Chapter 4

36 3 2
                                    

Hanny's POV

Nakabusangot akong nakaupo sa sofa habang pinapanood si Kuya na hindi mapakali dahil sa pagmamadali niya. Nalate siya ng gising dahil late na siya ng uwi kagabi, hindi ko na nga namalayang nakatulog ako kagabi dito sa sofa, nagising nalang ako noong nahulog at may kumot na nakabalot sa akin. Hindi niya man lang ako ginising para lumipat ako ng higaan.

Sigh.

"'Yung coat mo."

Napapitik siya. "Thanks."

Akmang lalabas na siya ng bahay dahil bitbit niya na ang bag at coat niya. "Kuya yung susi ng kotse." Turo ko sakanya sa tabi ng TV.

Ginulo siya ang buhok ko. "Hayst!"

Nagmakeface siya sa harap ko. "Let's go!"

Hindi naman ako nalate ng pasok sa first subject namin. In fact, sakto lang ang dating ko, ganoon rin siguro kay Kuya. Agad namang natapos ang isang oras at isa pang-oras para sa isang subject namin at break na.

"Hanny!" Tawag sa akin ni Rose. Nginitian ako ni Joice, agad namang kumapit si Sabrina sa braso ko. Si Rose, sa tabi ni Joice na katabi ko.

"Tara sa canteen?" Aya ni Joice.

"Sure." Sagot ko.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad patungo sa canteen tungkol sa nakakatawang nangyari kahapon sakanila noong pauwi pati ang pagsermon ng teacher kay Sab dahil sa nalate daw siya kanina.

"Oh my gosh!"

Nabalin ang atensyon ko sa suminghap na babaeng nakasalubong namin. Nanlalaki ang mata niyang may tinitignang parang nakakamangha. Nagpigil siya ng kilig.

"You know what Hanny, dapat lumabas tayo every weekend."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Rose, kinausap naman siya ng dalawa.

Halos lahat na ng nakakasalubong naming babae ay napapatigil sa paglakad at tila kinikilig. Lumingon naman ako sa tinitignan nila.

May mga babaeng nagkukumpulan sa isang tao. Isang lalakeng matangkad na naka-V-neck white shirt, fit jeans and rubber shoes. Mas lalong nagsisigaw sa kilig ang mga babae nang tanggalin ng lalake iyong sunglasses niya.

"Oh? Si Lucas." Bulong ko.

Tumigil kami sa pinto ng canteen.

"Huh?" Reaksyon ni Rose at tinignan ang tinitignan ko.

"It's Luke." Napatingin ako kay Joice. "You know him?"

"Omg!" Tila kinikilig rin si Sab at bumitaw sa akin at nakatingin na sa kinaroroonan ni Lucas.

Oo nga pala, Luke ang tawag nila sakanya.

"Ah? Oo." May alinlangang sagot ko. "Tara na." Nauna na kong pumasok ng canteen para hindi na nila ako tanungin ulit.

Nag-order naman na kami ng kanya-kanya naming meryenda. Mabuti nalang at agad kaming pumunta ng canteen dahil sa dami ng studyante dito sa school nila Kuya na pinasukan ko at school ko na rin, ay madaling napuno ang canteen kahit na may iba pa namang canteen. Siguro nga ay puno rin ang iba.

Napatingin naman ako sa banda ni Lucas na pinapalibutan ng babaeng studyante. Seriouly? What's their problem? Can't they just go buy and eat since they are in a canteen, and not to flirt?

"Bakit naka-busangot ka?"

Napalingon ako kay Joice. "Wala naman, naiinitan lang siguro ako. Hoo!" Sabay paypay ko sa sarili ko gamit ang kamay ko.

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon