Hanny's POV
Bumuntong hininga ako ng natapos ko ang assignment namin sa Stat. Napadako ang mata ko kay Lucas na naka-eyeglasses na simula kaninang nag-umpisa siya sa ginagawa niya. Sobrang seryoso niya sa pagbabasa sa libro at parang mayroon siyang sariling mundo. Sa unang tingin ko sakanya noon, hindi siya mukhang ganito kasipag mag-aral.
Nagulat ako ng napatingin siya sa akin at kumunot ang noo.
Napakagat labi nalang ako at nag-iwas ng tingin. Inayos ko na ang mga gamit ko at binalik iyong librong ginamit ko. Sinulyapan ko ulit si Lucas at bigla akong nagtago nang mapansing nakita niya ako. Shit. Dali-dali nalang akong lumabas ng library.
"Tapos ka nang kumain?" Bungad sa akin ni Kuya nang makasalubong ko siya sa daan papunta ng canteen.
"Not yet."
"I'll join you then."
Tumango nalang ako at sabay na kaming nag-order ng pagkain ni Kuya. We still have thirty minutes bago ang class. Light meals lang ang inorder ko gaya ng kay Kuya.
Hindi ko alam kung ano ang problema ng mga studyanteng nandito sa canteen at panay ang tingin nila sa amin, or kay Kuya Jed sila tumitingin.
Napansin siguro ni Kuya ang pagtataka ko kaya nagsalita siya. "Just eat. Don't mind them."
Tinuloy ko ang pagkain ko ng lunch ko.
"Han!"
"Shit!" Inis kong nilingon si Justine na biglang tumabi sa akin. May natapon pa akong pagkain sa hapag. "I'm eating. Huwag kang mang-gulat!"
Nginisian niya lang ako at tinignan niya si Kuya na katapat ko.
"You know my sister, Justine?"
Nanlaki ang mata ni Justine at umayos ng upo. Nilagay niya sa table ang braso niya at hinarap si Kuya. "Sister mo si Han?" Kumunot ang noo ni Kuya. "Han short for Hanny, that's it, Jeddy."
"Kuya kilala mo itong makulit na ito?" Bulalas ko. Tumango naman siya bilang sagot. Huminga ako ng malalim. "Please tell him to stop bothering me."
Justine groaned, para siyang bata at ngumuso pa. "Kuya Jeddy ipakilala mo naman ako sa sister mo."
"What the... Justine? Stop it." Natatawang napailing si Kuya.
That's new. Kaibigan niya ba itong Justine na ito kaya ganyan ang attitude niya?
"Eh. Sige na Jeddy."
"Ask for Kiel's help. Not mine." Napailing si Kuya at uminom sa bottled water niya.
Kiel? Iyong lalaking kasam kanina ni Justine. Mga kaibigan siguro ni Kuya.
"Isa rin yun e. Inaasar akong basted kay Han. Hindi naman, hindi ba Han?"
"Justine say what?"
"What?"
"Nililigawan mo ba ang kapatid ko?" Seryosong tanong ni Kuya.
Tumayo naman itong si Justine at umupo sa tabi ni Kuya at binulungan ito.
Sigh. I'm out of here. Uminom na rin ako sa bottled water ko at nag-ayos.
"Deal?" Napatingin ako kay Justine at kay Kuya na naiiling at ngumingisi.
"Whatever." Tumingin na sa akin si Kuya. "Hatid na kita sa next class mo."
"Classmates kami ni Han." Singit ni Justine pagkatayo namin.
BINABASA MO ANG
Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)
Teen FictionHe's not just someone. He's Lucas Ferrer.