DFH nine: She's expecting

412 11 2
                                    


After malaman ni Brey that she's carrying the almighty Ryuu Aragon's child, nag decide syang wala munang maka alam lalong lalo na ang tatay ng dinadala nya.

Determinado syang hanggang kaya nyang itago ang pagbubuntis nya, itatago nya pero hindi nya pababayaan ang sarili nya.

Nag hanap sya ng OB Gyne clinic na medyo malayo sa lugar nila para safe kung magpapa check up sya, but seems like fate is not on her side.

Dahil after a week... pag dating nya sa bahay nila galing sa maternity clinic for her monthly pre natal  checkup, nadatnan nya ang mga magulang nya at kuya Ivan nya na nakaupo sa sala at mukang may iniintay.

"Aliyah Francesca Aubrey, umupo ka dito"
- Mr. Sarmiento

Nagulat si Brey sa pagtawag ng papa nya ng kanyang buong pangalan habang iminuestra na maupo sya sa ka harap na upuan, umupo naman sya kahit parang bigla syang nanlamig at kinabahan.

"B-bkit po papa?" - Brey

Pinilit nyang labanan ang kaba at nerbyos na nararamdaman nya.

"Wala kabang gustong sabihin samin Brey?"

- kuya Ivan

"P-po kuya?" - Brey

Kahit anong pigil nya na wag kabahan hindi din sya nagtagumpay. Hindi na nakatiis ang mama nya at nagsalita narin habang umiiyak.

"B-brey, anak b-bakit?, panu mo nagawa to samin, anak hindi naman kami nag kulang diba? Pano nangyari to Brey?"
- Mrs. Sarmiento

Umiiyak na tanong ni Misis Sarmiento kay Brey, hindi na din napigilan ng dalaga at napahagulgol narin sya, eto ang isang dahilan kung bakit ayaw nyang ipa alam sa pamilya nya, ayaw ng dalaga na makitang nasasaktan ang mga magulang nya.

"M-mama, p-papa, sorry po.. Kasalanan ko po, naging irresponsable ako. Kaya nangyari saken to." - Brey

"Sino ang ama nyang dinadala mo Francesca?!" - Mr. Sarmiento

"Papa, hindi po natin sya kayang banggain, masyado po syang maimpluensyang tao."
- Brey

"Sino nga!?, bakit di mo masabi ang pangalan ng hudas na nakadis grasya sayo!?!"
- kuya Ivan

"S-si R-ryuu Aragon po .... papa,kuya" - Brey

"Anak dapat hindi ka naglihim samin, pamilya tayo diba?, walang iwanan, kahit anu pang mangyari sa inyong mag kakapatid, anak parin namin kayo andito padin kami ng mama nyo para sa inyo." - Mr. Sarmiento

Lalong naiyak si Brey dahil sa sinabi ng padre de pamilya nila, kinabig sya ng papa nya para yakapin, at iparamdam sa kanya na di sya nagiisa sa kalagayan nya, kaya naman nakiyakap nadin ang kuya at mama ng dalaga.

Brey's Pov:

Napaka gaga ko nung isipin kong hindi ako maiintindihan ng pamilya ko pag sinabi ko sa kanila ang kondisyon ko.

Pinahirapan ko lang ang sarili ko pero eto ko ngayon, sinuportahan at inintindi padin ng pamilya ko kahit na kung tutuusin eh kahihiyan nila ang pagiging dalagang ina ko.

" So panong plano mo ate?, I mean balak mo bang ipaalam dun sa Ryuu Aragon na magiging daddy na sya?" - Jannah

Pangungulit ni Jannah habang naghahapunan kami,  yes.. Alam na ni Jannah dahil nadatnan nya kaming nagiiyakan habang nag g'group hug sa sala, sinabi sa kanya ni kuya Ivan kung anung sitwasyon ko, at bilang reyna ng kakulitan ang bunso ng pamilya namin, sinabi ko nadin kung paanong nangyari at naka lunok ako ng buong pakwan, wala naman daw kasi akong ipinakikilalang Boyfriend.

"Wala, wala kong balak na ipa alam sa kanya na mag kaka anak nasya."

"Tama!, hindi porke't makapangyarihan at mayaman sya eh hihingi na tayo ng tulong sa kanya para sa magiging apo ko! Kakayanin natin to bubuhayin natin ang apo ko ng walang tulong nya." - Mr. Sarmiento

Destined for him (Fanmade)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon