DFH fourteen : Meeting them

432 16 8
                                    


Brey's Pov

I ran away as fast as i could palayo sa office clinic, dirediretcho kong pumunta sa cubicle ko and i immediately grab my bag and stuffs, nag sabi nalang ako sa isang office mate ko na mag undertime nalang ako.

Gusto ko nang maka alis sa lugar na to kung asan sya, i know to my self na kahit anong gawin kong takbo wala nakong magagawa, hindi ko na maitatago ang kambal sa kanya lalo pa ngayon na alam na nya yung totoo.

Mabuti nalang at walang traffic kaya 45 minutes lang andito nako sa bahay agad kong kinuha ang kambal kay mama, at dahil nga maaga pa si mama lang ang nasa bahay na nagulat pa ng makita ako.

"Oh nak, aga mo ata?, bakit parang hingal na hingal ka?" - mama

"Nag under time po ako ma, nagmamadali po kasi akong umuwi kaya medyo napatakbo ako, na miss ko kasi bigla ang kambal."

Pinilit kong maging normal ang pagsasalita ko kahit na halos lumabas na ang puso ko sa sobrang hingal at nerbyos. Napatingin ako kay mama na nakatitig lang saken habang hawak ko ang kambal.

" Aliyah francesca aubrey Sarmiento, anong problema, alam kong meron, di namin kayo pinalaking sinungaling ng papa nyo kaya di kayo magaling magtago, kaya sabihin mo saken anong problema?" - mama

Alam na alam talaga ni mama pag may itinatago kaming tatlo, lagi nyang sinasabi na hindi daw kami magaling magtago kaya madali nilang malaman kung may problema kami kahit di kami mag sabi, kaya di ko na napigilan na humagulgol.

"M-ma.. Si r-ryuu alam n-nya y-yung totoo, lahat lahat ma alam na nya, eto na yung kinakatakutan kong mangyari, ma ayoko mawala yung kambal saken ma, baka k-kunin nya s-sken m-mama."

"Ssshh.. Tahan na, bakit di mo nalang sya kausapin ng maayos anak, tutal ikaw naman ang naunang nagtago sakanya, alam ko ayaw mo lang ng gulo at natakot kang masaktan, pero inisip mo ba ang mararamdaman nya?, anak kahit itago mo ang nararamdaman mo saken makikita at makikita ko yan sa aura mo, alam kong mahal mo ang tatay ng kambal kaya gawin mo ang kung alam mong tama, wag mo na pahirapan ang sarili mo, isipin mo ang kambal lumalaki silang walang tatay."

- mama

Napatigil ako  sa mga sinabi ni mama, tama naman sya, di ko naman talaga inalam kung ayaw ba talaga ni ryuu sa kambal nung una basta nalang ako nag assume na baka makagulo kami sa mundo nya.

Bahala na pag iisipan ko, kakausapin ko pa si lla kuya at papa regarding dito dahil sila ang tumayong father figure sa kambal simula nung ipinanganak ko.

Kinabukasan....

Nagising ako dahil sa ingay nila jannah, today is saturday kaya walang pasok, si papa lang ang meron sunday lang kasi ang dayoff nya.

"Ate!!! Gising na!! My bisita ka!" - jannah

Huh?!, bisita?? Inaantok man pinilit kong bumangon na, napuyat kasi ako kakaisip dahil nung kausapin namin si papa at kuya kagabi, napag desisyunan nila na bigyan ng chance ang tatay ng kambal.

"Jannah sino ba yun?"

Agad kong tanong ng maka baba ako ng hagdan.

"Bessy!!!! Kamusta kana?!" - francheska

Halos mabingi ako sa sigaw ng taong halos dalawang taon na hindi nag paramdam saken, halos talunin ako with open arms pa.

Sa totoo lang gusto kong magalit sa kanya kasi dahil sa pag iwan nya saken sa isang ryuu aragon that night andito ko sa sitwasyon ko ngayon at the same time, gusto kong mag thank you sa kanya dahil sa ginawa nya almost 2 years ago, ay meron akong cute na cute na babies. At hindi ko yon pinagsisisihan.

Destined for him (Fanmade)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon