DFH four: Into her

401 22 1
                                    

Maagang nagising si Brey kinabukasan para mag handa papasok sa school, sasabay kasi sya sa kuya ivan nya pag labas sa pilahan ng tricycle.

Pag baba nya sa dining area nila ay nadatnan na nya sila Jannah at kuya Ivan nya na nag aalmusal at naka paligo na rin.

" Brey sabay kana samin mag almusal bago ka maligo at nang di ka pasukin ng lamig."
- Ivan

"Sige kuya." - Brey

Sagot nya at kumuha na sya nang sariling plato at tumabi kay Jannah.

"Kumain kayo ng marami at si mama pa ang nagluto nyang sinangag at daing na bangus bago sya umalis." - Ivan

" Nga pala kuya, asan pala sila mama at papa parang ang aga naman nilang wala?" - Brey

"Oo nga pala kuya asan sila mama?" - Jannah

" Maaga silang umalis dayoff kasi ni papa ngayon, sinamahan nya si mama sa divisoria para kumuha ng mga paninda nya para sa sabado." - Ivan

"Ahh ok."

Sabay na sagot ng dalawa sa kuya Ivan nila at nagpatuloy na silang kumain ng almusal, pagkatapos ni Brey kumain ay nagmamadali na syang naligo at nag ayos para makasabay sya sa kuya nya at kay Jannah.

Nakarating sila Jannah at Brey sa school ng maaga, agad din namang umalis ang kuya nila pagkahatid para makarami ng pasada ngayong umaga. Madalas kasi tanghali na pumapasada ang ibang tricycle sa lugar nila tinatanghali na ng gising dahil hanggang madaling araw ay pumapasada, di katulad ng kuya nya na may oras ng pag uwi sa gabi pag dating ng alas siete ng gabi ay gumagarahe na ang kuya nya dahil sobra sobra na din ang kita, karaniwan na kasing maraming pasahero sa umaga gawa ng papasok sa opisina at school.

" Ate punta nako sa classroom ko mag rereview pa ko, may quiz kasi kami ngayon sa math, mahirap ng bumagsak." - Jannah

" Oh sya sige, galingan mo ha, alam mo na, can't afford natin ang bumagsak sayang ang scholarship." - Brey

Nakangiting sagot ni Brey sa bunsong kapatid.

"Oo naman ate naka program na sa utak ko yun no! ikaw din ate galingan mo graduating ka pa naman this year."

Tango nalang ang sinagot ni Brey sa kapatid nya para makapunta na rin sya sa sariling classroom, gagraduate nadin pala sya this year ang bilis ng panahon, parang kailan lang kaka graduate lang nya ng highschool, atleast kahit papano ay makaka tulong na sya sa mga magulang at kuya nya.

Naglalakad sya papunta sa building kung san located ang classroom nila nang mapatigil sya dahil sa bulongan ng ibang mga estudyante. Napatingin sya sa malawak na daanan ng school nila upang tignan kung ano ang pinag uusapan ng mga estudyante.

At literal na napanga nga sya nang makita ang isang pamilyar na kotse, lalo na ng bumaba ang driver, lalong lumakas ang usapan ng ibang students, may ibang humahanga, kahit kalalakihan pero karamihan ay mga girl students na kinikilig habang nakatingin sa lalaking naglalakad papaunta sa building na kundi sya nagkakamali ay administration office at dean's office.

Ano kayang ginagawa nya dito?, hindi naman siguro sya student dito dahil simula highschool ay dito nako pumapasok consistent honor student kasi ako kaya hindi nawawala ang scholarship ko dito sa St. Adeline, lalo namang hindi sya isa sa mga professors, dahil halos lahat ng professors dito sa school eh kilala ko na.

Naputol ang pag iisip ni Brey tungkol sa lalaki ng biglang tumunog ang school bell hudyat na mag sisimula na ang klase.

Sa kabilang banda...

Ryuu's Pov:

I woke up early this morning, shit! Di ako pinatulog ng babaeng yun kagabi!, di na maganda to , pati panaginip ko iniinvade na nya.

Destined for him (Fanmade)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon