Chapter 11

19 2 0
                                    

Hanny's POV

Sa sobrang bigat niya ay halos hingalin ako ng mabilis pagkabagsak ko sakanya sa kama niya.

Nilapag ko sa isang mesa ang wallet at susi ng kotse niya. Mabuti nalang at medyo gising pa ang diwa niya kanina kaya nahatid ko siya dito sa condo niya na hindi man lang ako naligaw.

"Nasaan ang CR? Shit." Mabilis akong pumasok sa isang pinto kung saan ay doon nga ang CR niya.

Palabas na sa ako ng inilibot ko muna ang tingin ko. Malinis at malawak ang loob ng CR dugtong na rin sa bathroom. Nakita ko ang kulay blue na container na siyang shower gel na ginagamit niya. Shit. Amoy, Lucas.

Umupo ako sa tabing kama niya saka nagtext kay Kuya. Nagpaalam akong may dinaanan akong ilang note kila Rose kaya nauna na ako.

Naguilty tuloy ako sa katotohanang unang handle ko sa band ni Kuya na Zone ay agad akong nawala. Ano nalang kaya ang iisipin niya? Baka maisip niya na baka napilitan lang ako na maging manager ng Zone at babawiin niya na sa akin ang position. Ayaw ko pa namang nadidisappoint ko si Kuya, but now I guess I just did.

"Ann..." nilingon ko ang natutulog na si Lucas.

Ang himbing ng tulog niya at ang payapa ng mukha niya. Parang hindi siya 'yong lalaking nag-aapoy ang mata noong sinuntok niya si Aris.

"Ann... come back... please..."

Hindi ko man maintdihan ang mga sinasabi niya at kung sinong Ann ang tinutukoy niya ay hinaplos ko parin ang buhok niya.

"Sshh. Sweet dreams, Lucas."

Napatigil ako nang maalala ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina. Dumampi ang malabot at mainit na labi niya sa akin. Napahawak ako sa labi ko at naramdaman kong bumigat ang paghinga ko.

May gusto ako kay Lucas. At nasasaktan akong marinig siyang tinatawag ang pangalang hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari. Sana... ako ang Ann na sinasabi mo. Sana... ako ang hinahanap mo.

-

"Oh? Bakit hindi ko ata nakikitang magkasama kayo ng boyfriend mo?"

Hinarap ko si Joice pagkaupo namin sa damuhan sa lilim ng isang puno habang tanaw ang soccer field ng school namin.

"Ah, busy siya."

"Laging busy? Nako sissy dapat may time siya sayo."

Nginitian ko nalang si Sab at kinuha binuksan ang chips na binili namin. Binigyan ko naman sila.

"Alam mo bang maraming babae ang nagkakandarapa kay Luke?"

"Uhm, oo."

"Ingat ka, Hanny. Baka maagawan ka."

Napailing ako sa sinabi ni Rose pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya.

Unang kita ko kay Lucas, nakipaghiwalay siya sa isang babae. At noong papunta siya ng canteen na maraming babaeng umaaligid sa kaniya. Hanggang sa nakakausap ko na siya, ay hindi ko na nakita pa siyang may babaeng kasama... bukod sa akin.

"Kamusta nga pala ang gig?"

"Ayos naman." Hindi ko naikwento sakanila na umalis ako kaagad para daluhan si Lucas dahil naman nila alam ang mga nangyayari at hindi rin nila alam na nagpapanggap lang si Lucas na boyfriend ko.

"Oo nga pala. I'm inviting you guys to my birthday!" Masayang wika ni Rose.

"Sunday night, right? Anong theme naman ngayon?"

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon