Chapter 10

22 1 5
                                    



Nicole's POV


Pagdating sa restaurant nakita ko agad si Ma'am Grace na may kausap na babae. Nilapitan ko sila at bumati. Sabi pa ni Ma'am Grace mabuti daw at nagbago ang isip ko. Ang sabi ko nalang, maaga pa para umuwi.


"Makikipag date nalang po ako sa trabaho Ms. Grace." Dagdag ko, natawa naman sya. At pagkatapos nagsalita;


"Nicole, wag lang puro work ha, matutulad ka sakin, ikaw din Ms. Lucy," humarap sya sa babae- sya ang photographer para sa 50th wedding anniversary ng parents nila Ma'am Grace. " I heard na puro ka din daw trabaho. Aba, sayang ang inyong mga kagandahan." Dagdag nya.


Napatingin ako kay Ms. Lucy na napangiti sa sinabi ni Ma'am.

"Well, Ms. Grace, if that's what God wants me to be, to be single forever. I would accept. Sa edad ko din kasi kailangan tanggapin ng maaga ang mga ganoong klasing possibilities."

"Edad? Hindi ba tayo magkasing edad lang?" I suddenly asked. Mukha naman kasing bata pa si Ms. Lucy.


"I'm on my thirties and wala na sa kalendaryo ang edad ko. That's why. But it's okay I mean, kung ano man ang will ni God, doon ako." She said with her genuine smile.



Wow, si Ms. Lucy hinayaan lang ang mga bagay sa paligid nya, it's not much of a big deal if she's single or not. She accepted kung ano man ang mga nangyayari. Samantalang ako, napaka big deal sakin na may ibang mahal ang taong mahal ko wherein wala naman akong karapatan talaga sa kanya dahil kaibigan lang ako sa simula palang.


Dapat pala pinaghandaan ko na to. Bakit kasi nabulag ako masyado sa love love. But its too late, I have to accept this, sabagay, wala na rin naman akong choice.


Bigla naman akong napaisip, habang naguusap silang dalawa.


"Ano kaya ang will ni God para sakin?"
Sabi ng isip ko.


Napapatingin ako sa paligid ko, may mga business meeting din sa ibang table, may family, couple at magkakaibigan. Parang nakita ko naman ang isang familiar sakin, kamukha sya ni Colin, pero hindi ko alam kung sya nga dahil may humarang na server.


Bumalik ang tingin ko sa couple, naalala ko si Earvin at Annica. They're happy and they should be. And I should be happy for them too, after all wala akong karapatan kay Earvin.


Di bale, unti-unti makakalimutan ko din to.

Friendzone is indeed a dangerous place.

Isang lugar na dinaanan na at kailangan ng lagpasan.



After they have discussed about the wedding anniversary, binigyan ako ng mga instructions ni Ma'am Grace tungkol sa trabaho pa din dahil sya ang magging punong abala sa okasyon ng kanilang magulang. Then eto, nagdi-dinner na kami.


Tignan mo nga naman talaga si Ma'am Grace, kakasabi nya wag daw kami puro work pero heto ang binibigay nya.


Baka nga matulad na kami sa kanya, pero wait lang. Single forever? Naku eh hindi ata matatanggap ng magulang ko to. Ngayon pa nga lang eh nagtatanong na kung kelan daw sila magkaka apo samantanlang boyfriend nga wala. Tinawagan pa ko kanina habang nasa office para lang itanong yun.


Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga lalaking sumubok na ligawan ako. Dahil sa unrequited love ko kay Earvin, hindi ko na nagawang i-consider ang ibang taong sumubok na maging parte ng buhay ko. For five years, si Earvin lang ang laman ng puso at isipan ko.


At ngayon, inuulit ko sa utak ko na walang patutunguhan ang feelings ko para sa kanya.


Again, Nicole, tama na. May girlfriend na yung tao. Try mong ilagay ang sitwasyon mo sa sitwasyon ni Annica. Ikaw kaibigan ka lang, girlfriend si Annica, walang kasalanan si Annica, wala ring kasalanan si Earvin. Ikaw lang talagang tong nagmahal ng mag-isa.

Stop na.

Smile na Nicole, oki?  

Okay.

...

Paglabas ng restaurant, nakita ni Ma'am Grace si Colin.


So confirmed nga, si Colin nga yon kasama ang mga kaibigan nya.


Lumapit sa amin si Colin at nagbigay galang sa kanyang Auntie. Binati nya rin ako. Ngiti lang ang response ko.


Nagpaalam naman sa amin si Ms. Lucy at pumasok muli sa restaurant. Kaibigan pala nya ang may ari nito na si Chef Park.

"What are you doing here? May ka date ka na ba ngayon Colin?" Tanong ni Ma'am Grace na curious na curious.


"Nag dinner lang po kami ng mga kaibigan ko and Peter announced that his engaged." Magalang na sagot niya.

Wow lang, sa tikas ng pangangatawan nya para syang good boy sumagot samantalang mukha naman talaga syang play boy.


"Really? Wow. Congratulations to them. Anyway, I'll go ahead na. Magiingat kayo okay? Nicole, Colin." Nagsimula na syang maglakad papunta sa parking nang humarap uli sya sa direksyon namin.

"Colin, magpunta ka sa office ko bukas for the final plan, pupunta rin ang photographer at event organizers okay? Bye." Sabi nya at pumasok na sya sa kotse nya.

"Auntie talaga puro work. Ikaw din Ms. Medelin, may balak ka na bang sundin ang yapak ng Auntie ko?" He asked.

Humarap ako sa kanya at sumagot.

"If that's what God wants me to be? I will accept, hindi naman masamang maging career woman diba?" Sagot ko with confidence pero deep inside naalala ko na naman ang mga magulang kong excited na magka-apo.


"Really?" He said with disappointment. Anong problema ng isang to? I mean, ano naman sa kanya kung maging katulad ako ng Auntie nya na tumandang dalaga.

"Yes. Mr. Pressman, by the way. Sinabi mo na ba sa kapatid mo ang nangyari before sa anak nya?" I suddenly asked.


Napabuntong hininga sya at sumagot.


"Yes, I confessed it and nagalit sya. Pero napatawad na nya ko, and syempre I'll make sure na hindi na yun mauulit talaga." He said.


"Good then. Mauuna na din ako. Bye." Paalam ko at naglakad na palayo sa kanya.


Nakalimang hakbang na ata ako nang may biglang humila sa left wrist ko, nagulat ako at dali daling napaharap sa taong ngayon ay mahigpit na ang hawak.


Pagharap ko, nilagay nya ang kamay ko sa batok nya. Ang isang kamay naman nya ay yumakap sa beywang ko, hinila ako papalapit sa kanya and in an instant, nakayap na ko sa kanya.



Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang yakap nya sakin, then nagsalita na ko.


"Colin? What are you doing? Para san to?"

Hindi nya ko sinagot.


Pero ang ginawa nya, bumitaw na sya sa pagkakayakap sa akin at ang sumunod na nangyari ang dahilan kung bakit hindi ako agad makatulog.

Nakahiga na ko ngayon sa kama ko at nakatitig sa kisame. I suddenly bite my lower lip. Napapaisip ako, why on earth? Why?

Why did he kissed me on my lips?

He likes me?


Or baka trip nya lang?


Nako, kung pagttripan nya ako. Tigilan nya ko! Iba nalang!

But damn, nung nakayap ako sa kanya, ang bango nya. And he's lips, bakit ramdam ko pa rin sila hanggang ngayon?


Napahawak ako sa labi ko at napapikit hanggang sa finally, nakaramdam na ko ng antok.


And the last thought that came into my mind before finally falling asleep is him.


Colin Pressman.

The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon