Colin's POV
"Cut!" Sigaw ko sa set, at nilapitan ko ang actors ko, wala kasi akong maramdamang emosyon, ano bang nangyayari sa kanila. They're well known actors and yet they give me this kind of performance. I know this is just a short film but this is for my lolo and lola. Isa pa, bayad naman sila dito. Pag hindi sila umayos kakausapin ko na manager nila.
"We've been doing this for the fifth time already, please, ayusin nyo na, the scene was actually simple, again Chris" humarap ako sa lalaking gumaganap sa young lolo ko. "I want to see the look of love that you already have for lola. This is not the first time that you made a romance themed movie right? Come on. Para matapos na tayo"
"Yes direk, sorry po." Sabi nya.
Two days lang ang shooting na to dito sa Ilocos, at malapit na kaming matapos.
"Let's do this again." I said with authority. Bumalik ako sa pwesto ko.
"Action."
At sa wakas ginawa na nila ang dapat gawin. Importante ang mga eksenang ito dahil dito lahat nagsimula. Kahit ako sa totoo lang kinikilig kapag iniisip ko ang story ng lolo at lola ko. Kaya naman gusto kong maayos ang kalabasan ng short film na to.
Medyo stress lang ng konti dahil medyo maikli lang ang time na meron kami. At may mga kukunan pa kaming eksena sa Manila.
Pero nawawala ang stress ko kapag nakikita ko si Nicole. That day when we had a buffet lunch, I was about to ask her out pero okay na rin pala dahil kasama sya sa team ng event na to. I'm able to be with her.
Satisfied na ko sa napapanuod kong eksena na ginagawa ng mga actors ko at ng matapos sila...
"Cut. Good job guys, let's pack up. Then, pwede na kayong mag relax for a while, dahil tomorrow babalik na tayo ng Manila." Sabi ko sa production. Pinanuod ko naman ang huling eksena.
Habang nanunuod, naramdaman kong tumabi na naman sya sakin. Napangiti ako, ang cute nya, she's very curious about this stuff. Magmula nang magstart kami, ganito na ang ginagawa nya, after ng mga eksenang nakunan, tumatabi na sya sakin para manuod.
"What do you think?" I asked. At nagkatinginan kami habang sya nakangiti, and that was a genuine smile. Wow. She's very beautiful.
"Ang galing ng actors, kinilikilig talaga ako." Sabi nya.
"Actors lang? Hindi naman ganyan ang kalalabasan if it weren't for me, the director." Pagmamayabang ko.
"Yeah right." Sabi nya.
"May gagawin kaba tonight?" I asked na hindi na nagdalawang isip.
"Well, niyaya kasi ako ng staffs mo sa bar mamaya sa katabi ng hotel na tinutuluyan natin, bakit?"
"At bakit ako hindi ako niyaya?" I asked with confusion. Nakakatampo naman tong mga staffs ko.
"Ha? Hindi ba?" She said amusingly. At yung puso ko bumilis ang tibok, ang liwanag ng ngiti nya. Ang sarap nyang tignan. "Okay then, ako na magaaya sayo direk. Tonight at 9, be there okay? " She said at umalis na.
Wow, I have a date tonight, kailangan gwapo tayo. Pero sabagay, no need to exert too much effort, gwapo na ko since birth.
...
Hinintay ko si Nicole sa lobby ng hotel, at habang naghihintay, tinitignan ko ang mga pictures nya sa phone ko. I got these pictures from yesterday, kinunan ko sya ng hindi nya alam habang nagpapapicture sya sa Kalye Crisologo after ng shooting namin dun.
BINABASA MO ANG
The One For Me
RomanceNicole POV I found him, the love of my life, I'd like to believe that he's the one for me, but the question is does he love me too? Colin POV I found her, the love of my life, the one... yes; she's the one for me.