Chapter 12

17 3 0
                                    

Hanny's POV

Hindi ako nababahala kapag siya ang kasama ko. Nakakalimutan ko ang lahat, maging ang mga nangyaring hindi maganda. Nasakop niya ang isip ko ng walang paalam. How did he do that?

He's just there, sitting on his car hood, feeling the fresheness of the air embracing us.

"Dito ka ba laging tumatambay?" nilingon niya ako at ngumiti.

"Lagi..." sagot niya. Napatango nalang ako at tinignan ang kabuuan ng city na nasa harap namin.

Nasa isang mataas na parke kami ngunit bihira ang mga tao dito. Malawak at maaliwalas. Parang hindi siya isang parke dahil sa hindi naman talaga halata. Mga tuyong dahon ang nasa paligid pero hindi maduming tignan. Mga matataas na puno at may mga bench rin naman.

"Okay lang ba sayo na nag-cutting classes tayo?" napatigil ako sa sinabi niya. Oo nga!

"H-hindi ko alam... baka malaman ito ni Kuya, lagot ako neto..." natinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Sorry... gusto lang talaga kitang dalhin dito." Nilingon ko siya pero nanatiling nasa harapan ang paningin niya. Pansin ko rin ang paglungkot ng tinig niya. "Gusto lang din kitang makasama..."

Hindi ako agad nakapagsalita kaya nagulat ako ng magtama ang paningin namin.

"Ang lugar na ito, bihira ang mga tao dito. Kaya naman lagi akong pumupunta dito. Tahimik... at nakakapagpahinga ako ng maayos."

"B-Bakit... bakit ang sabi mo ay pupunta tayo sa lugar kung saan alam lang natin. Ano ang ibig mong sabihin doon?"

Ngumiti lang siya at hindi sumagot kaya nalito ako.

"C-Can I ask you s-something?" nagitla siya at nagdalawang isip pa pero tumango parin siya. "A-Anong meron sa inyo ng K-Kuya ko?" nagitla siya at nanlaki ang mata niya saka siya nag-iwas agad ng tingin.

Bumuntong hininga siya. "Sorry..."

"Bakit?" takang tanong ko. Ayaw niyang magkwento. Ano ba talaga ang meron sa kanila at bakit kailangang madamay pa ako at palayuin ako ni Kuya Jed sa kanya.

Hindi naalis ang paningin ko sakanya kaya kita ko ang pagkabalisa niya. "H-Hindi ko alam k-kung dapat kong sabihin sayo..."

"May kinalaman ba sa akin?"

Nanlaki ang mata niya at hindi nakapagsalita.

Bumuntong hininga ako.

"Binalaan ako ng Kuya ko, layuan daw kita at huwag kakausapin..." nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa akin. "I wonder why?" sinalubong ko ang tingin niya. "Can you tell me why? May alam ka ba?"

Napalunok siya at mas naging balisa. Lumikot ang mata niya at hindi mapakali. Hindi siya agad na sumagot. Bumuntong hininga siya at biglang tinakpan ang mukha niya. Napaupo ako ng maayos nang makitang bumasa ang mata niya.

Bakit siya umiiyak? Si Lucas... umiiyak sa harao ko? Anong nangyayari?!

"L-Lucas... you okay?" hindi niya ako sinagot kaya hinawakan ko siya sa braso pero agad din siyang lumayo.

Bumaba siya sa hood ng kotse niya at umayos ng upo. Pinahid niya ng palad ang mukha niya saka siya lumapit sa akin at tinulungan rin akong makababa.

Taka pa rin akong nakatingin sa kanya. Bakit hindi siya makasagot?

"May mga bagay na hindi dapat malaman dahil hindi pa panahon. At may mga bagay na dapat ring hindi na balikan at tandaan pa para walang masasaktan ulit."

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon