Chapter 7

24 2 0
                                    

Hanny's POV

Pinaulanan ako ng tanong nila Sab at Rose. Si Joice, hinahayaan lang ang dalawa na magtanong sa akin, naghihintay na lamang din siya sa sagot ko.

"Anong nangyari kagabi sissy? Bigla kang nawala."

"Did something happened?"

Ngumiwi ako. "Wala naman, dumating kasi si Mommy kaya umalis ako agad kasi wala siyang kasama sa bahay." Pagsisinungaling ko. "Sorry kung hindi ako nakapagaalam." I really feel apolegetic of what happened. Pinag-alala ko rin pala sila bukod kay Kuya.

"You don't have to say sorry sissy, we undestand you."

"But you should have let us know that you're leaving."

"You makes us worry." Sumandal si Joice sa upuan niya sabay sip sa drinks niya. Nag-iwas rin siya ng tingin ng tinignan ko siya ng nakangiti.

Masaya ako kasi atleast ay may mga taong nag-aalala sa akin. Sila, na mga bagong kaibigan ko.

"Ganito nalang..." Nakuha ko ang atensyon nila. "I'll treat you later, lunch, okay?"

Natuwa naman sila.

"Sure!" Sabay silang tatlong kaya natawa kami.

Nakapangalumbaba ako at nilalaro ang ballpen na hawak ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Hinihintay na baka sakaling may dumaang taong kilala ko.

Sino nga bang mga kilala ko dito? Sila Joice, mga kabanda ni Kuya Jed, at si Lucas...

Napailing ako at bumuntong hininga ng malalim. Naalala ko nanaman iyong text niya noong isang gabi na hindi nagpatulog sa akin. The last.

"Sorry, sweetheart..."

Oh my gosh. What was that? Parang narinig ko ang boses niya na sinabi iyon sa isip ko. Napailing ako at kinatok ang ulo ko.

"Hey Hanny, okay ka lang?"

Napatingin ako sa lalaking kumausap sa akin sa harap ko. Bakit hindi ko man lang napansin na doon pala nakaupo si Justine.

Sinigurado ko munang hindi nakatingin si ma'am. "Yeah." Walang ganang sagot ko at tinignan nalang ulit si ma'am na nagsasalita sa harap.

"Okay this activity will be a diad. Find your partner."

Napanguso ako. May activity nanaman, ang sakit pa ng ulo ko. Dahil hindi ako natulog agad kagabi dahil sa nagmovie marathon ako mag-isa, nakalimutan kong may pasok pala kinabukasan.

"Hanny partner na tayo."

Tinignan ko lang si Justine at bumuntong hininga ulit. Ano pa ba ang magagawa ko? Sigurado namang kukulitin niya parin naman ako at ipagpipilitan ang sarili niya. Saka hayaan na, siya lang rin naman ang medyo mas kilala ko dito.

"Ikaw ang gagawa ng activity." Nginisian ko siya.

"Ikaw ang magrereport?" Nawala ang ngisi ko kaya siya naman ngayon ang ngumisi. "Well then, huwag mo muna akong kausapin Miss Silva para matapos ko agad itong ire-report mo." Malaki ang ngiti niya at mas lalo pa itong ngumisi at ngumiti ng malaki nang makita ang nakabusangot kong expression.

"Tss..."

Wala naman na akong magawa nang magsimula na siyang magsulat. Hindi naman sa hindi ako marunong mareport o magsalita sa harapan. Wala lang talaga ako sa mood at... at... hindi ako nakinig sa discussion!

Nanlaki ang mata ni Justine nang nilapit ko ang upuan ko sa kanya. Taka akong tumingin sakanya at sa hindi mapakaling mata niya. Namumula rin ang tainga niya.

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon