DFH ten: It's time (Kylle & Kyllie )

377 10 2
                                    


Brey's Pov:

"Anak wag kana kayang umalis, o kaya mag pasama ka sa kuya Ivan mo." - Mama

Hay nako si mama talaga ang kulit!, mas nerbyosa pa sakin, eh ako naman ang manganganak.

"Mama, wag na po, dati naman po akong mag isa lang nag papa checkup eh, kaya ko naman po ang sarili ko, tska next week pa nanan po ang due date ko eh, sayang naman po yung kikitain ni kuya kung iistorbohin ko pa sya."

"Eh kasi naman anak, ako ang ninenerbyos sayo eh!, unang pag bubuntis mo yan kaya kailangan doble ingat ka." - Mama

Nginitian ko si mama at nagmano na para magpaalam, nakakatuwa lang kasi simula nung malaman nilang buntis ako naging doble ang pag po protekta nila saken lalo na si kuya at papa.

"Ma, ok lang po ako at tong dalawang makulit sa tyan ko, wag kana mag alala ok?, di ko naman hahayaang may masamang mang yari sa dalawang angel natin."

"Hay nako, oh sya sige, umalis kana at nang hindi ka abutin ng init, doble ingat ka anak ha!" - Mama

"Opo mama"

Naglakad nako papunta sa terminal ng jeep, medyo malayo layo din, pero kaya namang lakarin, simula kasi nang tumuntong ako ng last trimester ko, pinayuhan nako ng OBgyne ko na maglakad lakad, para daw hindi ako mahirapan manganak kasi bata pa naman daw ako.

Wala namang traffic kaya medyo mabilis ang byahe ko, andito nako ngayon sa maternity clinic kung san ako nag papa check up simula  pa nung una, di nako lumipat sa mas malapit kahit nung nalaman na ng pamilya ko na buntis ako,  although marami ding hospital na mas malapit samin.

Sanay na kasi ako sa Doktora na tumitingin saken bukod pa don, sobrang bait ng mga staffs ng clinic at hindi ganong kamahalan ang maternity package nila.

"Miss Brey Sarmiento?" - Clinic staff

"Yes?"

"Ready napo si Dra. , Paki handa nalang po ng pregnancy booklet nyo at ultrasound results."

- Clinic staff

Magalang na sabi saken ng isang Clinic staff kaya naman nginitian ko sya, pumasok nako sa mismong examination room.

"Good morning Brey! How are you?"

- Dra. Celdona

"Good morning din po Dra. Eto po ok na ok kahit na super lilikot ng dalawang angels ko."

"Hmmn.. Oh sya higa kana, check kita kung may progress naba or any signs of pre mature labor, kasi mahirap na kailangan natin mag ingat at mukang excited na talaga lumabas tong dalawang makulit sa tyan mo."

- Dra. Celdona

Nakangiting sabi saken ni Doktora at iminuestra na humiga nako sa examination bed, kaya naman sumunod agad ako.

Una nag check muna si doktora ng heartbeats then kinapa nya manually ang tyan ko for right positioning.

"Well the heartbeats are excellent, mukang active na active naman ang kambal, as well as their positions, ok naman, hindi naman breech(suhi), kaya kakayanin mo yan ng normal." - Dra. Celdona

Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko kaya napangiti ako, lumipat naman si Doktora sa harap ko, pero napansin kong parang bigla syang napasinghap habang ine examine nya ko, kaya medyo nakaramdam ako ng kaba pero pilit kong pinalis yon.

"Uhm, Brey?, wala kabang nararamdamang kakaiba simula pa kanina?, I mean yung pag sakit ng balakang o likod, pagka ngalay or wala kabang nakitang kahit anong mucusal discharge the last time na nag cr ka?" 

Destined for him (Fanmade)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon