Chapter 9

13 1 2
                                    


Nicole's POV

Nagising ako ng maaga pero hindi ako bumangon, nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto namin.

Totoo ba talaga ung nangyari kagabi?

Nasabi ko na lahat ng nararamdaman ko kay Earvin? Yun na yon?


Oo, yun na yon Nicole. Kaya bumangon kana. Umayos ka. Mag move on kana.
Sabi ng kabilang isip ko.

Bigla naman nagsalubong ang kilay ko sa huling naisip ko.

Move on?

Hala, eh hindi naman naging kami.

Bumuntong hininga ako.

Kahit hindi naging kami. Ang sakit pa rin talaga.

Ang sakit sakit.

Love love... Pwe!

Friendzone... Pwe!

Makapag- trabaho na nga lang. At least Yayaman pa ko.

Tama ganun na lang. I'm gonna work my ass off.

Bumangon ako at dumiretso sa cr para maka-ligo. Then nag ayos na ko, pagkatapos, lumabas na ko ng room namin. Nagulat ako nang may isang hindi familiar na babae na nagluluto sa kusina.

Sino to?

May babae bang dinala si Leo dito? Sana man lang ininform kami.

Naramdaman nya siguro na may nakatingin sa kanya kaya humarap sya sakin. Medyo nanlaki ang mga mata ko at tignan mo nga naman. Ano? Dito na rin ba sya nakatira?

"Good morning. Nicole." Bati sa akin ni Annica na ngiting ngiti habang hawak ang sandok. "Masyado bang maaga? Gusto ko lang kasing i-surprise si Earvin." Bumalik ang tingin nya sa niluluto nya.

"How'd you get in?" I asked.

"Kinausap ko si Leo kagabi na kung pwede bigyan nya pa ko ng susi para kapag gusto kong surpresahin si Earvin dito makakapunta ako."

Amoy na amoy ang niluluto nya at nilapitan ko ito to confirm at hindi nga ako nagkamali. Fried rice with shrimp ang niluluto nya.

Naku. Sorry to disappoint you girl but...

"Ahmmm, that's for Earvin right?" Nagsalita ako at humarap sa kanya.

"Yes" she said cheerfully. "Dinagdagan ko din for you guys."


"He's allergic to shrimp." Sabi ko with confidence, aba sa tagal ba naman ng pagmamahal este pagkakaibigan namin, (oo na friendship lang talaga eh) marami talaga akong alam tungkol sa kanya.

She got confused, and she looked disappointed. Well, totoo naman.

Buti nga ikaw disappointed lang eh, eh ako, ang sakit kaya ng puso ko ngayon.

"I didn't know. Sayang naman" sabi nya.

"Earvin's favorite breakfast is the usual, eggs, fried rice and coffee. He's severely allergic to shrimps, at sa ibang sea food nadin. Conscious din sya sa lifestyle nya kaya ang ganda ng hubog nga katawan nya diba? Kaya minsan nagddiet sya sa gabi." I said without emotion.

"Wow, you really know him well." She said.

"Off course, we're friends." Sabi ko, at kumirot ang puso ko sa huling salitang sinabi ko. "I'll go ahead, and don't worry, hindi sayang, kay Leo at Mark palang kulang yan." at tinalikuran ko na sya. Kinuha ko ang gamit ko at umalis na, sa labas na lang ako kakain ng breakfast. Ayoko pang makita si Earvin, tapos andyan pa si Annica. Baka mamaya eh maistorbo ko morning moment nila, nakakahiya sa kanila.

The One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon