Chapter 4

11 1 0
                                    



Nicole's POV

"Akala mo ba hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga pinag-gagawa mo ha Nicole?" Tanong sa akin ni Loisa pagkatapos ay kumagat sa hawak nyang apple.

Wala pa ang tatlong lalaki sa bahay kaya eto na naman, girl talk. Baka na-OT ung tatlo sa trabaho.

Ako nakaharap sa laptop ko at gumagawa ng trabaho para bukas, at ung dalawa eto kumakain ng prutas.

"Chef Loisa, akala ko ampalaya yang kinakain mo, umiiral na naman pagiging bitter mo." - Charms


"Hmm." Nilunok muna ni Loisa ang kinakain nya at nagsalita, "wala pa talaga kong sinasabi nyan ah, pero oo dun papunta, magpapaka bitter na naman ako, magpapaka bitter talaga ko hanggang sa matauhan ka Nicole."

Lumapit si Loisa sa akin at pinatay ang laptop ko.

Aalma sana ako pero binigay naman nya ang phone nya sa kin at naka open ito sa Instagram account nya, nagpost si Leo with a caption, "Biglaang dinner. Thanks to these soon to be couple. Ehem. So sweet, naiinggit tuloy ako. Tayo nalang dalawa Mark?" Tapos may comment naman si Mark, "gago!" 

Nang tinignan kong maigi ang picture, magkatabi si Leo at Mark sa kabila naman ay si Earvin at isang babae.

Sya na ba ung nililigawan nya?

Malamang, soon to be couple nga diba sabi sa caption.

"Nicole?" Napaharap ako kay Charms na katabi na ngayon ni Loisa.

"Tara inom tayo, matagal tagal na rin nating hindi ginagawa yun." Yaya ni Charms.

"Nice Charms, sa wakas na gets mo din ako.Mag boys hunting din tayo para sa kaibigan natin." -Loisa.

Napabuntong hininga ako.

"Kung ano man ang balak nyo, hindi ako sasama, magttrabaho nalang ako." Magpapakalunod nalang ako sa trabaho.

"Ang boring. Tara na Nicole, inom tayo." Hinila ako ni Charms papasok sa kwarto. Pagpasok hindi ako kumikilos, ang ginawa ng gaga, sya ang kumuha ng susuotin ko at inihagis sa pagmumukha ko.

"Thanks ah, so sweet, hinampas pa sa mukha ko." Pumasok naman si Loisa at kumuha din ng isusuot.

"Let's do this." -Loisa.

"Seriously?" I asked

"Yeah, seriously." -Charms

"Charms, akala ko ba fan ka namin, supporter kita diba? Ito kasing si Loisa sumuko na eh." Sabi ko at nag pout ako kay Charms. Wala nang fan sa "lovestory" namin at nakakalungkot.

"Eh kasi Nicole, tignan mo naman ung photo, they're dating already, getting to know each other stage. Look at him, he's happy, tapos eto ka patuloy na naghihintay na mapansin nya, pero kasi..."

"Oo na, tara na okay. Dami pang satsat, dahil ikaw nag aya ikaw manlibre." Sabi ko sa kanya.

"Okay." Sabi naman ni Charms na ikinagulat namin. Ito kasing babaeng to kuripot.

"Uwow friend, galante tayo ngayon ah. Nako Nicole bilisan mo na baka magbago pa ang isip." -Loisa

"Naku oo nga." -ako

"Huh! Bilisan nyo talaga dahil magbabago talaga ang isip ko." -Charms

Nag-iwan nalang kami ng note sa bahay na nag girls night out kami.

Pagkatapos ay umalis na kami agad.

...

"Okay girls. Andito na tayo. Tonight, let's forget about guys, especially you Nicole, forget about Earvin okay? Let's go!" Sabi ni Charms.

The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon