Chapter 9

19 2 0
                                    

Hanny's POV

"Where have you been?"

Bungad sa akin ni Kuya ngunit mas pinagtuunan ko ng pansin ang paglingon ni Aris sa kinaroroonan ko.

"Galing kami ng coffee shop kanina, Kuya."

"Okay." He sigh. Napunta sakanya ang paningin ko. "Hindi makakauwi sa Mommy. We're finishing a song project at Aris' condo with the boys, at baka late na ako na makakauwi, so it's better if I'll spend the night there."

"What?" Nanlaki ang mata. "Sinong kasama ko dito?"

"That's why I called them."

At nagsilabasan sila Joice at Rose galing sa guest room. Nakangiwi sila sa akin.

Alam kaya ni Kuya na hindi ko sila kasama kani-kanina lang at kanina pa sila Joice dito.

Tumabi sila sa akin.

"Hi, Hanny." Wika ni Joice. Nginitian lang ako ni Rose.

Nakita ko pa ang pagkunot ng noo sa akin ni Aris.

Nasa living room ang dalawa including Aris na tahimik lang na nakaupo. Hindi nalang din pinansin nila Rose. Si Sab, hindi daw pinayagan na mag-overnight dito. Nag-aayos naman ng dadalhing gamit si Kuya sa kwarto niya.

Tulala akong nakaupo sa dulong upuan sa mesa namin habang hawak ang basong ininuman ko ng tubig kanina.

Nakauwi na kaya si Lucas?

"You done with your dinner?"

Basa ko sa text messenge ni Lucas na nagpop-up sa screen ng phone ko. Kukunin ko na sana ito nang magulat ako nang biglang may kumuha sa baso ko at ininom ang tirang tubig doon. Nagsalin pa siya ng tubig na galing sa ref at ininom iyon ng diretso. Nginisian niya ako nang tumingin siya sa akin at kinagat ang labi.

"Why did you do that?" Tumaas ang kilay niya na parang nagtatanong kung ano ang tinutukoy ko. "You used my glass." Dikit ang kilay ko. Mas bumuo ang inis sa loob ko nang nagkibit-balikat lang siya. "Nandito ka sa bahay namin kaya umayos ka."

Akala ko aalis na siya nang binalik niya ang baso sa table, nagulat ako nang nilapit niya ang mukha niya sa akin. Agad namang tumayo ang balahibo ko nang kaunti nalang ang pagitan namin. Hindi ako pumikit. Galit at may pagbabanta ang mata kong nakatitig sa mata niyang nakatingin lang sa labi ko. Agad namang namuo ang pagtataka sa akin nang dumiretso ang labi niya sa noo ko saka siya bumulong.

"Take care."

Hindi ko namalayan ang pag-alis niya at hindi ko rin napansin ang pagpaalam sa akin ni Kuya. Nakabalik lang ako sa sarili ko nang ginulo na ako nila Joice.

Pagkatapos namang kumain ng niluto ni Kuya bago sila umalis ay napagpasyahan naming magkwentuhan muna sa kwarto ko bago kami matulog. Para naman daw worth it ang pagstay nila Rose dito at may memories.

"Let's call Sabrina!" Rose suggested.

Kinuha ko naman iyong bluetooth speaker ko sa gilig ng damitan ko sa cabinet. "Here. Let's use this."

Rose dialed Sab's number.

"Roseeey!" She cried. "Nasa bahay na ba kayo ni sissy Hanny? Gusto ko sanang sumama, kaso ayaw talaga ako payagan."

Natawa naman ako sa tono niya. "It's okay, Sab. Next time nalang, baka naman payagan ka na."

"Sana nga."

"Sab kanta ka, bilis." ani Rose.

"I miss your beautiful voice, Sabrina." Puna naman ni Joice.

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon