Nicole' POVNagising ako sa boses ni Colin na parang may kausap, pagmulat ko sa mata ko, nagulat ako kaya pinikit ko ulit ang mata ko.
My goodness, si Colin naka towel lang sa room ko. Though nakatalikod sya still kita ko ang topless nyang likuran, at feeling ko kakatapos nya lang maligo.
Bigla naman akong nagtaka, naligo talaga sya dito bakit hindi sa room nya? Hindi makapag hintay?
"Please deliver it to room 908, okay? Thanks." Dinig ko sabi nya, ano naman kaya yun?
Pagkababa nya sa telephone, naramdaman kong gumalaw ang kama ko. Omg. Feeling ko humiga sya, naamoy ko pa ang shampoo sa buhok nya.
Then nagsalita sya, "That was the very first time na nakatulog ako sa sofa ng nakaupo. Ang sakit ng batok ko."
Hala, bigla tuloy akong na-guilty, akala ko komportable sya dun pero ayoko naman kasi syang makatabi. Ano to? Pelikula? Paggising magkayakap na kami? Nako ha.
Then nagsalita ulit sya, "Sa pelikula, kahit strangers nagkakasama sa iisang kama, then paggising, magkayakap na. Again, it seems that my life is not a movie."
Again? What does he mean by that?
Bigla ko naman naramdaman na lumapit sya sakin, at tinapatan ang mukha ko.
"I could get use to this view every morning." He said at tinapat ang ilong nya sa ilong ko. Then he kissed my forehead pagkatapos tumunog ang doorbell ng room at bumangon sya.
Hala, bumilis yung tibok ng puso ko, para san yung gestures na yun?
Ano ba yan Colin, anu ano pinag gagawa mo sakin?
Pero ang sweet lang, kiss on my forehead. Never had that before, sabagay, kahit naman ung halik nya sa labi ko first yun sakin.
"Thank you." He said at narinig kong sinarado na ang pinto.
"See you later babe." Pagkatapos ramdam kong inayos nya ang kumot at buhok ko na tinatakpan ang mukha ko.
Okay, sunud sunod na to ha. Ano ba tong pinaggagawa nya sakin? Pero wag pa rin natin bigyan ng meaning okay?
Kiss on the lips walang meaning?
Oo, wala!
...
Nasa boarding gate na kami dito sa airport, naghihintay nalang ng boarding time sa flight namin pabalik ng Manila. Habang inaayos ko ang check list sa schedule ng buong event, bigla akong kinausap ng mga staff ni Colin, katabi ko lang din naman sila.
"Ms. Nicole, how was your night last night?" Maintrigang tanong ni Sally, ang production assistant. Bigla naman akong nagtaka at hindi ko rin nasagot ang tanong nya. "Nakita kasi namin kaninang umaga na lumabas ng room nyo si Direk." Dagdag nya.
"Aaah. Oh, it's not what you think guys." Sagot ko.
"Well Ms. Nicole, we won't judge. I mean, hindi na bago samin yung ganong eksena kay Direk. Minsan nga kahit mga artista pa yan eh. You know." Komento ni Karen, isa din sa production assistant.
Nako, grabe sila mag-isip. Pero kasi naman, kahit sino talaga yun ang iisipin, nanggaling sa room mo lalaki...
"Pero nagbago na si Direk magmula nung mabuntis ang kapatid nya, hindi nyo ba napansin? Kung sakali na si Ms. Nicole ang bago nya, he must be serious this time. At ngayon lang ulit ito diba?" Sabi ni Lea, assistant director.
BINABASA MO ANG
The One For Me
RomanceNicole POV I found him, the love of my life, I'd like to believe that he's the one for me, but the question is does he love me too? Colin POV I found her, the love of my life, the one... yes; she's the one for me.