Chapter 16

13 1 2
                                    


Nicole's POV

The much anticipated event for Pressman clan has come. The golden wedding anniversary ng lolo at lola ni Colin. Hindi na ko masyadong busy kaya nagrelax lang ako ng konti dahil ang totoong event coordinator na ang bahala. Maayos naman akong nakipag coordinate sa kanya during preparations kaya for sure naging magaan na din ang trabaho nya.
Isa pa, ang boss ko na din ang nagsabi na relax na daw muna ako.


Busy ang lahat sa pagkuha ng selfie at groufie sa venue ng kasal. Ako naman nandito sa dulo at nakatingin sa altar at tahimik na nanalangin.

Lord, sana naman po ibigay nyo na sakin ang taong para sakin. Tanggap ko naman po na hindi pala si Earvin para sakin. Lord sana po ipakilala nyo na sya sakin. Gusto ko na syang makilala, please?

So ayon, oo na hindi ko na iniisip si Earvin katulad dati. Masaya na sila ni Annica. At kung si Earvin ay may Annica, meron din naman siguro para sakin diba?

Habang nagmumuni muni ako, umagaw ng pansin sakin ang staff na nagaayos ng bulaklak. Nagsipaglaglagan kasi ang mga bitbit nya kaya naman nilapitan ko na ito.

"Tulungan na kita, san ko ilalagay ito?" Tanong ko sa kanya.

"Salamat po Ma'am, doon po sa may baba ng altar sa gitna." Tinuro nya ito at nginitian ko sya pagkatapos nagtungo na ko papunta sa altar.


Binitbit ko ito na parang bouquet at nakatingin sa Altar. At para akong ewan dahil naglakad ako ng mabagal na parang ako ung bride. Yumuko ako at tumingin sa paligid, at nakita ko na busy sila. Pagbalik ng tingin ko sa altar, nakatayo si Colin na nakatingin din sa altar at pagkatapos ng ilang segundo, tumingin na sya sa direksyon ko na may ngiti sa kanyang mukha. Parang sya ung groom ko na naghihintay sakin. Nagkatitigan kami, ako litung-lito sya naman ngiting ngiti. Pagdating ko sa altar humarap ako sa kanya, at ngumiti na. Napaka-gwapo nya ngayon suot ang black tuxedo nya.

"Napaka ganda mo talaga." He said.

"You look good too." I said with a smile.


Napahigpit ang hawak ko sa dala ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko at napagtanto ko ang totoong pakay ko sa altar. Umiwas na ko ng tingin sa kanya at nilagay ang bulaklak sa dapat nitong kalalagyan.


"You will be a beautiful bride someday." He said.

"If I'm going to be one." Sagot ko.

"Still thinking to be like my Aunt Grace?" He ask, naalala pala nya yun.


"I don't know, if I'm going to have the one for me then, there's no need for that." I said. Hindi na sya nagsalita. Hanggang sa tawagin na sya ng event coordinator para bigyan sya ng instructions dahil syempre part sya ng entourage.

Grabe ang gwapo nya at ang bango nya kanina. Parang ang sarap yakapin.

Hala Nicole, kalma.

Napatingin ako sa altar.

Lord? Sya na ba? I asked at napangiti ako.

Siguro nga kung may pagka-playboy sya dati pa yun at pwedeng nagbago na nga sya.

...


Natapos na ang seremonya at nakakatuwa talagang makita si Mr. & Mrs. Pressman. Kahit matanda na sila yung ngiti nila ramdam na ramdam mo na masaya sila at umabot sila sa ganitong punto ng buhay nila.

May forever sila. Nakakatuwa. Sabi ng isip ko.


Masaya ang angkan nila dahil nakumpleto sila dito. Nariyan ang iba pang kamag anak nila na galing pa ng ibang bansa, at ilang mga malapit na kaibigan.


The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon