that he's the one for me, but the question is does he love me too? Colin POV I found her, the love of my life, the one... yes; she's the one for me.