Chapter 3

18 1 2
                                    



Nicole's POV

Pagkauwi namin pagkatapos ng dinner ay nagkulong na ko sa kwarto, akala nila may sakit ako pero nagdahilan nalang ako na may gagawin akong trabaho. Pero ang totoo may sakit talaga ako, dahil masakit ang damdamin ko.

May eeksena na naman sa "lovestory" namin. Sino naman kaya ang babaeng to? San nya nakilala? Mas maganda ba sya sakin?

Napabuntong hininga ako sa mga tanong na naisip ko.

It's been five years nang magkakilala kami. Pati friendship naming anim, limang taon na, pati feelings ko para sa kanya.

I actually tried to confess my feelings but I'm afraid to take the risk.

Pero kung hindi ko maamin ang feelings ko through words, try ko kayang ipadama sa kanya. I mean, bukod sa palaging nandyan ako para sa kanya, lalo na sa tuwing down sya, mas lalo ko pang ipapadama na nandito lang ako para sa kanya sa kahit na anong sitwasyon.


Tama, ganun na lang. May pag-asa pa ko.

...

Kinabukasan, maaga akong nagising para makapaghanda na ng breakfast. At sakto dahil nang matapos ako ay lumabas na sya sa room nila.


"Good morning Earvin. Kain na." Sabi ko with again, my brightest smile.

"Good morning. Wow, ang dami ng breakfast na hinanda mo ah."


"Ah oo, dinagdagan ko na para sa ating lahat na." Let's take it slow Nicole, baka makahalata sya the moves mo. Sabi ko sa isip ko.

"Wow."

"Kain na tayo." Niyaya ko sya at sinabayan naman ako. Nakakatuwa, hindi sya tumanggi.

Nagusap lang kami ng tungkol sa work hanggang sa natapos kaming kumain. Dumating naman si Mark.

"Goodmorning guys." Bati nya sa amin.

"Good morning dude, kain kana." -Earvin

"Di na, sa office na." Lumapit sya sa mesa at kinuha ang packed dried fruits na hinanda ko para kay Earvin.

"Hindi yan sayo, kay Earvin yan." Inagaw ko ito sa kanya.

"Eh asan ung akin?" Tanong ni Mark.

"Wala, ubos na, magdadala rin ako eh." -Ako

"Andaya naman, bakit si Earvin merong snacks nakakain na din ng breakfast. Ako wala na?" -Mark

"Late ka na rin ng gising eh." Paglusot ko.

"May favoritism ka na ba ngayon ha Nicole?" - Mark.

"Wala ah, ayan oh meron pa namang natira na breakfast ah, anu anong pinagsasabi mo dyan. Di ka nalang magpasalamat." Pagpapalusot ko ulit. Bakit agad naisip ni Mark yun? Hala, wag naman muna ako agad mabisto, marami pa kong gagawin eh...

"Oh, ang aga aga nagaaway kayo?" Sabi ni Loisa na kalalabas lang ng room namin.

"Hindi kami nagaaway, maliligo na ko tutal ako unang nagising." Sabi ko at tumakbo na ko sa banyo naming mga girls. Bahala na sila sa breakfast nila, basta ang importante nakasama ko ulit sya at kaming dalawa lang kanina.

...

Sa mga sumunod na araw, ganun ulit ang ginawa ko. Pero may pagkakataon na nakakasabay na namin sila Mark at Leo, kaya naman dinadagdagan ko na din ang mga snacks. Minsan dried, minsan fresh fruits ang inihahanda ko. Ayokong mahalata nila, dahil gusto ko ako na mismo ang aamin sa nararamdaman ko. And this time, magiging buo na ang desisyon ko at magiging matapang ako, haharapin ko na ito and I will take the risk.

The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon