Chapter 6
Colin's POV
"Kuya, eto ung mga gatas nya okay, tapos ung diaper nya nandito sa kabila. Tawagan mo ko agad kapag may emergency okay? Meron din ditong towel baka pagpawisan sya then..."
"Cassie, alam ko na, kagabi mo pa binilin sa kin yan. Ang kailangan mong gawin is to focus on your exam okay? You can do it." Pinutol ko ang mga bilin nyang paulit-ulit at nagpark na ang kotse sa tapat ng University kung saan mag-e- enrol si Cassie. Desidido syang mag aral at makapasok sa scholarship program kaya naman ittake nya ang special examinations para sa mga scholar.
Huminga sya ng malalim.
"Okay kuya, this is it. Pakiss nga muna sa anak ko, goodluck kiss Mommy. Mmmmwah.Bye kuya." Bumaba na sya ng kotse at nag wave sa amin habang papaalis na kami.
"Manong Bert, tara sa mall. Ipapasyal ko muna sya." Sabi ko sa driver namin at sumunod naman sya.
"Let's have some fun huh? Little guy."
Sabi ko at hinalikan ko sya sa matataba nyang pisngi.
Pagdating sa mall, feel na feel ko ang pagtulak sa stroller nya. Bit bit ko din ang back pack na naglalaman ng mga gamit nya. Napapansin ko din na tinitignan ako ng mga nakakasalubong naming babae.
Oh well, I don't care. I'm enjoying this.
Dumiretso kami sa kids section ng mall para ibili sya ng bagong damit. At habang namimili ako, naglilikot sya sa stroller nya kaya naisip ko na kargahin sya, pero nahirapan naman akong mamili ng damit kaya ibinaba ko sya. Palingon lingon ako sa direksyon nya habang namimili ng damit. Medyo nalalayo na sya sa paningin ko kaya binitawan ko ang mga damit at pinuntahan sya, binuhat ko sya ulit at dinala sa kung saan ako namimili ng damit nya. Pero ang kulit nya dahil palakad lakad ang maliit na bata.
"Lucas, come on. Stay here please, ayaw mo ba ng bagong damit?" I said as if naiintindihan nya ko.
But then, i was kind a surprise dahil nagstay naman sya sa kinatatayuan nya.
Bigla namang may tumawag sa akin. It's Cassie.
"Kuya, how are you doing? Nasan kayo?" She asked
"Nasa mall kami, ipamimili ko sya ng damit." Tinignan ko ulit ang sa tingin ko ay babagay na damit sa kanya.
"How sweet, bantayan mo sya kuya ah. Kapag nasa mall yan napaka sipag nyang maglakad ang dami kasing nakikitang bagay kaya ang active nya. Sige na, magsisimula na ang exam ko. Wish me luck kuya."
"Alright, goodluck baby sis. Bye"
Pagbaba ko ng phone, wala na sa kinatatayuan nya kanina si Lucas, tinignan ko ang paligid ko pero wala sya.
Oh no.
No no no.
"Lucas?" Sabi ko at medyo kalmado pa ko. Naglalakad lakad na din ako pero hindi ko pa rin sya makita.
"Lucas?" Medyo lumalakas na ang boses ko.
Oh sh*t!
"Lucas?!"
Medyo napapalayo na ko kung saan kami nakatayo kanina ni Lucas pero hindi ko pa rin sya mahanap at nagsisimula na kong kabahan. Mapapatay ako ng kapatid ko neto. Nasapo ko ang noo ko sa kakaisip kung saan sya nagpunta.
How could I lost him? Kausap ko lang saglit si Cassie pagkatapos ay nawala na sya.
"Sh*t" bulong ko.

BINABASA MO ANG
The One For Me
RomansaNicole POV I found him, the love of my life, I'd like to believe that he's the one for me, but the question is does he love me too? Colin POV I found her, the love of my life, the one... yes; she's the one for me.