Chapter 11

24 2 5
                                    

Chapter 11

Nicole's POV

Gising na ko pero hindi pa rin ako bumabangon. Tinatamad pa ko. Sinilip ko ang wall clock sa room namin at nakita kong 6 palang, 8:30 pa pasok ko, pwede naman na 6:30 na ko bumangon kaya umidlip pa ko. Nagtalukbong ako sa kumot ko at bumalik sa pagtulog.

"30 minutes." Bulong ko sa sarili ko.

Tapos na siguro ang 30 minutes, si Charms na ang nanggising sa akin.

"Andito ka pa pala," sabi nya habang nagbibihis, then she ask me. "Hindi kana papasok?"

"Papasok." Tamad kong sagot, habang nagsstretching ng nakahiga.

"Oras na eh." Sabay kaming tumingin sa wall clock.

"Oh no!"

Dali dali akong bumangon, hindi ko na naayos higaan ko, kinuha ko agad ang towel at dumiretso na sa bathroom namin.

"Napuyat ka yata ngayon? Guminik ka?" Dinig ko pang sabi ni Charms. Hindi ko na sya sinagot at binilisan ang pag-ligo.

Lecheng, Colin yan, hindi ako agad pinatulog. Suntukin ko kaya sya?

Grabe, first time kong ma-late pero hindi, kaya pa to. May 15 minutes pa ko.  Five minutes sa pagaayos, I'll skip breakfast, eight minute walk to office, okay may two minutes pa. Kaya mo yan Nicole!

Pagtapos maligo, nagbihis na ko agad, isang black dress ang kinuha ko at hindi na nagdalawang isip kung anong klasing dress basta alam ko, okay sya pang-office. I really have to go. Ayokong ma-late, I have never been late at work.

Nagsuklay nalang ako then kumuha ng white blazer dahil dun ko lang napansin na sleeveless pala tong nasuot ko. Wala pa naman sigurong five minutes yun dba?

I have no time to change.

Nagsuot na din ako ng stilettos shoes, kinuha ang bag ko at umalis na. Narinig ko pang may sinasabi si Charms pero wala na kong oras. Sa office na rin ako magmmake up pag may oras na talaga.

Kulang nalang tumakbo ako kahit naka heels. Kada minuto din ang pag-check ko sa oras. Dahil sa mabilis akong naglakad, in six minutes nakarating din ako sa office. Pag dating sa lobby, hinihingal pa ko.

Wow. That was close.

Habang naghihintay sa elevator, nagkita kami ni Mikee na may dala dalang coffee.

"Hey Nicole, you're almost late ah." She said.

"Almost, pero hindi pa naman dba." Sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

"Buti sinuot mo yan today? Huling suot mo dyan last year pa diba, sa haloween party natin." Sabi nya habang papasok sa elevator. Pagpasok, dun ko palang napagtanto ang kabuuan ng suot ko. Tama si Mikee, sinuot ko to sa haloween party namin. Hala, medyo sexy ang nasuot ko, mababa ang neckline at fit sa katawan ko. Sa una, natuwa pa ko dahil ang naisip ko ang sexy kong tignan pero balik reality agad dahil pasara na sana ang pinto, bumukas ito at si Colin ang pumasok.


Haist, I have to act cool, as if nothing happened last night. It was just a kiss.


Binati nya kami at bumati rin kami sa kanya, agad naman akong humarap kay Mikee. Pinindot naman nya ang 18th floor kung saan ang opisina namin nila Ma'am Grace.


"Hindi pa ko late okay?" Sabi ko kay Mikee, "isang coffee lang nabili mo? Penge ako." Dagdag ko.


"Ayoko nga, alam mo naman na coffee lover ako, sana nagtxt ka sakin kanina." Sagot nya sabay inom sa kape nya. Sungit neto.

The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon