Chapter 14

12 0 0
                                    

Chapter 14

Colin's POV

Habang sinusuri ko ang sugat sa noo ni Nicole, kita ko sa mukha nya ang pagalala then she left me. Nagpunta sya sa tapat ng pinto at kinatok ito.

"Earvin?" She said.

"Nicole stop it, hayaan mo muna sya." Sabi ng babae.

I guess mga kaibigan nya ang mga ito, at couple ung Earvin at ang babaeng nagbasag kanina.

"Baka anong gawin sa loob ni Earvin." Pagaalalang sabi ni Nicole habang nakatingin sa babae, napailing naman ito, kinatok muli ni Nicole ang pinto. "Earvin, buksan mo to, talk to me." She said.

Humarap sakin ang babae and she said "I'm sorry..." -Loisa

"Colin, I'm Colin." Nilahad ko ang kamay ko at nagpakilala.

"I'm really sorry Colin." Sabi ulit nya at nakipag kamay din sakin.

"It's okay." Tipid kong sagot.

"Nicole tumigil ka na hayaan mo muna siya. Kailangan nilang magpalamig muna ng ulo." -Loisa.

"May ginawa ba si Annica? Bakit parang ang sama ng loob ni Earvin? Kilala ko si Earvin, kung may ginawa man sya, sya ang hihingi ng tawad pero bakit sa nakita ko si Annica ang may kagagawan nito sya pa ang galit?" -Nicole.

"Wow Nicole, galing mo ah, galing mong mag conclude. Infairness tama ka." Sagot ni Loisa at umalis muna.

"Earvin?" Sabi ulit ni Nicole.

Kung titignan, parang nakalimutan na nya ko. Halatang halata ang pagaalala nya sa lalaki. He must be her best friend or something like that or maybe even more. Napaisip ako dahil alam ko ang ganung klasing tingin at pagaalala sa isang tao. Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit sya, pabulong lang pero narinig ko.

"Earvin, andito lang ako, lagi... Para sayo." Halos hnd na nya sabhn ang huling salita pero narinig ko pa rin. Isinandal nya ang noo nya sa pinto pero nasaktan sya dahil sa sugat at lumapit na ko sa kanya.

"Hindi pa nagagamot ng maayos ang sugat mo, upo ka muna." I said.

"Here." Pag abot ni Loisa ng medical kit samin. Pagkatapos winalis ang mga nabasag na plato.

Habang ginagamot ko na ito, nakatingin lang sya sa pinto at parang naiiyak na.

"You okay?" I still asked.

"He's not okay." She said at tumingin sakin.

Napayuko naman ako, ibang pagaalala itong nararamdaman ni Nicole kay Earvin, ramdam ko. Tinapos ko ng lagyan ng bulak at band aid ang sugat nya at nagpaalam na. Loisa apologized again sa nangyari.

While driving pauwi iniisip ko si Nicole. She was single for a very long time, no suitors, no lovelife, maybe because she's already in love kaya hindi sya nag-e-entertain ng suitors. Tama nga kaya ang assumptions ko? She's inlove with that Earvin? Or baka naging sila?

Napabuntong hininga ako.

If I'm going to court her will she accept?

Thinking about my assumption makes me sad. Yung taong gusto mo, may gustong iba. Ngayon na sana ang pagkakataon na magseseryoso na ko, sasablay pa yata. Ito na yata ang karma ko.

Pagdating sa bahay, I took a quick shower and natulog na.

This was such a long day.

The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon