Chapter 13

30 3 0
                                    

Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil hinihintay ako si Aris sa labas ng room namin! Mag-isa siya doon at nakatukod lang ang dalawang siko niya sa semento sa habang nakaharap at tinitignan ako. Hindi ko naman maiwasan ang pagtingin sa gawi niya at pinapanalangin na sana ay umalis na siya.

Hindi ko naman akalaing kanina lang sinabi ni Kuya at sinimulan na pala ngayon! Nagtext rin kasi si Kuya Jed na may pinapagawa sakanya ng advicer nila. Ang sipag niya!

Tsk.

"Class dismiss..."

Pinauna ko pa na makalabas ang mga classmates ko at mabagal na inayos ang mga gamit ko. Bahala siyang mag-antay dyan. Tss.

"Kyaaaa! Ang gwapo talaga ni Aris!"

"Sinabi mo pa beshy! Anong kayang ginagawa niya dito? Inaantay ako? Hihihi!"

"Asa! Ako ang inaantay niya yan!"

"Assuming ka rin beshy e no?!"

"Tanungin kaya natin siya!?"

"Tara! Hihihi!"

"Ahm... ahm... H-Hi A-Aris."

"Tss."

"Kyaaaa! Pinansin niya ako. Huhuhu! Nag-tss siya! Cuuute!"

"Tss."

"OMG! Ang gwapooo mo Ariiiis!"

"Get lost."

"Aww... beshy ang sama ng tingin satin. Huhuhu! Tara na nga!"

Inayos ko ang strap ng bag ko at lumabas ng room na hindi siya tinitignan.

Marami palang nagkakandarapang babae sa kanya. Akala mo naman sobrang gwapo. Well... gwapi nga siya! Pero nakakatakot ang aura! Mabuti pa si Lucas, nakakaintimidate man ang presence niya, mukhang mabait naman.

Si Lucas nanaman ang nasa isip ko! Hays.

Hindi ko siya nilingon pero ramdam ko ang presenya niya sa likod ko na nakasunod siya sa akin.

"Sissyyyyy!"

"Sab..." tawag ko sakanya. Agad naman siyang kumapit sa braso ko. "Saan sila?" tukoy ko kila Joyce.

"Nauna ng umuwi si Joyce. Si Rose naman ay kasama ang boyfriend niya. Iniwan nila ako!" natawa ako dahil kaya napanguso naman siya. "Ikaw sissy, wala ka bang date with boyfie?" kinikilig na usal niya na nagpatigil sa akin.

Sana hindi narinig ni Aris! Lagot ako neto at baka sabihin niya kay Kuya at kwestyunin ako niyon!

"A-Ah... a-ano bang pinagsasabi mo dyan S-Sab." kunwaring tanong ko pero kinakabahan talaga ako!

Taka niya akong tinignan. "Kung wala kayong date ni Lu---hmp!" mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"W-Wala! Hehehe!" kunwaring tawa ko. Kumunot naman ang noo niya at taka parining tinitigan ako. Nginitian ko naman siya ng pilit. "Uuwi ka na?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ah! Oo sana. Kaso parang gusto kong gumala. Kaso wala akong kasama!" malungkot na pagpaparinig niya.

"Hindi kasi ako pwede e, samahan sana kita... Ayaw akong palabasin ni K-Kuya." rason ko. Ang totoo ay tinatamad rin ako at gusto kong mag-isip at kung pwede sana ay makausap ko si Lucas kahit sa cellphone lang. Kanina pa kasi siya nagtetext.

"Go on."

Sabay kaming gulat na napalingon sa likod ko... kay Aris!

"A-Ah... H-Hi Aris!" gulat parin si Sab na nagliwanag ang mukha at takang tumingin sa akin. Nilakihan niya pa ako ng mata at bumulong. "Kanina ko pa rin napapansin na nakasunod siya sayo sissy ha! Akala ko coinsidence lang! Anong ibig sabihin nito ha?! Akala ko ba si Luke?!"

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon