Brey's Pov:
Yey! At last Its graduation day! my puyatan nights and sunog kilay days are over! And it's all worth it, I'm graduating with flying colors, a MAGNA CUM LAUDE to be exact.
Maaga pa kaya andito muna ko sa parlor na pag mamay ari ng barkada ni kuya na member ng LGBT community, inaayusan nya ko para mamaya sa graduation ceremony namin na gaganapin sa pinagmamalaking auditorium ng school.
Sa totoo lang ayoko naman talaga na mag paayos kasi gastos lang pero mapilit sila mama at papa lalo na si kuya Ivan, minsan lang naman daw ako gagraduate ng college kaya ok lang daw na medyo gumastos ng konti, kaya dinala ko dito ni kuya sa barkada nya.
" Oist! Babe, ayusan mo naman tong kapatid ko graduation nya ngayon eh, Magna Cum Laude yan kaya pagandahin mo ha!"
- Kuya Ivan
Natatawa talaga ko pag ginagamit ni kuya ang endearment nya dito kay kuya primo na nagiging ate freya pag dilim.
" Sure bebe Ivan, at dahil graduation mo ngayon libre na ang hair and makeup mo, regalo ko na sayo, kaya halika na dito future sister in law at ng ma make over na kita ng lalo kang maging dyosa, hay nako pag labas mo ng parlor ko boys will drool over you!"
- Kuya Primo (may liwanag pa kasi 😂)
Patiling sabi ni kuya primo saken at pina upo nako sa isang corner kung saan andun ang mga gamit nyang pang kulay sa mukha, swear! Di talaga ko nag lalagay ng make up, the last time na nadapuan ng make up brush tong pisngi ko eh nung graduation ko pa nung high school, pero si mama lang ang nag ayos nun saken, pulbo lang kasi at konting lip balm ok nako.
Sa totoo lang mas marami pang alam saken si Jannah pag dating sa fashion o kung anong uso ngayon na damit at kung anu ano pa, pero don't get me wrong ha, hindi naman ako old fashion manamit, wala lang talaga kasi akong hilig mag ayos ng todo.
After 1234567 years...
"Dyaran! Oh ha diosang diosa kana future sister in law!" - Kuya Primo
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at...
All i can say is WOW!!!
Gosh! Maawa't mahabagin ako ba talaga to??infairness ang ganda ng pag kaka make over..
"Oh ayan na bebe Ivan ha! Ang maganda kong future sister in law eh pinag mukha ko pang dyosa!" - kuya primo
" Aba kapatid, ikaw ba yan?, gumanda ka ngang lalo ano, sabagay wala naman sa lahi natin ang matsura (pangit term in kapangpangan)." - Kuya Ivan
Oh sya kuya tara na at baka ma late pako sa sarili kong moment, ate freya (dahil maganda ang kinalabasan ng make up ko at higit sa lahat eh libre😂), salamat ng marami sa libreng pa make up.
"Oo naman bebe girl, anything for your family, alam mo naman.. Future in laws alam mo yan!"
- Kuya primo
Natatawa nalang ako kay kuya Primo matagal na nya kasing bet si kuya Ivan kaso hanggang friendship lang daw talaga ang kayang ibigay ni kuya sakanya hahaha...
Pag dating namin ni kuya sa bahay nag picture picture muna kami syempre sila mama at papa at mwawala ba ang bunso namin na dyosa ng selfie!
Tinulungan nako ni mama na mag bihis ng isusuot kong dress, binili pa ni mama to nung nakaraang mag divisoria sila ni papa actually tig isa kami ni Jannah kasi graduation din nya this month.
End of Brey's Pov
Kasalukuyang nag sisimula na ang graduation ceremony ng tawagin na ang department nila Brey para sa pag tanggap ng diploma.

BINABASA MO ANG
Destined for him (Fanmade)
FanficShe's a perfect daugther, masunurin sa magulang, masipag mag aral, kaya nyang isacrifice lahat para sa kanyang pamilya kahit pa ang puso at kaligayahan nya. He's ruthless, a cold hearted heir ng isa sa pinaka mayamang pamilya sa bansa, walang kinata...