Chapter 1

41 7 3
                                    

Hanny's POV

"Ann."

Nakabusangot akong umahon sa kama ko at pinagbuksan ng pinto si Kuya nang kumatok siya.

"Bakit?"

"Bumaba ka na daw. Let's eat."

"Fine."

Sinulyapan ako ni Kuya nang bumalik ako sa loob at inayos ang mga kalat sa kama ko.

"Fix that later. Meron si Dad sa baba."

Natigilan ako sa sinabi niya. Walang emosyon ko siyang tinignan at tinanguan. Alam niyang nawalan ako ng gana kaya naman ay nauna na siyang bumaba.

Tahimik kaming kumakain nang nakita kong sinulyapan ako ni Dad. Nanatiling walang emosyon ang mukha ko nang magsalita si Mom.

"Aalis ang Daddy niyo bukas. May meeting ulit siya out of the country."

"Ano pa bang bago? Lagi naman."

"Hanny Ann." Galit na banta ni Dad.

Sigh.

"Ihatid na kita bukas Dad."

Tinignan ko si Kuya ng nakakunot ang noo ko. Ayos lang sakanya ang makasama si Daddy kahit na lagi naman siyang wala sa tabi namin? Ako, hindi ko kaya. Galit ako kay Dad. Dahil wala siyang oras sa amin. Laging trabaho ang inaatupag niya. Nasa trabaho lahat ng oras niya. Parang wala siyang pamilyang uuwian. Napaka workaholic niya.

"When will you come back?" Tanong kong hindi nakatingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Hanny Ann, he's your Dad. Give some respect." Pangaral ni Mom.

Napairap ako. "When will you come back, Dad?" Tanong ko nalang ulit na may halong diin. Sana hindi nalang ako nagtanong e, alam ko naman na ang sagot.

"After 3 months. May aasikasuhin pa kasi ako doon."

"Right." Wika kong parang nahulaan ko. "I'm done." Tumayo na ako pagkainom ko ng tubig.

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Daddy.

Nawalan ako ng gana. Aalis ulit siya. Galing lang siyang ibang bansa at ngayon lang umuwi tapos aalis ulit. Hindi man lang siya tumagal ng isang linggo dito samin. Sana naman maisip niyang nangungulila kami sa ama dahil sa hindi niya kami inaatupag.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil na rin sa una akong ihahatid ni Kuya sa school at babalikan niya naman si Dad para ihatid sa airport.

"Good morning, Hanny."

Nginitian ko sila Joice pagkaalis ng kotse ni Kuya nang makita nila akong papasok ng school. "Good morning." Bati ko rin at sabay kaming naglakad papasok.

I know, kaibigan na ang turing ko sakanila, but not that much. My limit parin dahil ngayon ko lang naman sila nakilala. At hindi ko pa alam kung ano ang mga totoong mga ugali nila.

Kaya medyo nailang nga ako sakanila nang mapansing pinag-uusapan nila ako sa likod ko kahapon. Alam kong hindi maganda ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Kaya nag-iingat ako.

"So, may time na ba boyfriend mo?" Nakataas ang kilay ni Sabrina.

"A-Ano..." Oo nga pala. Ang alam nila ay may boyfriend ako which is wala naman talaga. Sinabi ko lang iyon para hindi ako ma-out of place. Ngayon hindi ko alam ang sasabihin ko. "Busy pa siya e. Next time." Ngumiti ako ng pilit.

Mukha naman nadisappoint ko sila. Nababasa ko sa expression nila. Halata sa pagbaba nila ng balikat at ang pagnguso nila.

"Anyway..." Tumigil kami sa paglakad ng magsalita si Joice. "Pupunta kami ng mall kami later, after class. You want to come?"

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon