Isang simpleng babae lang si Brey, galing sa isang simpleng pamilya, simple lang din sya manamit at mag ayos di rin sya mahilig mag lagay ng kolorete sa mukha. Basta usapang ka simplehan spell B-R-E-Y.
Brey's Pov:
Nandito ako ngaun sa school namin at kasalukuyang nkatulala sa loob ng classroom habang nag aantay na dumating ang prof. namin for our next subject.
Pinilit kong pumasok ngaun. Ah no, kailangan kong pumasok ngaun dahil meron kaming preliminary examination, isang tipikal na araw para sakin madalas kulang ang baon, o di kaya naman eh talagang wala katulad ngaun.
Kaya naman nagbaon nalang ako ng kanin at yung tinirang ulam sakin ni mama kagabi na nakatulugan ko naman dahil sa pag rereview, kung sa pamasahe naman eh wala akong problema kahit papano eh may tricycle nman ang kuya ko na pampasada kaya naihahatid nya ko pag pasok at maswerte na kung mapadaan sya sa school na pinapasukan ko kung oras na ng uwian, naisasabay din nya ko hanggang sa kanto ng eskinita papunta samin, kung hindi naman eh naglalakad nalang ako pauwi tutal di nman din ganun kalayo ang eskwelahan sa tinitirahan namin.
Oh! How rude of me (hanep english! ) bago ko po makalimutan eh magpapakilala muna ako.
Ako nga po pala si Aliyah francesca aubrey B. Sarmiento but you can call me Brey for short, actually di ko nga alam kung bakit ubod ng haba ng ipinangalan sakin ng magulang ko, dahil ang mga kapatid ko eh iba, kung ako nag su- sunbathing nung nag sabog si papa God ng mga pangalan ung dalawang kapatid ko eh tulo ang laway at kasalukuyang nasa dreamland. Nasabi ko yan dahil ang pangalan ng kuya ko eh Ivan B. Sarmiento at ang bunsong kapatid ko naman eh Jannah B. Sarmiento.
Oh diba?! Asan ang hustisya? Sila kahit nakapikit kaya yata isulat ang pangalan nila samantalang ako, passing of papers na eh di pa ko tapos sa pangalan ko. Pero ok lang ako dun atleast marami akong choice!
(Sige brey pangpalubag loob- author ).So ayun na nga, pangalawa ko sa tatlong magkakapatid si mama ay kapangpangan (taal na tiga pampangga). Si papa naman ay tubong maynila, nag tatrabaho daw nun si mama sa isang jewelry shop na pamilya ng kaibigan nya ang may ari sa manila dun sila nagkakilala ni papa katabi daw ng shop nila mama noon yung law firm kung san nag tatrabaho naman si papa bilang isang messenger.
Ayun dun nagsimula ang lovestory nila, at dahil parehas na may trabaho nagsimula na silang magsama at eventually nagpakasal kahit pa nga tutol daw ang lola ko nun sa father side na hindi ko naman na inabutan dahil kinuha na sya ni papa God, buntis na daw kasi si mama nun kay kuya Ivan nang ipakilala sya ni papa sa pamilya nito.
Kaya naman ang dear lola ko inakala na hindi si papa ang tatay nung ipinagbubuntis ni mama, buti nalang nung lumabas si kuya eh parang pinagbiyak daw na arinola ang mukha ni kuya Ivan at yung lolo ko sa father side na kamukhang kamuka daw ni papa. So to make the long story short, nagka ayos din sila at natanggap din ng pamilya ni papa ang mama ko.
Hindi kami mayaman, nagkataon lang na matyaga at masipag ang mga magulang namin kaya kahit papano ay nakakaraos kami, itong bahay na tinitirahan namin ngaun ay pinagtutulungang hulugan ni kuya at papa sa kumpare nya na sa awa ni papa God, konting kembot nalang ay matatapos na.
Sa ngaun si mama ay nagtayo ng maliit na sari sari store sa harap ng bahay namin, kumikita naman kahit papano dahil dun kami kumukuha para sa gastusin sa araw araw kasama na ang allowance namin ni Jannah kaya lang may time talaga na sapat lang ang kita sa tindahan kaya kulang o minsan pagkain lang ang baon namin ni jannah pero ok lang samin yun importante kumakain kami at nakakapasok sa eskwelahan araw araw.
Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko dahil kahit papano ay nabiyayaan kaming magkakapatid ng angking talino c kuya graduate ng two year course nung college dahil nakapasa sa pa scholar ni mayor, kami naman ni jannah ay scholar din nakapasa kasi kami nung nag pa exam ang St. Adeline Institute para sa mga kukuning scholar students. Si Jannah ay graduating na ng highschool ako naman ay nag ta-take ng Business Management at nasa last year na.
Si kuya Ivan ay kasalukuyang nag papasada lang ng sarili nyang tricycle na nabili nya gamit ang pera na nakuha nya nung umalis sya sa pinag trabahuhan nya, di na sya ulit naghanap ng bagong trabaho dahil mas malaki naman daw ang kita nya sa isang araw sa pag pasada ng tricycle kumpara sa pinapasahod ngayon sa isang empleyado na katulad nyang dalawang taon lang ang natapos.
Si papa naman ay kasalukuyang nag tatrabaho sa isang kompanya sa makati bilang Security guard. Nag take ako ng four year course dahil ang sabi nila papa at kuya para daw makakuha ako ng maganda at maayos na trabaho pag ka graduate ko, at ganun din ang plano nila kay jannah.
End of Brey's pov
Dumating ang professor nila Brey sa last subject nila para ngaung araw. Sa wakas tapos narin ang puyatan nights nya sa pag rereview dahil last day na ngaun ng exam nila.
Nang matapos ang exam nila ay nagmamadali na syang umuwi at di daw makakadaan ang kuya Ivan nya ngaun dahil nasa pilahan pa, ayaw naman nyang abutan ng dilim sa paglalakad pauwi.
Nang makarating sya sa bahay nila ay nadatnan nyang nagluluto ng pang hapunan nila ang mama nya, at si Jannah ang nagbabantay ng tindahan.
"Hi mama, mano po"
"Oh andito kna pala Brey, pasensya na at busy si mama sa pagluluto ng hapunan natin, mamaya kasi eh parating nadin ang papa at kuya mo, para sabay sabay na tayo sa pagkain."
"Ok lang po mama, wait akyat po muna ko sa kwarto ma, magpapalit lang po ako ng damit tapos tulungan po kita dyan."
"Nako wag na! At magpahinga kana lang patapos narin naman to, kaya ko na to."
Nginitian si Brey ng mama nya at hinalikan sya sa pisngi, gumanti naman ng ngiti si Brey at umakyat na sa kwarto nila ni jannah para mag bihis.
End of DFH one.
Hello po nagbabalik ang inyong lingkod sa bagong storya. Sana po basahin nyo rin katulad nung una kong story kahit pa na hindi npo natapos yung unang story ko.
Libre pong mag vote at comment possitive or nega are welcome 😊
Ps.
Kung meron man po ang pagkakatulad sa ibang kwento ng pangyayari ay hindi po iyon sinasadya, ito po ay orihinal kong gawa.
The characters and other places in this story are only fictional.
BINABASA MO ANG
Destined for him (Fanmade)
FanfictionShe's a perfect daugther, masunurin sa magulang, masipag mag aral, kaya nyang isacrifice lahat para sa kanyang pamilya kahit pa ang puso at kaligayahan nya. He's ruthless, a cold hearted heir ng isa sa pinaka mayamang pamilya sa bansa, walang kinata...