Brey's Pov:Nang makarating kami sa bahay agad kong ibinigay si Kyllie kay mama at si Kylle naman ay buhat padin ni Jannah na nakahilata na ngayon sa sofa.
Kinakabahan padin ako habang nag kkwento ako kay mama ng nangyari sa mall.
"Ang kukulit nyo kasi! Manang mana kayo sa pinagmanahan nyong dalawa! Sinabihan ko na kayong wag nang umalis di kayo nakinig, parang inaalipunga yang mga paa nyo at katingkati na lumaboy! Oh ngayon anyare!?!"
- Mama
Nakatungo lang kami ni Jannah habang nag sesermon si mama, buti nalang wala pa sila kuya ivan at papa dahil kung andito sila triplets na sermon ang aabutin namin.
"Panu na ngayon yan?, ikaw Francesca anong gagawin mo!?, barkada pa pala ng bagong amo mo yang tatay ng kambal!" - mama
"Eh mama hindi naman nakita ni ryuu ang mukha nila kambal eh, naitago ko nga po"
"Oo nga po mama" - Jannah
Segunda naman ni Jannah sa sagot ko kaya nabaling sa kanya ang tingin ni mama.
"Oh eh bakit ganun ba katanga yung tatay ng kambal para di sya magkaron ng kahit ga butil na ideya na baka sa kanya yung kambal?, lalo na yang ate mo pa ang nakitaan na may karga sa bata!" - mama
Hindi na kami nagsalita ni jannah kasi alam naman naming hindi kami mananalo ng sagutan kay mama.
Hanggang sa dumating na sila kuya at papa hindi na ulit namin napagusapan yung nangyari kanina kasi paniguradong makakatikim kami ng sermon for dinner ni Jannah.
Napatulog ko na at lahat ang kambal iniisip ko padin kung anong gagawin ko para makaiwas kay Ryuu Aragon, alam kong hindi sya ganun ka bobo para hindi nya maisip na baka may nabuo nung may nangyari samin.
Lalo na kung ang pagbabasehan ay ang mga info na pwede nyang makuha galing kay Sir Andrei na hindi malabong mangyari, idagdag mo pa yung reaction ng lokaret kong kapatid.
End of Brey's Pov
Ryuu's Pov:
It's already past midnight and I'm still here at Crimson lounge.. With the three musketeers.. The supposed to be lunch meeting namin ni Andrei eh hindi na natuloy dahil nga nakatulala lang daw ako habang dada sya ng dada sa harap ko.
Kaya naglunch nalang kami sa isa sa mga branch ng restaurants nya at sya na ang kumontak kila seige at yasin para pumunta dito sa Crimson lounge, at eto nga kami ngayon ginigisa ako about sa nangyari kanina dahil di nakatiis si Andrei at nauna nang dumaldal sa dalawa.
"So, ryuu, you mean, yung bagong account executive ng Creative Sense is the same girl na kinekwento mo samin dati?, your.. TOTGA"
- Yasin
Napakunot ang noo ko at tinignan ko ng masama si Yasin dahil sa sinabi nya.
"What the fucking hell is the meaning of TOTGA?!"
"Chill! The One That Got Away bro!" - Yasin
Lalo namang kumunot ang noo ko sa sagot nya kaya nagtawanan lalo ang tatlong ugok.
"Puro ka kalokohan yasin, but seriously ryuu, she's the one that you got.. You know.. First"
- Seige
"Yeah she is.."
"And she's carrying a baby nung nakita nyo sya kanina sa mall ni andrei." - seige
"Yes"
"Guys here it is!" - andrei
Napatingin naman kami lahat kay andrei na winawagayway ang iphone na hawak nya.
BINABASA MO ANG
Destined for him (Fanmade)
FanfictionShe's a perfect daugther, masunurin sa magulang, masipag mag aral, kaya nyang isacrifice lahat para sa kanyang pamilya kahit pa ang puso at kaligayahan nya. He's ruthless, a cold hearted heir ng isa sa pinaka mayamang pamilya sa bansa, walang kinata...