Chapter 10

22 2 0
                                    

Hanny's POV

Inayos ko ang aking sarili bago ako lumabas ng kwarto ko. Nadatnan ko namang nakaayos na rin si Kuya. Ngayon ang unang araw at gabing sasamahan ko ang banda ni Kuya bilang manager.

"Let's go."

Tahimik nalang akong sumunod sakanya papasok sa kotse.

Hindi ko parin maiwasan ang mapaisip tungkol sa mga nangyari kanina sa music room. Ang biglang pagpasok ni Lucas sa music room at ang biglang pagsuntok niya kay Aris. Hindi ko rin makalimutan ang inis  at galit sa mata niya habang nakatingin sa nang-aasar na ekspresyon ni Aris.

Ano ba ang nangyayari sakanila? Bakit may away na namamagitan sa kanila. At bakit itinatago sa akin ni Kuya ang lahat, na magkakilala sila ni Lucas at nagkunwaring hindi niya ito kilala noong tinanong ko kung kilala niya si Lucas na kilala sa pangalang Luke. Naalala ko pa ang banta ni Kuya sa akin nang nakita niyang tumingin sa akin si Lucas bago siya padabog na lumabas ng music room kanina.

"Don't you ever talk to that man, Hanny Ann Silva."

May diin ang pagsabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang manahimik nalang. Hindi ko magawang itext man lang si Lucas kung okay lang siya dahul nakabantay ang mata sa akin ni Kuya.

Umilaw ang cellphone kong nasa loob ng maliit kong bag. Nagpop-up ang messenge na galing kay Lucas.

"Can we talk?"  Basa ko sa isip ko sa text niya.

Napatingin ako kay Kuya na seryoso lang sa pagdrive. Hindi ako nagreply sa text ni Lucas kahit na gustuhin ko man ang sumang-ayon.

Nakarating kami at nakapark na ang kotse nang napansin kong nakalock ang pinto ng sasakyan dahil hindi ko ito binuksan. Kumunot ang noo ko kay Kuya.

"Kuya, naka-lock."

"I know."

Hinitay kong buksan niya pero hindi niya ginawa. Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita na inaasahan ko na.

"Ann... I want you to listen to me. Huwag ka nang lumapit pa kay Luke. Para sa ikabubuti mo rin naman 'yon. Can you do it?"

Sa wakas ay kinausap ako ni Kuya tungkol dito. Marami akong tanong na gusto at nais kong malaman ang mga sagot nito. Gusto kong malinawan at nang matahimik ang kyuryosidad ko.

"Hangga't hindi mo masasagot ang mga tanong ko, hindi ko gagawin ang gusto mo. Now, I want you too to answer my questions, Kuya."

Parang ayaw ni Kuya sa sinabi ko at parang nabahala siya vase sa reaksyon ipinakita niya sa akin.

"Okay, fine."

Huminga ako ng malalim.

"Nakita kong nag-away sina Aris at Luke noon. Si Aris ang nauna at hindi lumaban si Luke. But then, now, si Luke naman ang sumugod. Ano bang puno't dulo ng away nila at parang hindi na magkakasundo pa ang dalawa?"

Nagvibrate pa ulit ang cellphone ko ngunit hindi ko 'yon pinansin. Naghihintay ako ng sagot kay Kuya na seryoso na ang mukha.

"Bakit gusto mong malaman?" Natahimik ako. "Huwag mo nang alamin dahil baka mas gugulo pa ang lahat. Isa lang ang masasabi ko Ann... Let the two fix what's been damaged. Huwag ka na munang makialam para masiayos ang lahat nang paunti-unti at hindi nabibigla at magiging masaya na ang mga taong sinaktan ng tadhana."

Naging magulo sa akin ang sinabi Kuya ngunit hindi ko na nagawang magtanong pa dahil lumabas na agad ito.

Maingay na tugtugin at malilikot na ilaw ang bumungad sa amin pagkapasok namin ng bar. Since may kilala namin ang may ari ng bar ay nakakapasok kami kahit kailan namin gustuhin.

Owning Lucas Ferrer (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon